Minsan pakiramdam ko wala na akong ginawa kundi mag-rant tungkol sa injury ko kaso ang hirap lang talagang iwasan. Parang pag-ibig. Yung tipong pag-ibig na ibubuhos mo na ang lahat-lahat mo: luha, dugo, pawis, pera, oras, basta hindi pagmamalabis ang pagkakagamit ng salitang 'lahat.' Tapos biglang isang Biyernes ng umaga may tatawag sayo na may hindi kanais-nais na balita na ang buod lang talaga ay Pasensya na pero pussy ka pa rin e. Tapos maaalala mo yung lahat mo. Yung kiniskis mo mula sa kailailaliman. Yung pagsipsip mo hanggang sa huling patak. Kaso hindi pa rin sapat. At binaliktad mo na mga bulsa mo, tangan-tangan ang pamasahe mong kulang ng piso.
Deeeee oks lang. Maybe next time. Though minsan naiisip ko pano kung di nangyari yung nangyari more than a year ago, baka nagbbook na ko ng flight patungong Australia. Or baka rin hindi lol. Pero panigurado, kung di yon nangyari, hindi ako nagdevelop ng weird fetish para sa mga knee support. Srsly tho, ang dami kasi palang iba't ibang brands at styles. Magsisimula na ko ng clothing line na puro supports lang. Para habang tumatakbo ako, kumikinang yung rine stones at sequins mula sa zebra print kong knee support na gawa sa 76% Italian head-hair.
E ayun, itigil na ang pagiinarte. Kantahan ko na lang sarili ko. Char.
Sunday, December 28, 2014
Sunday, December 14, 2014
Higgil sa mga Kwarto
Pipigilan ang
pagtawa
Pupunasan ang mga
luha
Hindi nila
maaaring malaman kung ano ang nagpapasaya sa iyo,
Kung ano ang
nagpapalungkot,
Kung ano ang
nagpaparamdam
Sino ba sila para
patuluyin sa mga kwarto ng kaloob-looban mo
Na kay tagal mong
iningatan at ikinubli
Mga estrangherong
maglalabas-pasok nang wala man lang pasabi
Mabuti sigurong kumatok na lamang sa ibang pinto
Sapagkat hindi magbubukas
ang akin para sa iyo
*homage sa Anyaya sa Aking Silid ni Eugene Evasco
Monday, December 8, 2014
Hinggil sa Pag-iisa
Hindi ko na mabilang ang mga pagkakataong naisipan kong tawagan ka. Para lang may mapagbuhusan ng galit, ng lungkot, ng kawalang kwentahan, ng saya. Ngunit lagi't lagi, ibaba rin ang telepono. Dahil ayaw kong maging abala para sayo ang aking pag-iisa.
Charot. Disclaimer: persona lamang. Dahil wala. Walang laman ang utak at laman-loob ko kundi kaartehan at labis na kagustuhang dumating na ang Biyernes. Hindi ko alam anong ginagawa ng Martes at Huwebes, nalilligaw pa rin ata sila. Pero ang Biyernes, diyan lang 'yan. Laging maaasahan. Kaso hindi makatarungan ang layo ng mga Biyernes mula sa isa't isa.

Tuesday, November 25, 2014
Happy anniversary
Eksaktong isang taon at dalawang araw na mula noong sukuan mo ako. Akala ko pa naman okey tayo. Akala ko ayos ang lahat. Nang bigla na lang nagdesisyon kang ayaw mo na pala. Na hindi mo na ako gustong kasama. Ang sakit. Sobrang sakit. At sa harap pa talaga nilang lahat. Walang hiya ka. Pero nakabangon din ako. Kahit pa gaano ko pinaniwalaang hindi ko na kaya pang tumayo, kailangan e. Dahil hindi ako pussy.
(o isang mensahe para sa ACL ko.)
Hindi ko maintindihan kung bakit ko gustong ipagdiriwang ang pagkapilay ko. Para sigurong kung paano natin ginugunita ang yumaong mahal sa buhay. Death anniversary kumbaga. Pero ang pinagkaiba'y bumangon ako mula sa pagkamatay. Bebe jesus lang ang peg.

Wednesday, November 19, 2014
*ring*
Hello?
Hello?
Bakit?
Wala lang. You're alive.
Ok bye.
Hello?
Bakit?
Wala lang. You're alive.
Ok bye.
Friday, October 31, 2014
Paano manlandi ng kapwa pilay 103: Ang Huling Yugto
Hindi ko na alam dahil hindi na siya kapwa pilay. Ang masasabi ko lang ay masyadong matagal ang anim na buwan para sa pagbuwelo. At ngayon, wala na, huli na ang lahat. Lipad, munting ibon, lipad. O takbo, ewan ko. At ilaro mo na ang kung ano man yang sport na linalaro mong hindi ko alam dahil nga nahihiya akong kausapin ka. Kahit sa pinakadulo, pussy pa rin. Kitakits na lang pag napilay ka ulit. Jk wag naman jusko.
Thursday, October 30, 2014
Hinggil sa Kawalan
Ang balat sa pagitan ng mga daliri, diyalogo ng mga titig at ngiti, ang kalahati ng kama na pinipili at pinanatiling malamig. Hindi kinakailangan na lahat ng puwang, lahat ng katahimikan, lahat ng kahungkagan, ay mapunan. Dahil paminsan, mayroon ding kagandahan sa kawalan.
Monday, October 20, 2014
Dahon for dinner
Para sa hapunan ay kumain ako ng dahon. Dahon mula lupa na tinawag ng mga institusyon na 'salad.' At nagbayad ako ng isaang daang piso para kainin ang mga dahong ito na nagpapanggap na pagkain. Hindi kayo pagkain. Kayo ay dahon. Kayo ay halaman. Kayo ay iyong wirdong bata sa klase na pumapapak ng chalk at kanakausap ang sarili. Anong ginagawa niyo at sinusubukan niyong pumasok sa tiyan ko ha? Meat - ito ang tunay na pagkain. Mga dating lumabas sa puke ng nanay nila, nabuhay, nagmahal, at ngayon ay chinop chop na at binubudburan ng asin at paminta. Yan ang pagkain ng mga kampyon, ng mga maraming makakamit sa buhay. Di yung mga dahon dahon na yan. Pssh dahon. Ako ba'y pinaglololoko niyo.
Saturday, October 4, 2014
Hinggil sa mga pader
Nakakalimutan ng ilan na ang mga pader ay hindi lamang para mangharang ng mga sinusubukang pumasok, kundi para rin panatiliing nasa loob ang mga dati nang pinatuloy. At kakatok sila nang kakatok, nang hindi man lang namamalayang nasa kabilang panig na sila nung umpisa pa lang.
Thursday, September 18, 2014
Isang bukas na liham para kay Nikko Ramos
Naaalala ko pa rin yung unang beses na nagtagpo ang mga mata natin. Ito na yon, sabi ko sa sarili ko. Ito na siguro yung sinasabi nilang 'pag-ibig.' Wala akong imik. Nakatingin lang ako sa 'yo. Ngunit kahit na nakatingin ka rin pabalik, para bang hindi mo naman ako nakikita. Literally.
Tuwing napapanuod kita sa telebisyon, lagi kang nakangiti, laging masaya. Naiisip ko na siguro okey na tao 'to. Yung tipong tao na pareho lang ang antas ng pagsuporta para sa basketball team ng UP miski tambak na sila ng trenta puntos wala pang kalahati, o tabla sa Ateneo nang sampung segundo na lang ang natitira at sa UP ang bola. Yung mga ganyang klaseng tao ang mga dapat hinahangaan e. Siguro ganun ka.
Minsan umaasa akong makita kita sa totoong buhay. Wala lang. Tapos sasabihan kita kung gaano ako kanagandahan sa sinulat mong sanaysay tungkol sa lolo mo at sa Gilas, at na ang galing mong magsalita sa Sports5 Center. O kaya tititigan lang kita mula sa malayo. Isa sa dalawang mga bagay na yon.
Nang biglang nasa Gateway ako kanina at napatigil sa paglalakad. Tangina si Nikko Ramos yun a! Napatigil din ako sa paghinga, sa pag-iisip, sa... basta lahat parang tumigil. Ang tangkad mo pala sa personal. At nakangiti ka na parang yung ngiti mo sa telebisyon. Ganun na ganun. Tinignan ko ang mga mata mo para sa unang pagkakataon nang hindi nakasubsob ang mukha ko sa salamin ng TV. Sigurado na ako ngayon. Ito na nga talaga yon. Yung sinasabi nilang 'pag-ibig.'
_____
Disclaimer: exaggerated for artistic purposes. Sobrang creepy jusko. Pero love ko kasi talaga si Nikko Ramos ok. Actually may kaholding hands siyang babae kanina. Pero love ko pa rin siya. Mostly dahil sa kahusayan ng pagkakasulat nito:
http://www.slamonlineph.com/fun-times-flatlines-mabuhay-ang-gilas/

Monday, September 15, 2014
Manok lang ang makakasalba sa akin
Para bang nakasakay ako sa isang bangkang pinapasukan ng tubig ngunit hindi mahanap ang butas. At kahit pa subukang tapalan lahat, patuloy pa ring lumulubog.
At patuloy pa rin ang paglubog.
Char, pupunta lang sa doktor sa isang araw naginarte na. Pero wala pa ring mas nakakalungkot pa sa pagkawala ng Mang Inasal sa Katipunan. Naaalala ko pa rin ang sabay na paghila ko sa pinto at ang pagpansin na tinakpan ng manila paper ang mga salamin. Sobrang sakit. Para akong nawalan ng kaibigan. Na gusto kong ihawin. At kainin. Yung ganung klaseng kaibigan. Ewan ko ba.
Thursday, September 11, 2014
Bente
Parang pakiramdam ko napakahabang panahon ang nasa pagitan ng 19 at 20. Parang ang laki bigla ng tinalon ng edad ko. Pag teenager ka kasi, pagbibigyan ka pa ng lipunan na magpa-cute, maginarte, magpaka-emo, mag-rant sa facebook. 'Bata' ka pa e. Ano bang alam mo maliban sa magpa-cute, maginarte, magpaka-emo at mag-rant sa facebook? Wala. Wala kang alam.
Tapos sasabihin ng orasan mo na alas dose na nang madaling araw sa isang partikular na Martes, at kahit na wala ka pa ring alam, isinisigaw ng napakabilog na mga numerong 2 at 0 na dapat ata meron na. Yung iba diyan, pagraduate na, naghahanap ng trabaho, nag-iipon para sa kasal. Tapos nandiyan ka, kinakain mula sa sahig ang nahulog na icing galing sa cake na binili mo para sa sarili mo. (Subukan niyo yung Banana Nutella Pie sa Mom and Tina's. Pero patunawin niyo muna nang mga trenta minutos para gooey yung tsokolate sa loob imbis na frozen. Sobrang sarap.)
Ayun. Yun lang ang alam ko. Kung paano ang tamang paraan ng pagkain ng Banana Nutella Pie ng Mom and Tina's. Sapat na siguro yon.
Pero seryoso, masarap.

Monday, September 1, 2014
Mula sa Mga Tala sa Balarila ni Carlos Piocos
Bakit kay lapit ng salitang halika sa halik?
Ngunit bakit sa tuwing ikaw ay tatawagin ko
Sa aking tabi, halika sa aking tabi,
Sapagkat nanginginig ang kama sa titig ng gabi,
Halika. sapagkat nais kong sabihin ang halika
Nang paulit-ulit, halika, halika, hayaang mapuno
Ng halika itong madilim na silid
Sasagot ka ng katahimikang bitbit ang buong daigdig
At tila isang uniberso ang pagitan ng ating mga bibig.

Friday, August 29, 2014
Siyam na buwang pagluluksa
Sabi sakin ng PT ko, kausapin ko raw yung tuhod ko. Baka sakaling gumana. Kung kaya't nagsulat ako ng maikling tula para rito.
Puta
umayos ka nga
pls lang
a ayaw mo?
ok thanks
Hindi ko alam kung gaano katagal pa bago ako mag-rampage at simulang kainin nang buhay lahat ng makita ko habang isa-isang inuukit sa noo nila ang "Kung hindi ako makakalaro, walang makakalaro." Yan na siguro ang primaryong rason kung bakit pumupunta pa rin akong therapy- para hindi makapatay ng ibang tao. Saka para na rin makita ko si ano. As in literal na 'makita' lang dahil conversing is so overrated. And so paking difficult wats wrong wid me
#belatedhappymonthsary

Thursday, August 28, 2014
On beauty and grandmothers
Sinabihan ako ng lola ko na buti raw at mahaba na buhok ko. Ngayon, lagi na raw akong maganda. Tuwang tuwa siyang hinahawakan ang buhok ko at pinagpipilitan ang pagiging maganda kong akala niya ata'y kailangan kong marinig nang paulit-ulit. Na para bang ang bumubuo sa'kin ay kagandahan. At kagandahan lamang.
Sa tingin ng iba na sapat na ang pagsabi sa isang babae na maganda siya o sexy o blooming. Masarap nga namang marinig pero hindi kasing sarap pakinggan tuwing masasabihang nakakatawa o matalino o hindi pussy. Mga katangiang mananatili kahit pa wala na ang make-up at, para sa lola ko, buhok.
Stress. Sarap magpagupit para lang mang-asar ng mag-ootsenta anyos na byuda. Dahil ganun akong klaseng tao.

Saturday, July 19, 2014
Ang simultaneous na saya at lungot na dulot ng Little Miss Sunshine
Di ko na maalala kailan ko unang pinanuod pero nananatili pa rin to bilang paborito kong pelikula. Mapapatawa ka at mapapaiyak nang sabay na mas lalong magiging strange na feeling pagkarealize mo na isang dance sequence ang eksenang pinapanuod. Sobrang cute talaga nakakainis. Pero wala pa rin talagang tatalo sa iniyak ko sa TFIOS. Like a bitch.
At nasa bahay ako ng lola ko nung isang araw at meron din silang mga give away sa binyag na mga naka picture frame na litrato ng kung sino mang sanggol. Magsisimula ako ng movement na ipinagbabawal ang paglikha ng mga to base sa simpleng kadahilanan na sobrang tanga ng mga piraso ng basura na yan at sayang lang sa pera. Ganyan dapat ang ipinaglalaban natin e, yung mga seryoso't mabibigat na isyu.
Kung maputulan ka ng ACL, halo ka ng malas at bobo. Kung maputulan ka ULIT, may kasama nang galit mula sa mga diyos yon. Nais lang nilang sabihin na sino bang hindi gustong madagdagan ng bakal sa katawan. Kadalasan tuwing may bagong dumarating sa Moro, nalulungkot ako para sa kanila. Pero kung kilala ko na sila, pagkatapos ng mga limang segundong kalungkutan, nakakatawa na lang e. Nakakatuwa makakakita ng mga kaibigang pilay at nahihirapan. Napapangiti ang puso ko. At kung hingan ka ng isa sa mga pilay na kaibigang yon ng cover, bibigyan mo siya ng cover. Kasi c'mon, pilay na nga e. Sana hindi mo magustuhan para extra miserable buhay mo.

Wednesday, July 2, 2014
Mga bagay sa loob ng kwarto ko
Sapagkat wala lang
1. Isang kahon ng centrum na kakabili lang kanina. Sabi ng tatay ko habang inaabot 'hoy mag vitamins ka nga.' To which I responded 'ok.' Tapos dagdag pa niya 'uminom ka na ng isa ngayon.' Sabi ko muli 'ok' at uminom ng isa. Pagkatapos ay pinakiusapan ko siyang lumabas na ng banyo dahil hindi pa ko tapos tumae. Joke lang yon. Hindi ako sa banyo tumatae.
2. Resibo mula sa 7-Eleven na may nakalagay na 'CUM-N-GO'
3. Figurine ng baby na binigay samin nung graduation ng prep na tinatago ko para lang ipaalala sakin ang kabalintunaan na naging Best in Christian Values Education ako.
4. Electric fan
5. Picture ng baby na naka frame na may note na nagpapasalamat sa pagpunta sa binyag ni Angelica Santos Aq-- leche bakit ba nandito pa rin to
Thursday, June 26, 2014
Paano mangmanyak ng kapwa pilay
Joke lang. Kadiri. Hindi ako ganung klaseng tao. Pero kasi kung magbubuhat ka sa harap ko, sa tingin ko binibigyan mo na ako ng karapatang tumitig. Hindi ba ganun yon? Ah ok, hindi pala. Kadiri. Kadiri talaga. Buti na lang babae ako kaya hindi kasing kadiri pakinggan to kumpara kung lalaki ang nagsabi. Buti na lang may double standards.
At Belated Happy Monthsary sa sarili ko! Pitong buwan na mula nung tubuan ng pussy yung tuhod ko. As in literally. Sobrang hasel umihi. Ang hirap pang ipaliwanag sa ibang tao. They're all like 'wtf is dat shit' and I'm like 'have u not seen a pussy before gaaaad.' Stress.

Monday, June 16, 2014
Sino ka ba
Angelica Santos-Aquino at bakit may naka-frame na litrato mo sa pamamahay namin? Sanggol ka pa lang kaya wala kang magagawa na naisipan ng magulang mong gawing give away sa binyag mo ang mukha mong napapalibutan ng mga pink na anghel at pink na ribbon at pink na bulaklak. Kung meron pang hindi makakakuha kung ano kasarian mo, kailangan na ata tong tatakan na rin ng mga pink na puke. Dose-dosena siguro nito ang nakakalat sa Metro Manila at nasa mga tahanan ng mga taong tulad kong sa totoo lang ay walang pakealam sayo at walang intensyong magdisplay ng picture ng anak ng ibang tao. Sorry a. Pero baby ka lang naman, anong pake mo sa mga taong walang pake sayo. Kakabinyag mo lang nga pala. Parang dapat ata i-congratulate kita pero linublob ka lang naman sa tubig. Holy raw yung tubig pero kaechosan lang yan, papeles lang talaga ang kailangan. At ngayon, nang wala kang kamalay malay, inukit na ng mga magulang mo ang mga 'Dapat' sa buhay mo. Ang mga dapat paniwalaan, dapat gawin, dapat isipin, dapat sabihin, dapat maging. Nako, utang na loob, huwag na huwag kang kakagat.
Sunday, May 25, 2014
Paano manlandi ng kapwa pilay 102
1. Pag-isipan nang dalawang oras kung anong pwedeng sabihin nang hindi magmumukhang sinasadyang maging malandi kahit na yun naman talaga yung kaso
2. Pagdebatehan sa isip nang isa pang oras kung dapat ba talagang kausapin mo siya. Pero may sarili kaya siyang buhay at anong pake niya sayo. Tapos pano kung funny siya at mabait at trip mo pala siya kaso gagaling na yung tuhod mo at macclear ka na at hindi mo na kailangan mag PT at hindi mo na siya makikita kahit kelan at years later maiisip mo, funny pa rin kaya siya? At mabait? Tapos titignan mo yung asawa mong funny din naman at mabait kaso iisipin mo, pano kaya kung mas funny at mas mabait pala yung isa at isang napakalaking kasinungalingan ng buong buhay mo
O kaya paano kung maging kayo pero makahanap siya nang mas okey na tao pero di niya sasabihin sayo at kikitain niya yung isa pang babae habang kayo pa rin dahil hindi niya alam anong gagawin at habang unti-unti kang nagiinvest ng totoong feelings, siya naman unti-unting bumabawi at sasagutin niya ang 'mahal kita' mo gamit ng 'may mahal akong iba' at magugunaw ang mundo mo at hindi ka na iibig kailan man muli
3. Wag kausapin

Tuesday, May 13, 2014
Spiderman ruined my life
Kahit na alam mong may parating na suntok, hindi pa rin mababawasan yung sakit pagkatama sa'yo. Maiisip mo na lang, sana umiwas na ko nung pwede pa. <spidermanspoiler> Inaabangan ko lang mamatay si Emma Stone buong panunuod ko ng The Amazing Spiderman 2. Sa totoo lang, hindi ganun kaganda yung pelikula kaya hindi ko talaga inakalang hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ako tuwing naaalala ang slow mo na paghampas ng ulo ni Gwen Stacey sa semento. Pinaniwala nila kong kahit ano'y kayang lagpasan basta may pagmamahal at boypreng nakagat ng mutated na gagamba. Pero kung kahit sa pelikula ay hindi ka maililigtas, paano pa kaya sa totoong buhay. </spidermanspoiler> Ayoko nang umibig. Ang mabuting bagay lang na nagawa para sakin ng pelikulang to ay pinagtagpo kami ni Dane Dehaan.
Friday, May 9, 2014
4. 3 inches
Yan ang average na haba ng ari ng isang lalaking Pilipino. Umagang umaga at kakakain pa lang ng almusal, at habang nasa kotse't papunta sa kung saan man, tungkol diyan ang diskusyon pagkabukas ng radyo. Paano naisagawa ang pag-aaral? Ano ang metodo ng pagsukat? Maiksi ba o mahaba ang 4.3 inches? Paano nakahanap ng mga willing na titi? Bakla ba talaga si Piolo? Iilan lamang yan sa mga tinatanong ko sa sarili ko ngunit parang hindi ko gustong maisagot. Nagawa pang ipagmayabang ng DJ sa radyo na above average yung sa kanya kahit na wala namang gustong makalaman. Pero ang nakapagtataka doon ay kung bakit niya alam. Bakit ba inaalam ng mga lalaki kung gaano kahaba yung ano nila? Naiisip ko tuloy ang mga dalang ruler sa klase ng mga lalaki noong high school at kung ilang beses kaya nila inilapat ang titi nila dun para magkumpara at tignan kung humahaba ba. Saka bakit ba importante kung ano ang haba? Paano kung may maximum depth ang mga puke at hanggang doon lang talaga ang amount ng titi na kayang ipasok. Kunwari 2 inches ang lalim ng puke ng isang babae, hindi ba't kahit ano pang haba ng titi, 2 inches lang nung titing yon ang mapapakinabangan. Ano kaya ang average na lalim ng mga puke ng babaeng Pilipino? Mukang mas mahirap atang sukatin yon.
Thursday, May 1, 2014
Paano manlandi ng kapwa pilay 101
1. Mag-hello
2. Wag kausapin o tignan man lang sa mata kasi super awkward nung pagka hello
Ok, yun lang yung steps. Pagbalik ko sa rehab sa Biyernes, malalaman ko kung gaano ka effective yung methods ko. Possible ice breakers: "Paano mo na-tear ACL mo?" " Ilang weeks ka na?" "Hi I'm Pauline and I like your face."

Monday, April 28, 2014
Mula sa Love and Misadventure ni Lang Leav na isang koleksyon ng mga tula na tungkol sa pag-ibig na hindi ko masyadong nagustuhan dahil maaring una, hindi ako makarelate sa usapin ng pag-ibig o kaya pangalawa, hindi lang talaga ganun kaganda. Maliban dito. Nagustuhan ko to.
Rogue Planets
As a kid, I would count backwards from ten and imagine at one, there would be an explosion - perhaps caused by a rogue planet crashing into Earth or some other major catastrophe. When noting happened, I'd feel relieved and at the same time, a little disappointed.
I think of you at ten; the first time I saw you. Your smile at nine and how it lit up something inside me I had thought long dead. Your lips at eight pressed against mine and at seven, your warm breath in my ear and your hands everywhere. You tell me you love me at six and at five we have our first real fight. At four we have our second and three, our third. At two you tell me you can't go on any longer and then at one, you ask me to stay.
And I am relieved, so relieved - and a little disappointed.

Friday, April 11, 2014
Okey lang
Mula sa Amapola sa 65 na Kabanata ni Ricky Lee. Wala lang nagandahan ako sa pagkakasulat e.
Gusto mo kumain? Tanong ni Giselle ngayon, habang hinahanap ng tingin ang waiter. Order na, c'mon.
Busog ako.
Are you sure ka na ba? You are busog?
Ikaw ang dapat kumain, baka ka magkasakit!
Hindi ako magkakasakit, sagot ni Giselle. Okey lang ako. Okey ka lang, di ba, Giselle, madalas sinasabi niya sa sarili sa salamin. Okey ka lang. Basta sipsip ka lang nang sipsip ng lemon. Pagsalit-salitan mo ang dalawang gyms, four hours each., treadmills at ellipticals, hanggang sa hinahabol mo na ang paghinga mo. Wala kang kakainin kundi lettuce at chewing gum. Okey, di ba? Kapag naglaway ka na sa gutom, takbo sa kusina, magpapak ka ng peanut butter, saka sungkitin mo ng daliri ang lalamunan mo para masuka ka. Saka matulog ka maski namimilipit sa gutom. Fifty pounds na ba ang nawala sa 'yo? Nawalan ka rin ng period.
Dala-dala ang portfolio mong laman ang mga retrato mong halos hubad, saan ka na naman pupunta ngayon para ma-reject, para pagtawanan. Okey lang. Nakalahad ang kamay ng nanay mo at ibibigay mo sa kanya ang natirang pera mo. Kulang pa, iyon ang laging sinasabi niya. Amoy alak ang kuya mo. Sinapok ka ng tatay mo dahil naibigay mo na ang pera sa nanay mo. Isusugal lang naman. Pero sige, may nakatago ka pa, ibigay mo na. Lahat nakakayang ibigay. Sige pa, ibaba mo pa. Ayaw mo, disisais ka pa lang noon, me hawak pang lollipop na nakasubo sa bibig, pero sige pa, sabi ng kapitbahay na me bigote, ibaba mo pa. Kaya ibinaba mo ang panty mo. Our father, sabi mo noon sa sarili mo, gusto mong sa Ingles ang dasal, our father, are you in heaven? Ba't ang tagal ng Giselle na 'yan, sigaw ng nanay mo, nasaan siya? Kinuha ng nakabigote ang lollipop mula sa bibig mo at dahan-dahang ipinasok sa ari mo. Our father, why are you in heaven? Yakap-yakap mo sa dibdib ang ibinayad ng nakabigote sa 'yo na supot ng bigas. Msakit ang sampal ng Nanay mo. Pero mabango ang amoy ng kanin. Kinakain ng mga kapatid mo. Di mo makain. Baka magkasakit 'yan, narinig mong sabi ng tatay mo. Malakas pa 'yan sa kalabaw, sagot ng nanay mo, di 'yan magkakasakit. Di ba dati ang taba-taba niyan? Tawanan, mga kapatid mo. Hoy, sabi ng nanay mo, tabatsoy! Tawanan uli. Umiikot ang paligid mo. Okey lang.
Sunday, April 6, 2014
Isang koleksyon ng mga litrato ng paa ko
Dahil lahat na lang ng mga tao 'Pauline, magpost ka nga ng mga litrato ng paa mo.' Ayan, ibinibigay ko na sa inyo. Ito, mga kaibigan, ang produksyon ng labis na pag-iisa.
Kukong Pinatay ng Tiwaling Sistema
|
| Ang Paang Pinagiwanan ng Panahon |
| Paa-nalangin |
| Talampakan sa Gitna ng Kaguluhan |
Sunday, March 30, 2014
Daming angst
Ito ay isang listahan ng mga potentially life changing quotes na nakita ko sa bading kong diary na ang laman ay sinulat ko mula May 2010 hanggang June 2012. Nakakaloka basahin gusto ko na sunugin lahat ng laman ng condo ko.
1. A healthy mind is always a good substitute for an ugly face.
2. If you really want something, dapat you're willing to work through the inconvenience
3. We're all very much aware of what pricks we really are. We are all just good-for-nothing fucks, every single one of us.
4. Napanaginipan ko na naman si ___. For the third time.
5. Ang landi mo. Fuck you.
6. I'm not really the kind of person who likes being touched. Ayoko lang talaga. Feeling ko kasi breach of personal space. Kahit mga magulang ko ayoko pag hiunhug ako. Ang pangit lang talaga ng feeling.
7. Putang inang lecheng gagong titi ka.
8. Puta. Ang sarap upakan ng mga tanga kong kapatid. Di naman kasi kailangan lamunin lahat ng pagkain nang iisang araw lang.
[ang OA neto :)) ]
9. When I have a problem, I write it down on a piece of paper and read it over and over and over then I throw it away as though the problem is thrown away with it. But of course it isn't, so that's why I suck. Bow.
Sobrang nakakatawa talaga jusko lord. Dami kong inarte sa buhay. Favorite ko yung una :))
1. A healthy mind is always a good substitute for an ugly face.
2. If you really want something, dapat you're willing to work through the inconvenience
3. We're all very much aware of what pricks we really are. We are all just good-for-nothing fucks, every single one of us.
4. Napanaginipan ko na naman si ___. For the third time.
5. Ang landi mo. Fuck you.
6. I'm not really the kind of person who likes being touched. Ayoko lang talaga. Feeling ko kasi breach of personal space. Kahit mga magulang ko ayoko pag hiunhug ako. Ang pangit lang talaga ng feeling.
7. Putang inang lecheng gagong titi ka.
[ang OA neto :)) ]
9. When I have a problem, I write it down on a piece of paper and read it over and over and over then I throw it away as though the problem is thrown away with it. But of course it isn't, so that's why I suck. Bow.
Sobrang nakakatawa talaga jusko lord. Dami kong inarte sa buhay. Favorite ko yung una :))
Friday, March 28, 2014
Basagin ang pagtingin na dapat ang babae lagi ang sinusuyo, ang liniligtas, ang naghihintay na mahalin
charot. Pero maganda yung tula
Pagbati sa Pagsinta ni Joi Barrios
Nakatinding kong babatiin ang pagsinta.
Hindi nakahimlay at nahihimbing
Na kailangan gisingin ng halik,
Hindi nakaupo't naghihintay
Na para bang ang kanyang pagdating
Ang kabuuan ng buhay,
Hindi nakatingkayad o lumilipad
Na nakikipaglaro sa hangin at pangarap.
Nakatayo ako't sumasayad
Ang paa sa lupa,
Pagkat lagi't lagi,
Nakayapak ako kung umiibig.
Pagbati sa Pagsinta ni Joi Barrios
Nakatinding kong babatiin ang pagsinta.
Hindi nakahimlay at nahihimbing
Na kailangan gisingin ng halik,
Hindi nakaupo't naghihintay
Na para bang ang kanyang pagdating
Ang kabuuan ng buhay,
Hindi nakatingkayad o lumilipad
Na nakikipaglaro sa hangin at pangarap.
Nakatayo ako't sumasayad
Ang paa sa lupa,
Pagkat lagi't lagi,
Nakayapak ako kung umiibig.
Thursday, March 27, 2014
30-Nov-2011
Walong araw lamang pagkatapos ng unang training ko ever sinulat ko to sa diary ko:
"... in two years, dapat captain na ko."
Ambisyosang bata kaloka :)) At oo, grade school pa lang ako nagdadiary na ko so shutup. Parang ganto lang pero nasa papel. Ang cute cute ng mga rant ko pag alam kong ako lang nakakabasa. Paingles-ingles pa ko at sobrang daming mura. Ma post nga rito yung mga paborito kong muntanga na pagiinarte
Sunday, March 23, 2014
Feeling ko talaga kaya ko na tumakbo #3months
(Hindi ko na ipapaliwanag yung context basta tuhod-therapy related) Matapos ng ilang linggong pagpupumilit na may kasamang kaunting luha at mura, may nagpayo sa'kin na huwag na tignan yung marka na dapat abutin; itulak ko lang hangga't sa kaya pang tiisin yung sakit. (As in may literal na marka at pagtulak at sakit) At gumana naman. Which brings me to the point, Happy Monthsary! Pero paano kaya kung tigilan ko na yung pagbilang at pagbati buwan buwan, baka sakaling bumilis yung pakiramdam ng paghihintay. Kaso baka di na ko makakuha ng pagkakataon ulit na magselebra ng kahit anong klaseng monthsary. Seryoso, may sumpa na sumusunod sakin. O kaya dapat mag research muna ako nang konti sa estado ng availability ng mga tao bago maginvest ng feelings. Di ko na mabilang kung pang-ilan na to, ang OA na kasi. O kaya discard na lang lahat ng feelings in general. Kasi di naman talaga kailangan yan basta't meron pang youtube at mcdonalds delivery na magpapanatili ng katinuan ko. Tapos may lima akong papel na hindi pa nasisimulan at sabi ko sa sarili ko, bat di kaya ako manuod ng mga paborito kong Avatar episodes, tapos mag 2048 at matalo nang paulit-ulit, tapos kantahan ang sarili at ipaskil sa soundcloud kahit na takot akong mahusga, tapos mag-inarte tungkol sa tuhod kong eksaktong apat na buwan nang ni minsan ay hindi ko natanggal sa isip ko, tapos ilathala lahat yan kahit na wala naman talagang may pake pero cathartic e so wtvr, tapos 'yan, 'yan itsura ng araw (at ng buhay) ko.
https://soundcloud.com/paulinefernandez/peter-gabriel-book-of-love
https://soundcloud.com/paulinefernandez/peter-gabriel-book-of-love
Wednesday, March 19, 2014
Nagpa photocopy ako kahapon kay Ate Jophel/Jofel/Dyofell sa FC. Naalala ko tuloy yung photocopier nung high school na tinatawag ng lahat na Ate Roxy (kabaliktaran ng Xerox.) Angel ang tunay niyang pangalan pero walang may paki alam. "Cleto, Panpil 101," at hinugot niya ang dalawang makapal na libro mula sa lalo pang mas makapal na stack ng mga readings. Paano kung binabasa pala niya lahat ng dumadaan sa kanyang papel. Di lang natin alam, siya na pala ang pinakamahusay sa larangan ng Anglo-Saxon post structuralist speculative poetry. Habang naghihintay, may napansin akong kalahating-tapos na cross stitch ng imahen ng isang pumpon ng bulaklak. Sa pagitan siguro ng pagbanggit sa kanya ng mga estudyante ng mga apelyido ng mga propesor at kung anu-anong mga subject at numero, pinagkakaabalahan niya ang paglusot ng tamang kulay ng sinulid sa tamang mga butas sa kapirasong tela. Dati, siya lang si Ateng nagphophotocopy. Ngayon, siya na si Ateng nagphophotocopy na mahilig mag cross stitch. Iyan lang ang alam ko tungkol sa babaeng tatlong taon na akong pinagsisilbihan ngunit hindi ko man lang alam kung paano ang baybay ng pangalan. At base sa isang malaking supot na siksik sa iba't ibang kulay ng sinulid, hanggang alas singko lang siya bukas, ngunit marami-rami pa siyang iccross stitch, at marami-rami pang iphophotocopy.
Monday, March 17, 2014
Friday, March 7, 2014
Mula sa Soltero ni Louie Jon A. Sanchez
Ipinanganak naman daw tayong mag-isa, kaya ano pa
Ang ipagdadalamhati? Kapag bumitaw ang kahawak-
Kamay, hindi ipinahihiwatig na nagwakas ang pag-iral
Ng isang pagsasalo. Bumabalik lamang tayo sa ating
Dating katayuan
Ang ipagdadalamhati? Kapag bumitaw ang kahawak-
Kamay, hindi ipinahihiwatig na nagwakas ang pag-iral
Ng isang pagsasalo. Bumabalik lamang tayo sa ating
Dating katayuan
Tuesday, February 25, 2014
Of tryouts and hotdogs
Anyway, ayun. Nakakainis lang kasi ang pagka naive at kahinaan ng argumento ng ilan tungkol sa isyu. Hindi talaga para sa atin (mga estudyante) ang prinopropose na shift. Kailangan natin makita yon. At ano naman ngayon kung mainit at hassle. Sabihin na nating kaya na ng UP at nararapat na talagang umayon, napakaliit na inconvenience ng mainit at hassle ok. Etcetera.
O sige, back to me. Ayokong may pinaguusapang hindi tungkol sakin. Ano ba kasi url ng blog na to, diba. Jk. Babalik na ko sa mga makamundo kong mga prublema.
May iilang mga oportunidad na lumipas at lilipas, at wala akong magagawa. Labis labis pa rin talaga ang panghihinayangakdjfla. Tapos mapapahiga na lang at paulit-ulit na ibubulong ang salitang 'fuck' sa unan. Pagkatapos siguro ng pang-14 na 'fuck,' mawawala rin ang galit at ipagpapatuloy lang ang pag 'fuck' hangga't sa pakiramdam mo inuulit mo na lang yung salita imbis na sinasabi. Tapos naalala kong naggrocery ako kanina't bumili nung maliliit na hotdog. Kahit ano pang sabihin ng iba, mas naeenjoy kong kainin ang maraming maiiksi na hotdog kaysa konting mahahaba. Masarap kasi yung balat pagka malutong. Pinasaya naman ako ng pagkain ng hotdog. At bigla kong naisip kung kaya bakit Ingles ang mura ko. Siguro kasi mas madaling sabihin ang 'fuck' kaysa 'tangina.' Total, mahilig nga kasi ako sa maiksi.

"We develop to internationalize, not internationalize to develop."
O parang ganyan. Di ko rin maalala kung sino nagsabi.
Kahit ilang beses pang sabihin ng administrasyon na ang caldendar shift ay para sa ikabubuti ng mga mag-aaral ng unibersidad, na sa isang aspeto ay totoo rin naman, napakaklaro na ang tunay at primaryong dahilan sa likod nito at ng masugid na pagkampanya para sa mabilisang pagimplementa ay upang makakuha ng pinansiyal na suporta mula sa mga dayuhang institusyon at iba pang mga pribadong sektor.
Alam naman nating nangagailangan ng pondo ng pamantasan ngunit palagay ko'y hindi ito ang tamang paraan. Maaaring tignan ang pagka semi-feudal, semi-kolonyal ng bansa kung saan ang ating pagunlad ay labis na nakasalalay sa mga external na kapangyarihan, at ang kawalan ng kakayahan ng ekonomiyang tumindig mag-isa.
Darating din ang panahon (sana) na ang kalidad ng edukasyon ay up to par sa international standards, na ramdam na at hindi pilit ang tamang timing upang maginternationalize, na ang usaping socialized tuition at iba pang isyu ay naresolba na. Nagawa na ba ang sapat na pag-aaral at konsultasyon? Handa na ba ang mga curriculum, ang mga faculty, ang mga facility? Ang mga intensyon ba'y para talaga sa kapakanan ng mga mag-aaral? Hindi - hindi pa.
Seryoso e :)) Shit kasi ng reasoning ng ibang tao, miski man pro o anti shift.

Monday, February 17, 2014
Narealize ko nung isang araw na napaka delikado ng kombinasyong alak+pilay+hagdan. At ano ba ibig sabihin ng ekspresyon na 'awtsu' at ano ba yung 100 happy days na yan. Pinapapinturahan yung buong bahay dahil nagkaka mid life crisis ata nanay ko't nakakuha siya ng pera mula sa kung saan mang ayaw niyang sabihin samin na ang hula ko ay semi illegal. Trip ko gumawa ng lists lately kaya gagawa ako ng isa pa.
Listahan ng mga bagay na hindi ko pinaniniwalaan:
Birthdays
Pasko
#6months (pero yan pa rin yung countdown na gagamitin ko kasi positive thinking)
#6months (pero yan pa rin yung countdown na gagamitin ko kasi positive thinking)
Ang pagiging 'ulam' ng mga ulam sa Pisay caf
Diyos
"May kukunin lang ako sa kotse" (backstory: may nagsabi nito sakin nung batang batang bata pa ko at pagpasok niya sa kotse, umandar ito nang kasama siya sa loob. Buong gabi akong naghintay at umiyak. Ewan ko kung nakuha niya yung dapat niyang kukunin sa kotse.) #scarredforlife
Pag-aral para lang makakuha ng high paying na trabaho
Ang sistema
Filipinas with an F
Ang sistema
Filipinas with an F
Pag-ibig
Tuesday, February 11, 2014
Magkabilang dulo ng emotional spectrum
Mga nagpapasaya sakin:
Pasok ang RoS sa finals
Bumili ako ng running shoes kahit na hindi ko pa naman to pwede gamitin pangtakbo.
Katatapos lang ng period ko. Sorry tmi
Nanuod ako ng Iloilo sa FI nung Biyernes at ang ganda
Hihihihi :">
^ Jk wala talagang ibig-sabihin to
4.5months na lang
Mga hindi nagpapasaya sakin:
Isa sa pinakamahirap na parte siguro sa buong ordeal na to ay ang paghingi ng tawad sa lahat ng taong humihiling/gusto mong bigyan ng oras mo pero hindi talaga kaya.
May exam ako na dapat sinumbit kanina pero nakalimutan ko.
Ang init
Limang oras akong nasa therapy kanina. Sobrang tagaaaal jusko
Mag-isa lang ako sa condo at minsan bigla kong naaalala yung mga ghost/engkanto stories nung isang araw at ang mga nais akong samahan dito sa mga susunod na gabi ay very much welcomed
4.5months pa

Friday, January 24, 2014
Wanted: Cuddle Buddy
Pero no feelings involved. Sobrang lamig kasi talaga. Nauubusan na ko ng ibabalot sa sarili. Di kaya'y kapwa balat lang pala ang solusyon. Jk kadiri. O paurong ba na pag-iisip ang pagkonsiderang kadiri sa paglalapat ng balat? De, kadiri talaga e :((
Speaking of kadiri, kakarating lang ng kapatid ko sa condo at tinanong siya ng nanay ko kung saan siya nanggaling. Nagkaroon ako ng overwhelming feeling na sumigaw ng "Sa puke mo." Pero napigilan ko pa ang sarili ko. Whelming lang pala yung feeling, di over. Weh corny. Madaling araw na kasi't hindi ngayon ang nararapat na panahon para isigaw ang salitang puke. Mas masama pa don, nagbigay ako ng lokasyon. Hindi lang simpleng puke, kundi puke mo.
Total puke count: 6
(Pero sa totoo lang) Puke count: 1
Whatever. Baboy na kung baboy.

Thursday, January 23, 2014
Happy Monthsary
Higit pa sa pisikal na aspeto, nakakapagod. Nakakapagod magbilang. Nakakapagod manuod. Nakakapagod mahuli. Nakakapagod magpaliwanag. Nakakapagod bigkasin ang mga salitang "Hindi, kaya ko."
Wahaha charot ang arte. #5months na lang wut wut. Kaso parang bumabagal ang oras pagka alam nitong nakatingin ka. Pero ayos lang, mabagal man, gumagalaw pa rin. Saka gustong gusto kong tanggalin na yung litrato sa previous post kaso hindi ako deleter at papanindigan ko yan kahit na gaano pa ka mukhang tanga. Parang may nagsabi na nung last part tungkol sakin dati. Ang sarap pa ng weather. Buti na lang di arms ko nasira kundi wala nang yayakap sakin tuwing malamig.
Monday, January 6, 2014
http://www.kevinfoongcg.com/fengshui/2014-chinese-horoscope-for-the-year-of-horse/
1994: Dog
"Dog people can look forward to power and leadership. Do note of competition along the way who are vying for the same seat as you."
HOY AKIN YON LUMAYO KAYONG LAHAT jk saka mukhang masyado nang late para dito: "Avoid dangerous sports "
sobrang wala akong magawa im so sorry.

![]() |
| Ano ginagawa ko. I need friends |
Resolutions
Magsisimula na kong magrehab ngayong linggo at handang handa na sana ako nang bigla kong narealize na sa loob ng Ateneo yung clinic at marami raw estudyante rin na baka ilang buwan kong makakasama at sobrang ayokong makipagsocialize. Pero marami naman atang atenista na dun nag-ggym at nagpapa PT kaya mukhang magiging masaya naman na experience. Baka panahon nang maghanap ng ibang taong wala pa rin akong pag-asa with pero nasa ibang setting. Para lang may konting variety. Anyway, unang resolution ko para sa taon ay hahatakin ko yung mga rehab sessions na to by the balls at hindi ko sila bibitawan hangga't sa nakakalaro na ko. #5.5months
2. Makipagbati na sa rice cooker. Naiintidihan naman na niya na hindi talaga ako yung kumuha ng kaldero. Di ko alam kung handa na ko para sa unang saing of the year
3. Makipagbati na rin sa electric fan. Di ko sinasadya na matamaan ka. Akala ko talaga strong enough yung wind para bumalik sakin yung bola. Gumana ka na pls. Sobrang init.
4. Stop picking fights with appliances. Hindi healthy.
5. Matutong magmahal.
6. Matututong tumanggap ng pagmamahal.
7. jk
8. Subukang tawagin yung aso namin gamit ng pangalan niya at hindi 'aso' o 'dog.' Apparently issue yon.
9. Tanggapin ang mga limitasyon ko. Alam ko na ngayon na hindi talaga ako magiging air bender at hindi rin ako iimbitahin ng well-dressed British man na samahan siyang mag time travel.
10. Hanapin ang inner social butterfly ko. Pwede ka lang magtago sa banyo so many times until may makapansin na wala ka naman talagang ginagawa sa loob. Dadating din ang point na hindi na kapanipaniwala ang pagdadahilan na may gagawin ka pang papel.
At higit sa lahat
11. Bawal pussy.
Subscribe to:
Comments (Atom)