Akala ko pa naman nakatakas na ko mula sa grasp mo. Akala ko tinapos ko na to nung sem break. Pero mukang nagsisinungaling lang pala ko sa sarili ko. Alam ko namang hindi mo ko kailan man mamahalin pabalik, pero nandito lang ako sa harap ng laptop ko't inaabuso ang google images at youtube.
Ehehe creepy lang.
Anyway, punta ka sa soundcloud kooo soundcloud.com/paulinefernandez. Kung ano mang amount ng passion ang meron ako para sa gwapong lecheng brit na yon, ganun din ang ibubuhos ko sa pagpapatakbo ng site na yan. Sana. Kahit na sobrang panget pala ng laman, iplay mo pa rin para lang sa self-esteem ko.
Sunday, March 31, 2013
Harry Styles, you sexy beast
Labels:
confidence,
Harry Styles,
music,
one direction,
pag-ibig,
soundcloud
Friday, March 29, 2013
Life, future, happiness, shit like that
Buong buhay ko, pinaniwla ako na simple lang naman talaga ang buhay. Dapat mag-aral ng mabuti at makakuha ng matataas na grades, at pasayahin ang mga magulang at isipin nila na ang achievements mo ay achievements din nila kahit na hindi naman talaga. Tapos tatapusin ang college nang apat na taon sa course na in demand at "may kwenta." Tapos maghahanap ng trabahong hindi ko naman talaga gusto pero mataas ang bayad, dahil hindi ko nga naman mapapakain sarili ko gamit ng dreams at self-fulfillment. Tapos mag-aasawa ng respectable-looking na doctor o abugado o engineer, na mamahalin ako, at magkakaroon kami ng mababait at magagalang na mga bata na laging nagmamano at nagpopo. Tapos sabay sabay kami lagi tuwing kakain ng hapunan at magmimisa every Sunday. Tapos hanggang magkaron na ng sariling mga trabaho mga anak ko, wala akong ibang iintindihin kundi ang mga bills at mga utang na kailangang bayaran. Tapos pagka wala nang kailangan bayaran, magreretire na ko dahil ang isang trabaho ay para sa pera lamang at hindi na hihigit pa don. Tapos magkasama kaming tatanda ng asawa ko at magkukunwaring mahal pa rin namin ang isa't isa hanggang kunin na kami ni Lord na labis kong pinaniniwalaan na totoo. At kung lumihis ako sa ganitong buhay, parang may mali na agad.
Kaso nga lang, dahil masyado akong cool, parang di ko pala masyadong trip yang ganyan. Ang importante lang naman talaga ay maging masaya, diba. Paano kung hindi ako pinapasaya ng buhay na pinapatakbo lang ng pera at feelings at jesus. At kung anong importante sa'kin ay hindi yon ang importante sa ibang tao at pinipilit nilang tama sila at wala nang ibang inisip kundi kung ano ang practical at nag-aalala sa future na mga anak kong hindi pa nga buhay at hindi ako sigurado kung mabubuhay man. Ehehe pakyu. Biro lang hihi.
Shet, handang handa na kong kainin nang buhay ng real world. Pero ayos lang kasi ginusto ko naman yon.
Kaso nga lang, dahil masyado akong cool, parang di ko pala masyadong trip yang ganyan. Ang importante lang naman talaga ay maging masaya, diba. Paano kung hindi ako pinapasaya ng buhay na pinapatakbo lang ng pera at feelings at jesus. At kung anong importante sa'kin ay hindi yon ang importante sa ibang tao at pinipilit nilang tama sila at wala nang ibang inisip kundi kung ano ang practical at nag-aalala sa future na mga anak kong hindi pa nga buhay at hindi ako sigurado kung mabubuhay man. Ehehe pakyu. Biro lang hihi.
Shet, handang handa na kong kainin nang buhay ng real world. Pero ayos lang kasi ginusto ko naman yon.
Friday, March 22, 2013
Warning: mej kadiri
Sa kalagitnaan ng isang klase kanina, bigla akong nahaching. May naramdaman akong lumabas maliban sa uhog kaya pumunta kagad akong banyo para icheck. At pula. Kulay pula ang aking nakita. Di na naawa ang universe sa puti kong shorts. Dahil sa pagmamadali kong bumili ng stuff, na unfortunately ay di binebenta in lavender flavor sa UP, at paghahanap ng banyo na walang pila, pawis na pawis akong nakabalik sa klase. Tapos napabahing na naman ako. Yung tipong bahing na may kasama pang laway at luha at kung ano pa mang ayaw ko nang alamin kung ano. Hindi ko inakala na posible palang lumabas ang ganun kadaming likido nang sabay sabay mula sa iisang tao.
WALA LANG FEEL KO LANG IKWENTO.
WALA LANG FEEL KO LANG IKWENTO.
Wednesday, March 20, 2013
Nagandahan ako e
Parte ng Happy Endings ni Margaret Atwood
Mary falls in love with John but John doesn't fall in love with Mary. He merely uses her body for selfish pleasure and ego gratification of a tepid kind. He comes to her apartment twice a week and she cooks him dinner, you'll notice that he doesn't even consider her worth the price of a dinner out, and after he's eaten dinner he fucks her and after that he falls asleep, while she does the dishes so he won't think she's untidy, having all those dirty dishes lying around, and puts on fresh lipstick so she'll look good when he wakes up, but when he wakes up he doesn't even notice, he puts on his socks and his shorts and his pants and his shirt and his tie and his shoes, the reverse order from the one in which he took them off. He doesn't take off Mary's clothes, she takes them off herself, she acts as if she's dying for it every time, not because she likes sex exactly, she doesn't, but she wants John to think she does because if they do it often enough surely he'll get used to her, he'll come to depend on her and they will get married, but John goes out the door with hardly so much as a good-night and three days later he turns up at six o'clock and they do the whole thing over again.
Mary gets run-down. Crying is bad for your face, everyone knows that and so does Mary but she can't stop. People at work notice. Her friends tell her John is a rat, a pig, a dog, he isn't good enough for her, but she can't believe it. Inside John, she thinks, is another John, who is much nicer. This other John will emerge like a butterfly from a cocoon, a Jack from a box, a pit from a prune, if the first John is only squeezed enough.
One evening John complains about the food. He has never complained about her food before. Mary is hurt.
Her friends tell her they've seen him in a restaurant with another woman, whose name is Madge. It's not even Madge that finally gets to Mary: it's the restaurant. John has never taken Mary to a restaurant. Mary collects all the sleeping pills and aspirins she can find, and takes them and a half a bottle of sherry. You can see what kind of a woman she is by the fact that it's not even whiskey. She leaves a note for John. She hopes he'll discover her and get her to the hospital in time and repent and then they can get married, but this fails to happen and she dies.
Tuesday, March 19, 2013
Ilang linggo na lang
Anong tulog tulog? Kastress, leche. Bakit pa kasi nauso tong formal education na to. Di ba pwedeng pumasok tayo tapos aralin lang kung anong gusto nating aralin. Walang mga homework at exams at deadlines at grades at mga gurong di naman marunong magturo. Tapos magbabasa at magsusulat at makikinig at magrerecite at magpupuyat ka hindi dahil kailangan. Tapos lahat tayo'y mabubuhay ng masaya. Malamang magiging mahirap tayo at mawawalan ng kaayusan, pero basta, masaya.
Monday, March 18, 2013
Feelings, ang daming feelings
Dear groupmate, may pagkakataon tayong pag-aralan ang kahit ano tungkol sa pop culture tapos pumili ka ng sobrang panget na soap opera. Pumayag ako kasi nagtrust ako sa yo na disente kahit papano tong Temptation of Wife na to. Pero hindi. Tangina, hindi. Sayang sa buhay at panahon at kuryente at effort at brain cells ang pagpanood ng parehong Filipion at Korean versions nito. Hindi ako sigurado kung ilang beses ako napamura at naapa face palm habang pinapanood to dahil sa overwhelming na kabobohan ng palabas na to na hindi ko talaga kayang icontain. Ilang oras din akong dirediretsong nakasimangot dahil hanggang episode 16 ang naka assign sa akin. Palagay ko nabaog at nagka cancer at na ko sa sobrang pagka badtrip.
Tapos iaanalyze pa natin ang kulturang Pilipino at shiz na makikita sa palabas na to samantalang tungkol lang sa asawang nagkaka affair to at walang masyadong makikitang distinct na kung ano man tungkol sa pagkaPilipino. Tapos hindi pa umuusad yung kwento. Bawat episode, magpapaawa effect lang si Marian Rivera tapos magsesex yung asawa at kabit. At sa 16 na episodes na napanuod ko, halos yun lang talaga ang nangyari. Yung character pa ni Marian, aping aping aping api tapos magsosorry lang siya at iiyak. At iiyak nang iiyak nang iiyak. Naooffend ako hindi lang bilang babae, kundi bilang tao, sa kahinaan ng character na to. Hahanapin ko ang mga nagsulat at ang director ng palabas na to at magmamakaawa na wag na silang gumawa nang kahit anong palabas ever dahil kawawa naman ang sambayanang Pilipino.
Labels:
anger issues,
education,
feelings,
Pilipinas,
strong independent woman,
tv,
UP
Subscribe to:
Comments (Atom)