Friday, October 31, 2014

Paano manlandi ng kapwa pilay 103: Ang Huling Yugto

Hindi ko na alam dahil hindi na siya kapwa pilay. Ang masasabi ko lang ay masyadong matagal ang anim na buwan para sa pagbuwelo. At ngayon, wala na, huli na ang lahat. Lipad, munting ibon, lipad. O takbo, ewan ko. At ilaro mo na ang kung ano man yang sport na linalaro mong hindi ko alam dahil nga nahihiya akong kausapin ka. Kahit sa pinakadulo, pussy pa rin. Kitakits na lang pag napilay ka ulit. Jk wag naman jusko. 


Thursday, October 30, 2014

Hinggil sa Kawalan

Ang balat sa pagitan ng mga daliri, diyalogo ng mga titig at ngiti, ang kalahati ng kama na pinipili at pinanatiling malamig. Hindi kinakailangan na lahat ng puwang, lahat ng katahimikan, lahat ng kahungkagan, ay mapunan. Dahil paminsan, mayroon ding kagandahan sa kawalan.

Monday, October 20, 2014

Dahon for dinner

Para sa hapunan ay kumain ako ng dahon. Dahon mula lupa na tinawag ng mga institusyon na 'salad.' At nagbayad ako ng isaang daang piso para kainin ang mga dahong ito na nagpapanggap na pagkain. Hindi kayo pagkain. Kayo ay dahon. Kayo ay halaman. Kayo ay iyong wirdong bata sa klase na pumapapak ng chalk at kanakausap ang sarili. Anong ginagawa niyo at sinusubukan niyong pumasok sa tiyan ko ha? Meat - ito ang tunay na pagkain. Mga dating lumabas sa puke ng nanay nila, nabuhay, nagmahal, at ngayon ay chinop chop na at binubudburan ng asin at paminta. Yan ang pagkain ng mga kampyon, ng mga maraming makakamit sa buhay. Di yung mga dahon dahon na yan. Pssh dahon. Ako ba'y pinaglololoko niyo.

Saturday, October 4, 2014

Hinggil sa mga pader

Nakakalimutan ng ilan na ang mga pader ay hindi lamang para mangharang ng mga sinusubukang pumasok, kundi para rin panatiliing nasa loob ang mga dati nang pinatuloy. At kakatok sila nang kakatok, nang hindi man lang namamalayang nasa kabilang panig na sila nung umpisa pa lang.