"Tatakbo ka pa rin pagkatapos niyan? Di ka na nadala. Mag ibang sport ka na lang." E tangina mo. Joke. Lola ko nagsabi niyan. Tangina niyo po. Gustong gusto ko na siya babaan ng telepono kanina. Tawa na lang sinagot ko sa lahat ng sunod niyang sinabi. Di nga ata ako nakapag bye. Ang bait kong apo. At tao, in general.
Anyway, kakatapos lang ng Part 2 ng Bring-Your-Saklay-to-School Day. Jusko pagod na pagod na pagod na pagod na ko - parehong physically at emotionally. Hala ang drama. Magiging sobrang macho na ng arms ko pagkatapos nito. 20 minutes late pa ko sa isang klase dahil bumaba ako mula 4th floor ng AS, tumawid papuntang CAL, tapos umakyat naman sa 4th floor nun. Normally, wala pa sigurong limang minuto yon. Pero tatagal ka nga naman talaga pagka isang paa lang ang kaya mong gamitin. Bukod sa late ka na nga, dadating ka sa classroom mo nang basang basa ng pawis at hingal tapos tititigan ka pa ng prof mo't mga kaklaseng magtatanong kung 'Anong nangyari sa'yo?' hindi dahil may pake sila pero dahil mga tsismoso lang at may pahabol na tanong na 'Okey ka lang ba?' na may katumbas na reply na 'Okey lang ako' na kung totoo sana'y ede walang nakabalot na kung ano sa tuhod mo at hindi ka pa ika ika. At susubukan mong humabol sa diskusyon pero masyado kang pagod para magkaron ng interes sa grammar rules ng Ilokano. Tapos maalala mong Martes nga pala ngayon at napakagaan ng bag mo ngayon kumpara sa lahat ng ibang Martes na nagdaan at na may hindi ka magagawa sa parkitular na Martes na 'to, at malamang sa mga susunod pa. Tapos papatak ang alas kwarto. Ano na ngayon? At titignan mo ang sapatos mo, tapos ang pinagtagping mga piraso ng bakal at foam na nasa magkabilang gilid ng katawan mo, tapos ang hagdan sa harap mo. Eto na naman. Tapos tapos tapos. Sex
Thursday, November 28, 2013
Monday, November 25, 2013
Hi taong nagcomment. Sobrang joke time nung 'mamaya' ko sorry. Wag kasi masyadong aasa. Kaya nasasaktan e. Sabi nila. Di ko pa yan naeexperience e.
Sobrang cute ng Ang Turkey Man Ay Pabo Rin. Basta lang naman matawa ako, okey na sakin. Tungkol siya sa relationship ng Amerikano at Pilipina at yung mga stereotype at misconception sa mga ganyang klaseng pagsasama at pati na rin sa kulturang Pilipino. Pag nagkaroon ka ng pagkakataon na panoorin to, go lang. Tapos wala si Lovi Poe kaya ayos. Tapos nanalo na naman ako ng libreng Moonleaf. Pangatlong beses na to. May in love siguro sakin na galing Cineastes. Joke lang. Malamang wala. Lagi namang wala :( Jk.
May prof ako na ang apelyido ay Cleto. Tunog talagang tagalog for something. Haha cleto. Nagpadeliver ako sa McDo at paulit ulit akong tinawag na sir hangga't sa nagets na niya kung bakit ako tumatawa. "Ano po drinks niyo sir... ma'am.. ano po drinks niyo ma'am." Alam kong mababa boses ko pero Pauline naman kasi yung binigay kong pangalan. Nakaupo ako sa sahig ng FC nang may dumaan na pusa sa harap ko. Nagulat ako na as in OA na gulat. Tapos nakita kong tinatawanan ako ng katabi ko. Tumayo na lang ako at umalis. Di ko natake judgement niya. Nainjure ako nung Sabado. Naka saklay tuloy ako pagpasok. Goodluck naman sa puro 4th floor ko na klase. Pero sa ibang kwento na lang yon.

Friday, November 8, 2013
Kung mahulaan mo nang tama ang ending ng mga sumusunod na kwento, magcomment ka at bibigyan kita ng tsokolate sa sunod nating pagkikita.
Nakaupo ako kanina sa isang bench na pang dalawang tao. Alam kong pang dalawang tao ito dahil halos magkasing lapad lang naman yung inuupuan ko at yung bakanteng espasyo sa tabi ko. May nakita akong pulang bulaklak sa lapag at dinapmot ito. Nakaalis na ako nung napagtanto kong wala namang puno o halaman sa paligid. Sa bawat pagbunot ko ng isang talulot, unti-unting nawawala ang kulay ng kung ano mang natitira sa bulaklak. "He loves me not. He loves me not. He love me not... " bulong ko sa sarili hangga't sa isa na lang ang natira. Tinitigan ko ito at huminga nang malalim. Wala namang ibang pwedeng sabihin yung bulaklak na ito na hindi ko pa alam. Naramdaman kong may aninong papalapit sa 'kin. Parang may kutob na ako kung sino 'yon. Tumingala ako. At siya nga. Kinuha niya ang tangkay ng bulaklak mula sa kamay ko, binunot ang nalalabing talulot at hinipan ito palayo. "He loves you." Tapos nagsex kami.
Oha. Pustahan mali ka.
Anyway, walang nangyari sa kahit ano diyan. Ni hindi nga ako lumabas ng condo kahit na first day na ng semestre. Di rin naman sisiputin ng mga prof yung mga klase nila. Akala niyo a. Naisahan ko kayo. Barado yung toilet namin. Nasubukan mo na bang tumae sa plastic bag? Hindi? Ahm, ako rin e. Tumawag nanay ko kanina. Nagpaalam na siya tapos 5 seconds pagkatapos kong ibaba yung telepono, tumawag ulit siya. E ano ba? Hindi pa ko nagbabayad ng tuition kaya ilinabas ko yung 35k (na nakatago sa Cafe France na paper bag dahil sino nga namang mag-aakala na may salapi dun), kinalat sa kama ko at gumulong gulong. Hindi siya kasing saya as you might think. Hindi ako sigurado kung ganun pa rin ang bilang ng pera ngayon. Natakot akong bilangin. Nagpa deliver ako kanina ng 1 piece chicken mula sa McDo. Nasagi ko yung gravy at parang slow motion itong nalaglag sa sahig. Kinontemplate ko pa kung kokolektahin ko yung layer ng gravy na nasa ibabaw kasi di naman affected yung part na yon. Amoy paa mga tsinelas ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagtaka. Ano pa bang dapat amoy nila kundi amoy paa. Mas lalong hindi ko alam kung bakit napakahilig kong amuyun mga gamit kong medyas at sapatos. Ayun. Ayun ang ang araw ko. Ay, lumabas pala ako. Nagdinner pala ako kasama ng isang kaibigan. Tapos nagsex kami.
Biro lang. Not on the first date.

Wednesday, November 6, 2013
Ang mutya ng Asya
featuring pimpol. Leche
Travel blog. Uso kaya to. So shut up.
Travel blog. Uso kaya to. So shut up.
Galing kaming Malaysia. At dahil ako ang may hawak ng camera, natural lang na walang bakas ng pagmumukha ko yung mga litrato. Di naman pwedeng pumayag lang ako sa injustice na yon. Kaya ihanda ang mga mata sa mga makikita.
Maliban diyan. Nasa litratong yan ang mukha ko. Somewhere along the way, naganap yan. Nais kong magpatawad sa kung sino man yang pilit na iniintindi ang mga pangyayari noong mga panahong yan.
Bilang mga turista, pumunta kami sa mga tourist spot tulad ng monument na ito. Kaso napansin kong hindi pala kita yung kabuuan ng monument.
Kaya eto. Just in case gusto mong makakita ng mahabang patayong structure na napapalibutan ng puti na katabi ng babaeng mukhang dissatisfied. Anyway, may pinuntahan din kaming simbahan na puro Pilipino. Tapos sa kalsada sa tapat, may mga nagbebenta ng pagkain, ukay, at kung anu ano pa. Bigla na lang nagkagulo at nagsitakbuhan yung mga nagtitinda, bitbit yung mge binebenta nila. Rine-raid na pala sila. Wala talagang makakabasag sa Filipino spirit.
Tapos naalala ko yung sandamakmak kong tagapaghanga kaya idinededicate ko ang sign na ito sa kanila. Wag kayo mag-alala, makakatanggap din kayo ng tig-isang baba.
I'm a tiger. The jungle is where I belong.
Oo, ginawa ko yan in pubic. Este public. Di ko rin alam kung bakit ganiyan mukha ko. National palace pala yan. Ang ganda ng pagka dilaw. Wala lang.
Hindi ko alam kung sino yan at kung bakit niya ko inaakbayan. Hindi ako masaya.
Field daw yan. Tapos cottages yung nasa likod. Ewan ko kung bakit sila relevant sa kahit ano pero inutusan kami nung driver/tour guide namin na bumaba at kumuha ng mga litrato at sumunod lang ako. Kita pa yung pangsabit sa hanger ng damit ko.
Diyan kami tumuloy sa bahay na yan. As in diyan sa labas. Masaya ako. I had fun.
Subscribe to:
Comments (Atom)