Nadapa ako kahapon. Yung tipong dapa na halos buong gilid ng
katawan ko sinalo ng lupa. Pagkapakiramdam mo palang malapit ka na
mamatay, hindi nagfaflash before your eyes ang buong buhay mo tulad ng sinasabi sa mga pelikula, kundi nagiging sobrang bagal, masyadong mabagal, lang ng kasalukuyan. Habang naglalakbay ang mukha ko tungo sa tuyo at mabatong surface ng Sunken "Garden," walang ibang laman isip ko kundi ang pinakamatagal at heartfelt na SHIT sa buong buhay ko.
Wednesday, April 24, 2013
Mula naman sa isang internet cafe sa SC
Ang pinagkaiba raw ng mga tao mula sa ibang hayop ay ang kapabilidad nating mag-isip at mangatuwiran. Pero bakit tuwing nadadala sa kasukdulan ng, sa tingin ko, mga pinakaimportanteng pwedeng maranasan ng isang tao, napapatigil na lang at napapatahimik. Minsan walang ibang magawa kundi umiyak dahil sa labis na lungkot, tumawa dahil sa labis na saya, sumigaw dahil sa labis sa galit, bumigay sa labis na pagnanasa. At anong klaseng display ng rationale at eloquence yon? Baka ang katangian na pinakanagpapakita ng pagiging tao ay hindi ang kakayahan nating mag-isip, kundi ang kakayahang makaramdam.
Hindi, joke lang, feelings are for chumps. Tsaka sa tingin ko nakaka-feel din naman ang mga hayop. Pero, meh.

Wednesday, April 17, 2013
Sinusulat ko to mula sa computer sa isang internet cafe sa Katipunan. Bakit ba kasi iniwan ko sa bahay laptop ko. Napapalibutan tuloy ako ngayon ng mga lalaking nagsisigawan at sinasabi ang letrang G nang masyadong madalas at masyadong enthusiastically. Okey na sana nung nagsimula silang magpatugtog ng Franco nang sobrang lakas, at least kahit papano natatabunan yung mga pinagsasasabi nilang hindi ako sigurado kung tagalog ba talaga. Kaso biglang may nakikanta.
Shet 3 minutes na lang daw ang Time Remaining. Feeling ko may mas importante pa dapat na laman to at hindi puro pang jujudge sa ibang tao. Kaso wala akong maisip na sabihin maliban sa
vagina

Monday, April 15, 2013
Pumunta akong Greenhills kahapon at dalawang beses akong napagalitan ng ale sa isang stall kasi tinataas ko yung mga braso ng mga mannequin nila. E nakakatawa kaya tignan. Tapos naisip ko, pano kaya kung lahat ng mannequin dito, nakataas yung mga braso. Nagshoshopping ka tapos napapalibutan ka ng dosedosenang ganto: http://watermarked.cutcaster.com/cutcaster-photo-800959473-Drawing-doll-with-raised-arms.jpg. Wala lang, natawa ako. Sorry na :|
Sunday, April 14, 2013
#KATHNIEL5evah
Hindi ako proud na shineshare ko to pero nanuod ako ng Must Be ...Love (oo, importante yung ellipsis) kanina sa Youtube at bawing bawi ang kung ano mang pagka-jeje ng pelikula dahil lang sa linyang to: http://youtu.be/i_QkKvY5uP8?t=9m8s. Nakakatawa kaya :| Pero try mo ring panuorin nang buo. Funny naman. Parehong in a good way at in a bad way. O baka mababaw lang ako.
Di nga lang realistic. Bakit mo pipiliin yung best friend mong halos buong buhay mo nang kilala na mukang tibo over sa isang sexy na mistisang nakasalubong mo sa kung saan. Di kaya nangyayari sa totoong buhay yon.

Labels:
bidyo,
Daniel Padilla,
nakakatawa kaya,
not,
so pogi
Friday, April 12, 2013
Sampung bagay (ang pagpapatuloy)
Dahil hindi ko to natapos: http://paulinefernandez.blogspot.com/2012/07/sampung-bagay.html, dadagdagan ko pa ng tatlo para lang sampu talaga. Hindi ako pinalaki ng magulang ko para lang maging sinungaling.
Nung bata ako (pre-school hanggang simula ng grade school) nagbebenta ako ng mga bracelet, sticker, at mga drawing ng digimon. Meron ako noong libro na may step by step na illustrations sa kung paano sila i-drowing. Pero tinetrace ko lang naman lagi. Naalala ko pang may mga tinatawagan ako sa landline para lang ibenta nang tig 10 pesos yung mga sobrang panget kong drowing na nasa grade 1 pad paper. Hindi ko alam kung mas nakakainis yung ideya na ginagawa ko to noon, o na meron talagang bumibili.
Ewan ko kung hobby talaga to, pero hobby kong magassemble ng, ayon sa lalagyan, mga "Woodcraft Construction Kit." Meron sa National tapos 60 pesos lang isa. Masaya, promise. Gusto ko nga rin bumili nung mga model airplane at boat kaso mahal. Ehem parinig ehem.
Lagi akong naiiyak tuwing napapanood ko yung simulang part ng Up. At kakapanood ko lang bago ko sinulat to para lang icheck kung lagi ba talaga. At oo, tama ang pagkakagamit ko ng salitang lagi. omg

Saturday, April 6, 2013
SEPTEMBER BABY
Active and dynamic. Decisive and haste but tends to regret. Attractive and affectionate to oneself. Strong mentality. Loves attention. Diplomatic. Consoling, friendly and solves people's problems. Brave and fearless. Adventurous. Loving and caring. Suave and generous. Usually you have many friends. Enjoys to make love. Emotional. Stubborn. Hasty. Good memory. Moving, motivates oneself and others. Loves to travel and explore. Sometimes sexy in a way that only their lover can understand.
Nakita ko to sa facebook at nakakatawa lang kung gaano kalayo halos lahat nito sa'kin. Maliban na lang siguro sa Sometimes sexy in a way that only their lover can understand. Spot on yon.
Love you, baby.
Tsaka ginawa kong pink to dahil natural na girly talaga ako at di ko na kayang itago. My lover understands.

Tuesday, April 2, 2013
Ang sakit ng likod ko #sharing
Basahin ang unang sentence ng post bago nito para may prelude.
Ede natapos nga magtorrent yung episode. Tapos medyo tinapos ko na lahat ng kailangan kong aralin at ginawang reward ang pagpapanuod. Kaso nga lang, nung nasa huling sampung minuto na, biglang nagloko yung kopya. Masasabi kong hindi para sa tenga ng bata ang sunod na limang minutong pagsigaw at pagmura sa laptop ko, at pagsumpa sa pagkatao nung nag-upload.
Nung huminahon na ko at na-reassemble na yung ref, naisip ko na baka sinadya to ng universe. Dahil sa labis na pagka-ayaw kong matapos yung palabas, ede hindi ko nga natapos. Sana nga sinadya ko e, para lang poetic yung dating.
Monday, April 1, 2013
Fish fingers and custard :(((((
Ilang minuto na lang at matatapas na yung torrent ko ng huling episode ng The Walking Dead para sa season na to. At.. at.. at.. omg sabi ko kanina di ako iiyak habang sinusulat ko to pero... Nakaka- ewan ko ba. Parang may bumubukang void sa pagkatao ko na mapupuno lang siguro ng drugs at sex at violence at pagsuporta kay Tito Sotto. Buti na lang talaga kakasimula lang ulit ng Doctor Who kundi di ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko.
Siguro nangyari na rin to sa 'yo, maliban na lang kung ikaw yung tipong tao na sobrang weird at may social life o kaya mahilig gawing productive ang araw nila. Pssh, dorks. Pero tuwing nakakatapos ako ng isang series o kaya kahit isang season man lang, parang ang dami kong nararamdamang emosyon na ayaw kumalma. Pinag-invest nila ko ng oras at hard drive space at feelings tapos bigla na lang matatapos? I just... I just can't. Y'know?
Di ko mabitawan yung mga pinagdaanan nung mga tauhan, na para bang nandun talaga ako kasama nila. Minsan iniisip ko, ano na kaya ginagawa nila ngayon, na para bang totoo silang tao. Nagkatuluyan kaya yung bidang babae at lalaki na naghalikan sa huling episode? Nanatili kayang tahimik at mapaya ang buong daigdig? (Well, daigdig nila.) Nalaman na kaya ng best friend nung bida na hindi talaga siya nagpakamatay? (Ehehe Sherlock :((( )
Weh, OA ko. Kailangan ko atang lumabas ng bahay nang mas madalas.

Subscribe to:
Comments (Atom)