Thursday, September 27, 2012

Wednesday, September 26, 2012

Nakakabaliw na kahit anong oras pa ko dumating sa Geog, late parin ako ayon sa attendance ng prof. Laging tapos na tawagin ang pangalan ko o kaya hindi naririnig ang pagsigaw ko ng present. Kanina nga tatlong beses akong natawag sa iba't ibang point nung period. Sumuko nalang ako kasi feeling ko ayaw lang niya talaga sakin. Minsan kaya nakikita naman niya akong papasok sa loob ng classroom. Pero kahit na ma cinco pa ko dahil sa attendance, ang importante naman talaga ay yung knowledge, diba? DIBA? Sige, kunwari nalang. 

May ginagawa pang nakakainis at sobrang nakakangilo na tunog yung isang ceiling fan sa loob nung kwarto. Buong isa't kalahating oras ata akong nakatingin ng masama sa fan na yon at umaasa na biglang tumigil dahil sa titig ko. Pwedeng super power yon a, sobrang diluted na form ng telekinesis na gumagana lang pag gusto mong mag off na electric fan. Parang, Shet ang lamig, sinong pwedeng tumulong sakin? Ako, that's fucking who. 

Tapos halos apat na linggo na pala akong hindi nagttrain. Tuwing balak ko, macacancel dahil sa ulan. Pag meron, bigla akong magkakasakit. O baka nagkakasakit ako dahil sa kawalan ng physical activity. Tapos lagi nalang akong magkakaroon ng pabalik balik na sakit hanggang.. mamatay ako. Hanggang patayin, pala. Dahil sa sobra sobra nang litrato ng mukha kong kakalat sa cyberspace na ipopost ko dito habang di makaalis ng kama. 

Friday, September 21, 2012

Gano karaming patatas ang kailangan para mapuno ang mga butas sa pagkatao mo?

Pumara ako sa harap ng KFC at nung patayo na ko sinabihan ako ng katabi ko na "Ingat ka, Ate." Bigla akong kinilabutan. Pakiramdam ko may nangyari saking masama, hindi ko lang alam. O kaya parating pa lang. Baka rin may third eye pala siya at sinusundan ako ng multo. Ewan ko. Pero satingin ko talaga hindi yun simpleng pagbati lang kundi babala na kailangan kong ingatan ang sarili ko mula sa kung ano man. Pero gutom lang siguro yun at umokey naman na ko nung sinimulan ko nang papakin yung kapiranggot na piraso ng manok na binigay sakin. May napansin akong babaeng nakaupo sa tapat ko. Nakatingin lang siya sa kawalan habang kumakain ng fries na sinasawsaw sa mashed potato. Blanko ang expresyon sa muka. Parang kinuha na lahat sakanya at walang wala na talagang natira. Maliban sa patatas. Meron pang patatas. At iyon na lamang ang kanyang tanging kaibigan.


Tuesday, September 18, 2012

So paking bored


Shet anong nangyari sa kanya
Hindi, ok lang ako
Ikaw, ok ka lang? 



Monday, September 17, 2012

.

Pula
Pula ang kulay ng pag-ibig
Ng umiibig
Ng kapirasong telang bumabalot
Sa mga pilit na linilihim
Ngunit alam nating nariyan

Anong bakas ng hirap at pagod
Pinaghahambing ang mga katotohang
Hindi nababawi
At mas lalong hindi napipili
Mas babae ako kaysa sayo
Sinong kausap mo?
Mas babae ako kaysa sayo
Meron bang nagbibilang?
Mas babae ako kaysa sayo
Palakpakan naman diyan

Ang weird nito. Ewan, kadiri.



Totoo ang tsismis

Ano tawagan dun sa pag gustong patayin ng nanay yung bagong panganak niyang baby? Wala lang, gusto ko lang tanungin. Pero kung ikaw kaya, nagluwa ng tao mula sa ari mo, may karapatan ka naman sigurong mabaliw kahit saglit lang. Ngayon na nasa subject narin nun, oo, aaminin ko na, buntis ako. Pitong taon na kong may kargang bata. At ayaw niyang lumabas kasi napaka sakim at makasarili raw ng mga tao dito. Di ko alam kung saan niya napulot yon pero yun ang paulit ulit niyang sinasabi. Sinubukan ko ngang ipaliwanag na hindi na si GMA ang presidente pero wala naman daw talagang pinagkaiba yun. Sabi niya sakin maghintay lang ako, pero wala siyang binanggit kung gaano katagal. Malalaman ko nalang daw kung panahon na. At kung hinayaan kong lumipas ang pagkakataong yon, hindi na raw siya maaaring lumabas.  Kaya lagi akong tahimik na nakaupo at hintay lang nang hintay. Sayang naman kung hindi niya makita ang mga kagandahang nakikita ko, at habambuhay nalang na nasa dilim.


Saturday, September 15, 2012

Ang daming pauso ng internet

Nakakainis. Nakakainis talaga.

Nakakainis yung mga nagpapalike at nagpapashare sa facebook. Ililike ko kung gusto ko talaga, hindi para manalo ka sa kung ano mang contest. Tsaka porket hindi ko shinare photo mo, hindi ko na mahal si Jesus o ang nanay ko, o prinopromote ko ang animal cruelty. Pero seryoso, ayoko makakita ng mga picture ng hayop na pinapatay sa news feed ko. Kadiri. Like, you know, eww. Nung isang araw nga may nakita akong elepanteng walang muka. Minsan mapapatigil nalang ako at pagiisipan ang kawalan ng muka ng elepante na yun. Pagkatapos, mapapansin kong alas quatro na pala at wala akong napasukang klase.

Nakakainis yung mga tao na sinasabi nalang lahat ng maliliit na bagay na nangyayari sa buhay nila. Kahit na yun naman ata talaga point ng microblogging. Pero diba siguro naman kaya mong i gauge kung worth reading naman kahit papano yung sinasabi mo. Meron lang talaga kasi minsan na mapapacringe ka nalang sa pagka walang kwenta ng sinasabi nila.

Nakakainis yung sobrang OA na fascination sa mga pusa. Yung iba parang ngayon lang nakakita ng pusa sa buong buhay nila e. Mga baby na bulldog lang talaga ang cute para sakin. Tsaka baby na tao. Tsaka si ano, cute din. Wushu

Nakakainis yung mga nagtatype ng maraming exclamation point pero laging may naiiwang 1. Tsaka ang laki rin ng galit ko sa mga sobrang hilig gumamit ng mga acronym tulad ng omg at lol at kung ano ano pa. Wala lang, ayoko lang nung itsura.

Nakakainis ang salitang friendzoned at lahat ng variation nito. Baka hindi ka lang kasing ka boyfriend material sa inaakala mo. Baka hindi ka lang talaga type. O baka panget ka. Oo, yun siguro yon. Kasi kung gwapo ka naman, madali lang makakuha ng babae kahit na masama pa ugali mo. Kaya sa lahat ng iniisip na friendzoned sila, magpasalamat ka nalang na may muka ka, di tulad nung elepanteng yon. Shit, ayan na naman ang luha.

At higit sa lahat, nakakainis yung mga wala nalang ginawa kundi magrant sa blog. Ang sarap lang sampalin at utusang mag-aral.


Wednesday, September 12, 2012

Saturday, September 8, 2012

Uggh

I hate my fucking life. Well, hindi naman talaga. Lakas maka exaggerate, di lang naka geog camp e. Masarap lang kasi gamitin yung mura na fuck. Parang ang lutong pakinggan tapos ginagawang galit ang kahit anong statement.
I need to brush my fucking teeth. Jose Rizal died for his fucking country. This yogurt contains three fucking grams of protein for every fucking serving. Diba? Pero dapat tama yung pagsingit kundi ang awkward lang. Parang, Make me fucking some waffles. Mali na nga yung pagkabuo ng sentence, pag tinagalog mo pa medyo magiging Gawin mo ako habang nakikipagtalik ka sa mga waffle. Grabe ang classy ng post na to kaya tatapusin ko nalang.

Friday, September 7, 2012

Lumipat kami ng condo at hindi pa nakakabitan ng internet yung bago. Hindi ko maintindihan kung bakit sa UP at Starbucks lang nakakakabit sa wifi laptop ko. Hindi naman ganto to dati. Buhay nga naman. So nasa Starbucks ako ngayon at umiinom ng overpriced na kape at gumagamit ng overpriced na internet. Tapos Pauleen, PAULEEN. Yan ang nakasulat sa gilid nung baso ko. Ang mahal ng binabayad ko dito tapos hindi man lang ma-spell ng tama pangalan ko. Tapos may sakit pa ko at parang gusto kong sumuka nung naglalakad ako papunta dito. Kaso bigla akong napaisip tungkol sa buhay at narealize kong mas importante ang internet kesa sa kalusugan. Sana nga pumasok nalang ako kanina at nagtrain pa at linagnat lalo at sumuka suka sa field kung hindi rin naman pala ako makakapuntang geog camp bukas.


Monday, September 3, 2012

Nakasakay ako sa jeep kanina tapos may couple na naglalandian sa harap ko. Alam naman kasi nating lahat na pwede lang kayo mag PDA kung good looking kayo.  Medyo tolerable pa sana yung hand holding at halikan nila kaso biglang may ginawa yung babae na hinding hindi ko mapapatawad. Pinunasan niya yung pawis ng boyfriend niya GAMIT NG KAMAY NIYA. Bakit mo gagamitin ang sarili mong balat para magpunas ng pawis ng may pawis. Pwede ka naman gumamit ng twalya o ng tisyu o hayaan mo siyang gawin yun ng mag-isa. Sana man lang pinunasan ni girl kamay niya pagkatapos. Mas painful pa atang panoorin yon kesa nung may nakita akong nagsesex sa may Sunken. Kadiri. Kadiri lang talaga.