Monday, December 30, 2013

Huwag mo akong iiwan

Di ko na alam kung ilang beses ko nang napanuod to pero basta gandang ganda talaga ako sa lahat ng laman ng video na to. Yung sayaw, yung kanta, yung mga anino, pati na rin yung pag snap. (Ano ba tagalog ng snap?) Gustong gusto ko rin kasi yung pelikulang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa at kung nagbabasa ka ng blog ko simula pa nung medyo simula, hinahanap ko yung mga tula sa movie kaya bigyan mo na lang ako ng DVD para dumali buhay ko. Pasko na rin naman. At kung makahanap ka ng kopya nung kanta sa background, okey din 'yong regalo. Litanya ni Merlinda Bobis yung tula na ginamit sa kanta. Sana nagkaroon ng epekto yung tula at di nga siya iniwan :(((



Si Sir Vlad Gonzalez nag upload niyan. Nagtuturo siya ng Panpil at MP subjects. Mahusay siya magturo, kunin niyo siya. May mga libro rin siyang mabibili sa National, masaya naman basahin.  

Tula rin to na ginamit sa pelikula. Si Joi Barrios nagsusulat yan tungkol sa women empowerment. Nakaka relate ako because I am an empowered woman at si Beyonce ang aking reyna. Haha ok nung tinaype ko yon, binasa ko gamit ng Tagalog accent yung 'Beyonce.' Try mo. Nasa 'ce' yung stress imbis na sa 'yon.' Anywaaaayyyy, dapat di na lang tayo nagiinvest ng feelings para di masakit pag iniwan.


Paglisan
ni Joi Barrios

Sinasalat ko ang bawat bahagi
Ng aking katawan.
Walang labis, walang kulang.

Sinasalat ko bawat bahagi
Ng aking katawan.
Nunal sa balikat,
Hungkag na tiyan.
May tadyang ka bang hinugot
Nang lumisan?


Sinasalat ko bawat bahagi
Ng aking katawan.
Sa kaloob-looban,
Sa kasuluk-sulukan,
Nais kong mabatid
Ang lahat ng iyong
Tinangay at iniwan.
Nais kong malaman,
Kung buong-buo pa rin ako
sa iyong paglisan.

Friday, December 27, 2013

Ang mapagpalayang pagtae

Sabi ng doktor, kahit ilang oras pa lang pagkatapos nung operasyon, pwede na ko maglakad. Tatlong araw na ang nakalipas at takot pa rin akong subukan. Baka hindi pala ako kasing lakas ng inakala ko. Ngunit ang tunay na sukat ng lakas ay dadating lang pagka wala kang kakayahang bumangon mula sa kama at bigla na lang binulong ng katawan mo ang mga salitang 'naiihi ako'. Dito magsisimula ang pakikipagsapalaran sa mundo ng mga bedpan, vajayjay exposure, martyr na kubrekama, at labis na kahihiyan sa harap ng nurse na nagngangalang RJ. Dumating na sa punto na hindi ko na alam kung ano ang tama sa mali, ang taas sa baba, ang basa sa tuyo. Pero hindi dito natatapos. Alam ko namang  hindi ko maiiwasan ang pangalawang yugto ng pagsubok na ito. At naramdaman ko nang paparating kanina kaya humingi ako ng payo sa isang nakatatandang nakatago sa bigote ang sandaang taong halaga ng kaalaman. Hindi man niya sinasadya, pero napakabigat ng epekto sakin ng mga salitang binitawan niya.

Ako: Natatae ako.
Itay: Ede pumunta kang banyo.

At pagkurap ko wala na siya. Oo nga naman. Kinuha ko yung mga saklay kong pumayag na tumira sa ilalim ng kili-kili ko nang ilang linggo (at para don lubha akong nagpapasalamat), dahan-dahang tumayo, at lalong dahan-dahang naglakad papuntang banyo na nasa katabing kwarto lamang. Tinignan ako ng mga kasama ko sa bahay na parang ako si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. At sila'y lumuhod at umiyak sa napakabagal kong kumilos na mga paa. Ilang beses din akong muntik nang sumuko pero ang tanging nasa isip ko ay: Kailangan. Kong. Tumae. Mga limang minuto ang inabot ko para lang gumalaw ng limang metro. May nag-abot sakin ng isang rolyong tissue. Kinuha ko ito at pinakain sa kanila. Hindi ko kailangan ng tissue niyo. Tubig ang ginagamit ko. Na gagawin kong wine pagkatapos. Nang nagawa ko na ang mga dapat kong gawin, nag-flush ako at sumaludo sa umiikot-ikot na piraso ng kaloob-looban kong parehong pinalaya ko, at nagpalaya sakin.

Mabuhay at maligayang pasko.

Monday, December 23, 2013

Ligtas ang hamon

Ngayon ang unang araw ng susunod na anim na buwan. At limang na oras bago ng operasyon, masasabi ko na isang napakalaking pagkakamali ng pagsearch sa Google Images ng 'post acl operation' at 'ligament graft.' Medyo frineak out ko lang sarili ko. Malay ko bang ganun mga lalabas. Tapos nagbasa pa ko tungkol sa kung saan bubutasan at hihiwain at kung anong tatanggalin at paano hahatakin. Muli, wrong decision ata yon. Pano kung magkamali sila at wala na kong tuhod pagkatapos. As in hita tapos binti na agad. Paano ko yun ieexplain sa mga tao. Inadd din nga pala ako ng doktor ko sa facebook. Habang kinakalikot niya yung tuhod ko, montage lang ng selfies niya ang magiging laman ng utak ko. Tapos lagpas 12 na at online pa rin siya at ang sarap imessage na matulog na siya kasi may trabaho pa siya sa umaga. Nagchat pa kami at nagshare ng secrets. Jk nagtanong ako tungkol sa operasyon at sobrang dami kong tinanong at feeling ko dapat ko siyang bayaran para don. Tapos gising daw ako habang ginagawa pero wala akong mararamdaman from the waste down at minsan nararamdaman daw hanggang dibdib. Medyo nakakatakot daw pero ang di nila alam ay sanay na ko sa pagiging manhid. Pwede ko rin daw panuorin yung nakukuhanan ng camera na ipapasok sa loob ng leg ko. Parang torture shet. Nasa loob sila ng katawan at away from sight, panatiliin na lang nating ganun. May bakal na ko sa loob ng katawan ko pagkatapos. Para na kong si Wolverine except sobrang hindi. Ok, walang napatunguhan yung huling sentence na yon. Medyo kinakabahan ako pero pinasaya namam ako nung babaeng sumisigaw kanina ng "Meron ka pa ngang hamon! Nasa ref ang hamon!" Kailangan mo nga namang magbigay respeto sa kahit sinong may ganung klaseng passion para sa whereabouts ng hamon niya.

Sa mga nagtataka, ito pala yung injury ko: http://www.grantland.com/story/_/id/10072331/derrick-rose-rob-gronkowski-rise-acl-tears. Medyo gago nga lang yung article. Lakas manakot. 

But here is the thing about ACL tears: They're not just another injury. They are the Godzilla of injuries. They are painful beyond tolerance, they take eons to rehab, and they always leave a lingering doubt in the athlete's mind that he will ever be whole again. An ACL tear tests one's mettle. An ACL tear goes to the very heart of resilience and mental toughness. An ACL tear is the standard against which the athlete himself measures his determination. An ACL tear is the absolute limit.

OA naman, parang wala namang ganyang naganap/nagaganap. Oo gumulong gulong ako sa ground at umiyak nang mga isang oras nung nangyari pero acting lang talaga lahat yon. Kung naghahanap ka ng pussy, sorry pero wala kang makikita dito. I mean, figuratively. At habang nandiyan pa sa imagery na yan, Merry Christmas! 

Friday, December 13, 2013

Dami kong issues

Ang sunod na magtanong sa'kin ng "Kailangan mo ng tulong?" o "Okey ka lang?" o "Sure ka kaya mo?" hahampasin ko sa parehong tuhod ng tubo. Tapos iihian ko. Sa mata. Kung kailangan ko ng tulong, ede hihingi ako ng tulong. Kung hindi ko kaya, ede hindi ko gagawin. At kung kailangan ko ng saklay, tangina, ede sana gumamit ako ng saklay. Malamang alam ko naman kung anong kaya't hindi kaya ng katawan ko so please lang. Pakain ko sa inyo strength at independence at womanhood ko e. At pagka inilabas ko na ang womanhood ko, you'd wish I hadn't. May problema lang talaga ako sa mga nagpapakita ng concern para sakin. Medyo sobrang ungrateful. Pero ang sigurado lang akong di ko kaya ay mag back pedal. Sinubukan kong maglaro nung Tuesday. Pagkapasok ko sumigaw ako ng "Wag niyo ko i-hit." Kasi pussy. Mga tatlong beses pa kong nakapag touch tapos lumabas na ko agad. Narealize kong medyo ang tanga lang na sinusubukan kong tumakbo patalikod habang ang ratio ng mga apak ng left foot sa right foot ko ay 3:1. Walang lunas ang tigas ng ulo.

Anyway, umulan kanina. At kulay pink payong ko. Sobrang hindi intimidating. Kung meron ka mang randomly bubugbugin sa isang grupo ng tao, siyempre pipiliin mo yung may kulay pink na payong. May mga nakausap akong bagong mga tao kanina. Hindi ko alam kung bakit napaka laking breach sa privacy ang pagtanong kung ano mga pinapanuod kong pelikula at kung ano hobbies ko. Tapos pumunta akong Jollibee pero pagdating ko dun wala silang Chikenjoy. WALANG CHICKENJOY WTF. Nung sinabi ng cashier na wala nang manok, tinitigan ko lang siya. Hindi ko magawang maglabas ng kahit anong salita nang mga 9 seconds. Tapos mahinang mahina kong sinabi "spaghetti" at tinapunan siya ng pera. Hindi pa handa yung spaghetti kaya umupo ako na number at tinidor lang laman ng tray ko. Medyo in shock pa rin ako nung dumating na yung spaghetti at tinanong nung waiter kung may kulang pa raw ba. Muntik na ko sumigaw ng CHICKENJOY.

Friday, December 6, 2013

Inaalay ko ito kay Lovi Poe

Sinusulat ko to mula sa Computer Lab sa AS na sana dati ko pa nadiskubre. Sobrang convenient. Libre pa. Pwede rin magpaprint, tamang tama para sa cramming needs ng isang estudyanteng nakalimutan tapusin ang papel na online naman pala dapat isusubmit.

Kakapanuod ko lang nung isang araw ng Tuhog. Masaya siya panuorin, may kopya ako kung gusto mong hiramin. Hindi siya ganun kaganda para sakin as a whole. May tatlong taong taong na"tuhog" ang buhay sa isa't isa tapos natuhog sila literally ng isang steel pipe. Parang hindi maganda yung pagkakasulat ng pagkakadugtong dugtong ng mga buhay nila. Tapos bibigyan ka pa ng moral sa dulo. Di na kaya art pagka sinabi mo nang direktahan yung leson.  Pero mayroong tatlong separate ng kwento para sa bawat character at yun yung magaganda. Paborito ko yung unang storya na tungkol sa matandang kakaretire lang na ang pangarap lang talaga sa buhay ay magbake ng pandesal. Basta cute, swear. Tapos puro matatanda pa yung bida sa part na yon kaya extra cute. Tapos yung isa namang kwento si Enchong Dee ang bida. Alam mo bang sobrang gwapo pala ni Enchong Dee. Tapos wala pa siyang pantaas sa karamihan ng mga eksena at okey naman. Okey naman.

Naalala ko tuloy Bang Bang Alley na may tatlong hiwalay na kwento rin pero as in para silang shorts na pinagsama sama at tinawag na lang na pelikula. Ang mga sumulat ay sina Ely Buendia, Yan Yuzon (yung singer ng Sponge Cola na sobrang laki ng bibig) at King Palisoc. Di tulad nung unang dalawa, hindi ko kilala kung sino si King Palisoc pero hindi nakakagulat na yung sa kanya lang yung maganda. Makina yung title. Kung lumabas man yon somewhere sa the internet, panuorin mo.

Pinanuod ko rin Temptation Island recently. Yung remake. May kopya rin ako nun pero gusto ko nang iitsa sa apoy. Sobrang basura. Akala ko ba classic campy comedy whatever to supposedly. Basta sobrang panget. Hindi ko siya natapos panuorin kasi ganun ka panget. Sana di na sila nakaalis sa islang yon. Tapos si Marian Rivera lang marunong umarte sa kanilang lahat. Siya lang yung tanging bright spot ng buong pelikula. Tapos yung worst part pa ay NANDUN SI LOVI POE. Paking hate Lovi Poe. Kahit siya lang sana naiwan sa isla, okey na.


Wednesday, December 4, 2013

Mga gusto kong kainin

Gusto ko ng tsokolate. Kaso may kumain ng tsokolate ko. Kung meron ka mang hindi dapat gawin bilang isang disenteng nilalang ng planetang ito, iyon ay ang pagkain ng tsokolate ng may tsokolate. Bitbit lahat ng stress at inis ko mula sa araw (at sa buhay), binuksan ko yung pinto ng ref, sabik na sabik na lamunin yung Meiji na Black na iniwan ko over the weekend. Pero wala. Wala doon. Paborito ko pa naman yon. Leche. Ang sakit e. Parang naramdaman kong nag break yung heart ko. Aasa asa ka tapos biglang nagpakain na pala sa iba yung alam mo namang sa 'yo dapat. 'Nagpakain' talaga e :)) Anyway, ang point ng story ay ewan ko gusto ko lang talaga ng tsokolate :(

Gusto ko ng Chicken Joy. Naaalala ko pa yung unang beses na kumain ako sa Jollibee Katip. May sign sa labas ng establishment na nagsasabing bumili raw ako ng Chicken Joy tapos nag shrug ako at aktwal na lumabas sa bibig ko ang salitang 'okey.' Mag-isa ako nito btw, mukha akong baliw. Pinakamatalinong desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. Gusto ko ng Chicken Joy.

Gusto ko ng Christmas ham. Ano ba dapat tawag dun? Basta yung bilog na matamis na ham. Binebenta naman yun buong taon kaso parang makatarungan lang na kainin yon tuwing pasko. Pagnagsimula na kong mag crave para sa ham na 'to, ibig sabihin ramdam ko na ang Christmas spirit. Gusto ko yung kina-capitalize ko pa talaga yung Christmas. Wala naman talgang diyos e. Hala joke lang.

Gusto ko

ikaw. Jk