Saturday, October 19, 2013

Di ko talaga maintindihan kung bat single pa rin ako


Selfie o. Way before it was cool. Circa sobrang tagal na, nakasalamin pa ko e. Kakaiba talaga ang confidence na taglay ng isang grade schooler. Sa tapat pa talaga ng classroom nagdesisyong kuhanan ng litrato ang sarili. Feeling ko balang araw magagamit to against me in some way. 

Ganyan ako ngumiti dati: laging naka-anggulo lang nang konti to the right yung ulo.  Ewan ko, feeling ko ata nun cute yan. May crush kasi ako noon. Matatagal tagal din. May technique ako sa paglalandi nun e. Ang secret lang ay lagi mong iiwasan at never mong kakausapin o titignan man lang sa mata nang tatlong taon kahit na magkasection kayo sa dalawa sa tatlong taon na yon tapos magsulat ka sa diary mo tungkol sa time na nagkasalubong kayo sa canteen nung recess at hindi kayo nagpansinan pero it was magic tapos lumipat ka ng eskwelahan. Medyo ganiyan pa rin ang ginagamit kong method hanggang ngayon. Ewan ko lang ha, pero parang hindi masyadong effective. Minsan naiisip ko pa rin yung taong yon at inaanalisa kung saan ba ako nagkamali. Palagay ko talaga kung mas naka anggulo lang sana yung ulo ko, nakuha ko na siya. Sayang.





Thursday, October 17, 2013

Pero ayos lang ako

Yung 0.48 percent na lang, uno na ko sa ES10 kaso nadali dahil sa groupmate na hindi ginawa yung dapat niyang ginawa kahit na napakadali lang at yun na nga lang yung tanging contribution niya tapos haynako. Pero ayos lang ako.

Yung stressed na stressed na ko tapos nacancel pa yung bagay na alam kong kayang pawalain yung stress na yon kahit sandali lang dahil sa mga factor na hindi ko naman kayang kontrolin tapos tangina ayoko talaga sa ulan kasi ayokong nababasa paa ko. Pero ayos lang ako.

Yung realization na hindi pa pala ako masyadong handa para sa mga certain na bagay at di ko pa kaya mag invest ng feelings kaya tinigil ko na muna yung torrent ng Legend of Korra at pinag lament ang fact na hindi totoo ang bending at na hindi normal magkacrush sa gumagalaw na drowing na kapareho rin lang ng chances na may mangyari sa pagitan namin ng crush kong hindi drowing. Ay. Pero ayos lang ako.

Yung pang-anim ko nang payong to para sa sem dahil nawawala ko lang pag mahal tapos mabilis namang nasisira pag mura. #notreallyaboutumbrellas Pero ayos lang ako.

Yung may printer akong hindi gumagana pero nandiyan lang siya, rinerepresenta lahat ng pwede kong iprint pero hindi pwede. #notreallyaboutprinters Pero ayos lang ako.

Yung nagwala ako nung isang araw dahil inuwi sa bahay yung kaldero at hindi ako makapagsaing ng kanin at sobrang ligaw na ligaw ko na ngayong ayaw akong kausapin ng rice cooker ko at kung may imumurder man ako sa future, malamang ang huling mga salitang maririning niya ay "Ilabas mo na yung tanginang kaldero." Pero ayos lang ako.


Saturday, October 12, 2013

Para sa mga katulad kong KJ

Kailangan ko na lang siguro tanggapin na lagi't laging magiging eksena ito sa buhay ko (at pati na rin variants niyan) http://paulinefernandez.blogspot.com/2012/09/galing-ako-sa-party-nung-isang-araw-at.html

Kamakailan lang, muling isinampal sakin ng mundo ang pagiging hindi "normal" ko. Imaginine mo: pinapalibutan ka ng mga lumalagok ng tequila, mga nagyoyosing di mo inakalang nagyoyosi, mga sumasayaw gamit ng what may be too much hip thrusting at kili-kili raising, mga nanay na doble pa ng edad mong mas sexy pa sa yo. Tapos magpapan yung camera sa 'yo. Ikaw na hindi umiinom o nagyoyosi o sumasayaw. O sexy na nanay. Pero pinipilit ka pa rin na uminom at magyosi at sumayaw. At maging nanay. May nagtanong pa kung bakit ka malungkot kahit na hindi ka naman malungkot, boring ka lang talaga.

Tapos bigla kong naalala si Gramsci. Oo, habang pumaparty. Well, ako pala hindi pumaparty nun. Parang yung mga non-loser people yung naghaharing-uri na sinusubukang ipaniwala sa iba pang classes ng society na yung mga ideology nila ang tama at na sila ang norm. Buti na lang alam ko kung paano baliktarin yung hegemonic na relationship na yan.

In theory. Kaya umuwi na lang ako nang maaga. Ganyan tayo e.




Wednesday, October 9, 2013

Cinemalaya Day 2,3,4

Apat na araw yon at ang hirap mag-isip kaya sama-sama na lang :| In summation:

SANA DATI
Pamatay yung ending ng Sana Dati. Pambawi sa fact na si Lovi Poe yung bida. Hay nako, Lovi, hay nako. Pero sobrang gwapo ni Benjamin Alves. Pag-uwi ko sa bahay sinearch ko kaagad siya kaso Benjamin Abalos yung naalala kong pangalan. Iba pala yon. Saka sobrang mas gwapo siya pag gumagalaw kaysa pag litrato lang. At saan ba kasi nanggaling ang nosyon na attractive ang abs. Dadating kasi sa point na hindi na mukang tama na may mga bukol bukol ka sa tiyan mo. Muka ka na lang may sakit na kailangang operahan ngayon din. Sobrang walang kinalaman sa pelikula lahat ng sinabi ko :))

DEBOSYON
Na-late ako ng pagdating sa screening ng Debosyon. Pero ayos lang naman pala na na-late ako. Bale, may lalaking nahulog mula sa puno sa isang gubat. Tapos sinave siya ng isang babaeng takot magmahal o kung ano man. Tapos tinitigan nung lalaki yung idol ng Birhen ng Penafrancia tapos nahulog na naman siya. Tapos nag sex sila nung babae na half ahas pala. HALF AHAS WTF. Tinanong ng babae sa lalaki kung bakit siya bumalik tapos ang sabi niya "kasi nakita ko mga mata mo sa mata ng Penafrancia" or some shit. Tangina ewan ko sobrang kadiri ng love. Yun lang ang masasabi ko. Parehong tao pa naman sa gumawa ng Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa yung nagsulat nito kaya nakakadisappoint.

PUROK7
Sobrang cute ng Purok7. Mabigat yung ilang subject matter pero parang ang gaan panuorin. Tapos may mga batang naglalandian at never kong kinilig sa kahit anong pelikula kung paano ako pinakilig ng pelikulang to. May okey talaga pag subtle lang e. Hindi yung sinasampal ang LOVE sa mga manunuod. Naka libre pa kong Moonleaf dahil sa raffle. Kaso nga lang, aanhin mo naman ang milk tea kung wala kang kahati.

REKORDER
Hanggang ngayon di ko pa rin maisip kung maganda ang Rekorder. Gusto kong isipin na maganda dahil Red ang apelido ng gumawa. Pero may mga part na maganda sana kaso parang kulang pa o hindi masyadong naisali sa kwento. Lol kunwari alam ko pinagsasasabi ko. Pero yung ending. Pamatay na naman. Wala pang Lovi Poe kaya mas okey.

QUICK CHANGE
Titi. May titi sa Quick Change. Titi ng transgender na may boobs. Boobs. Marami ring boobs. Pero maganda. Yung boobs. Este yung pelikula. Tungkol siya sa pag inject ng collagen sa mga trans para gumanda features nila at buhay trans at pagmamahal at sexy time at beauty pageants. Tapos may mga Babaylan sa screening at ewan ko kung bakit pero takot ako sa kanila.

Titi.

Saturday, October 5, 2013

Cinemalaya Day 1

Bakit ba lagi na lang napakahirap maghanap ng gustong manuod ng pelikula? Sa paminsan minsan na mangiimbita ka, alam mo namang hihindian ka lang pero magbabakasakali ka pa rin. Tapos sa gabi, bago matulog, nakahiga ka't nag-iisa tapos iisipin mo: Saan? Saan ba ko nagkulang? Arte ko. Anyway, ang dami kong napanuod na pelikula recently kaya ikkwento ko na lang since wala akong maisip na ibang isulat.

(mga simula pa ng September ko pinanuod ang mga to kaya di na relevant pero nung drinaft ko to "recent" pa talaga kaso ngayon ko lang ipopost tapos ang daming kong sinasabi kbye)

Isang linggo akong nasa FI gabi-gabi kung saan puro hotdog lang ang binebenta. Merong option na footlong saka half footlong. Half footlong. Parang tanga. Sobrang dami kong nakain na hotdog na of the 12 inch variety. Akala ko nung una masyaong mahaba pero kaya ko naman pala.



Hanggang kailan mo balak gawin 'to?
Hanggang kakayanin.

Tapos luha. Puro luha. Iyak ako nang iyak nang iyak sa Transit. Buti na lang madilim kundi sira na reputasyon ko. Tungkol yung pelikula sa mga OFW na TNT sa Israel tapos may batas na idedeport ang mga batang hindi Israeli. Tapos tinatago ni Ping Medina yung anak niya kasi gago si Toni Gonzaga at wala siyang puso. Wala siyang puso :( At nadeport nga yung bata dahil pinaka heart breaking na dahilan. Pero si Toni, wala, wala siyang naramdaman. Bumalik ka na lang sa paghohost ng The Voice please. Bakit ka ba nasa Israel. Parang gusto ko na lang humiga nang naka fetal position sa shower at tumitig sa kawalan habang nagrurun down my face yung itim kong eye liner. Ano kayang nangyari sa bata? Pinagtawanan ba siya nung ibang kids dahil hindi siya marunong magtagalog? Umuwi na lang ba ng Pilipinas si Ping para kasama niya anak niya? Hindi ba mahal ang plane ticket, paano nila naafford yon? EWAN NATIN. Minsan feeling ko masyado akong naaattach sa mga character ng mga pinapanuod ko. Pero ibig-sabihin lang nun maganda yung pagkakakwento.

Side note lang. Sabi nila ang mga OFW raw ang mga bagong bayani. Kaso bayani ka pa rin ba kung di mo naman sinasadyang maging bayani at ang mga layunin mo ay hindi naman talaga para sa bayan.  Isa rin sa mga issue na inaddress ay ang pagiging Pilipino at kung hindi inaidentify ni Jasmine Curtis Smith ang sarili niya bilang Pilipino, ede wag natin siya pilitin ok. 

Pangalawa

May kaklase ako sa isang sabjek na may dalawang taong gulang na anak. (lol sabjek. Sabi ng SWF katanggap-tanggap daw yan) Nang tanungin siya kung balak ba niya sundan ng isa pa, ang sagot niya ay hindi sa ngayon. Hindi raw niya alam kung paano hahatiin pagmamahal niya sa dalawang bata.

Bigat. Pwede namang hatiin. Ewan ko na lang kung kayang pagpantayin.

Pero ang katotohan diyan, narerealize man natin o hindi, lahat tayo'y may sari-sariling mental na listahan pagdating sa mga relationship natin sa ibang tao. Pamilya, kaibigan, ka-ibigan - rinaranko mo sila at nakaranko ka rin pabalik. Siyempre hindi naman kailangang sabihin pa yung pagkakasunod-sunod na yan, pero minsan napapakiramdaman na lang natin. Nagiging prublematiko nga lang 'to pagka yung rank mo ay hindi kasing taas ng inaasahan mo. Tapos magdedesisyon ka ngayon. Pipilitin mo bang umakyat o magpapakakuntento na lang.

Omg hala, ano kaya konteksto nun