(mga simula pa ng September ko pinanuod ang mga to kaya di na relevant pero nung drinaft ko to "recent" pa talaga kaso ngayon ko lang ipopost tapos ang daming kong sinasabi kbye)
Isang linggo akong nasa FI gabi-gabi kung saan puro hotdog lang ang binebenta. Merong option na footlong saka half footlong. Half footlong. Parang tanga. Sobrang dami kong nakain na hotdog na of the 12 inch variety. Akala ko nung una masyaong mahaba pero kaya ko naman pala.
Hanggang kailan mo balak gawin 'to?
Hanggang kakayanin.
Tapos luha. Puro luha. Iyak ako nang iyak nang iyak sa Transit. Buti na lang madilim kundi sira na reputasyon ko. Tungkol yung pelikula sa mga OFW na TNT sa Israel tapos may batas na idedeport ang mga batang hindi Israeli. Tapos tinatago ni Ping Medina yung anak niya kasi gago si Toni Gonzaga at wala siyang puso. Wala siyang puso :( At nadeport nga yung bata dahil pinaka heart breaking na dahilan. Pero si Toni, wala, wala siyang naramdaman. Bumalik ka na lang sa paghohost ng The Voice please. Bakit ka ba nasa Israel. Parang gusto ko na lang humiga nang naka fetal position sa shower at tumitig sa kawalan habang nagrurun down my face yung itim kong eye liner. Ano kayang nangyari sa bata? Pinagtawanan ba siya nung ibang kids dahil hindi siya marunong magtagalog? Umuwi na lang ba ng Pilipinas si Ping para kasama niya anak niya? Hindi ba mahal ang plane ticket, paano nila naafford yon? EWAN NATIN. Minsan feeling ko masyado akong naaattach sa mga character ng mga pinapanuod ko. Pero ibig-sabihin lang nun maganda yung pagkakakwento.
Side note lang. Sabi nila ang mga OFW raw ang mga bagong bayani. Kaso bayani ka pa rin ba kung di mo naman sinasadyang maging bayani at ang mga layunin mo ay hindi naman talaga para sa bayan. Isa rin sa mga issue na inaddress ay ang pagiging Pilipino at kung hindi inaidentify ni Jasmine Curtis Smith ang sarili niya bilang Pilipino, ede wag natin siya pilitin ok.

No comments:
Post a Comment