Saturday, February 25, 2017

I NEED SPACE

Masalimuot ang relasyon ng espasyo't temporalidad. Kung ang isang bagay ay mayroong distansiyang linakbay, nangangahulugang mayroong panahong lumipas. Ngunit ang kabaliktaran ay walang katiyakan - na ang paglipas ng panahon ay nangangahulugang may paglakbay na distansiya.

Maaaring matapos ng hindi-na-mabilang na pagpitik ng mga kamay ng orasan, magugulat ka na lang sa pagtuklas na nananatili ka pa rin sa puntong pinagsimulan.

Mapanlinlang ang panahon, tulad ng panlilinlang ng mga pangalang matagal nang nalimutan - dinaan ka lang sa palamuti't matatamis na salita.



Disclaimer: Charot lang


Thursday, February 23, 2017

RESBAK

Magdadalawang taon na pala mula nung huli akong magsulat dito. Ngunit sa dinami-dami ng nagbago sa loob ng matagal na panahon na ito, isa lang ang panigurado -

di pa rin ako grumagraduate mula sa kolehiyo! Ayos.


Waw daming time, 100 pages pa kailangan kong basahin. Garfinkel, paulit-ulit lang naman sinasabi mo, ano ba.