Sunday, March 30, 2014

Daming angst

Ito ay isang listahan ng mga potentially life changing quotes na nakita ko sa bading kong diary na ang laman ay sinulat ko mula May 2010 hanggang June 2012. Nakakaloka basahin gusto ko na sunugin lahat ng laman ng condo ko.

1. A healthy mind is always a good substitute for an ugly face.

2. If you really want something, dapat you're willing to work through the inconvenience

3. We're all very much aware of what pricks we really are. We are all just good-for-nothing fucks, every single one of us.

4. Napanaginipan ko na naman si ___. For the third time.

5. Ang landi mo. Fuck you.

6. I'm not really the kind of person who likes being touched. Ayoko lang talaga. Feeling ko kasi breach of personal space. Kahit mga magulang ko ayoko pag hiunhug ako. Ang pangit lang talaga ng feeling.

7. Putang inang lecheng gagong titi ka.

8. Puta. Ang sarap upakan ng mga tanga kong kapatid. Di naman kasi kailangan lamunin lahat ng pagkain nang iisang araw lang.
[ang OA neto :)) ]

9. When I have a problem, I write it down on a piece of paper and read it over and over and over then I throw it away as though the problem is thrown away with it. But of course it isn't, so that's why I suck. Bow.

Sobrang nakakatawa talaga jusko lord. Dami kong inarte sa buhay. Favorite ko yung una :)) 

Friday, March 28, 2014

Basagin ang pagtingin na dapat ang babae lagi ang sinusuyo, ang liniligtas, ang naghihintay na mahalin

charot. Pero maganda yung tula

Pagbati sa Pagsinta ni Joi Barrios

Nakatinding kong babatiin ang pagsinta.
Hindi nakahimlay at nahihimbing
Na kailangan gisingin ng halik,
Hindi nakaupo't naghihintay
Na para bang ang kanyang pagdating
Ang kabuuan ng buhay,
Hindi nakatingkayad o lumilipad
Na nakikipaglaro sa hangin at pangarap.
Nakatayo ako't sumasayad
Ang paa sa lupa,
Pagkat lagi't lagi,
Nakayapak ako kung umiibig.

Thursday, March 27, 2014

30-Nov-2011

Walong araw lamang pagkatapos ng unang training ko ever sinulat ko to sa diary ko:

"... in two years, dapat captain na ko."

Ambisyosang bata kaloka :)) At oo, grade school pa lang ako nagdadiary na ko so shutup. Parang ganto lang pero nasa papel. Ang cute cute ng mga rant ko pag alam kong ako lang nakakabasa. Paingles-ingles pa ko at sobrang daming mura. Ma post nga rito yung mga paborito kong muntanga na pagiinarte 

Sunday, March 23, 2014

Feeling ko talaga kaya ko na tumakbo #3months

(Hindi ko na ipapaliwanag yung context basta tuhod-therapy related) Matapos ng ilang linggong pagpupumilit na may kasamang kaunting luha at mura, may nagpayo sa'kin na huwag na tignan yung marka na dapat abutin; itulak ko lang hangga't sa kaya pang tiisin yung sakit. (As in may literal na marka at pagtulak at sakit) At gumana naman. Which brings me to the point, Happy Monthsary! Pero paano kaya kung tigilan ko na yung pagbilang at pagbati buwan buwan, baka sakaling bumilis yung pakiramdam ng paghihintay. Kaso baka di na ko makakuha ng pagkakataon ulit na magselebra ng kahit anong klaseng monthsary. Seryoso, may sumpa na sumusunod sakin. O kaya dapat mag research muna ako nang konti sa estado ng availability ng mga tao bago maginvest ng feelings. Di ko na mabilang kung pang-ilan na to, ang OA na kasi. O kaya discard na lang lahat ng feelings in general. Kasi di naman talaga kailangan yan basta't meron pang youtube at mcdonalds delivery na magpapanatili ng katinuan ko. Tapos may lima akong papel na hindi pa nasisimulan at sabi ko sa sarili ko, bat di kaya ako manuod ng mga paborito kong Avatar episodes, tapos mag 2048 at matalo nang paulit-ulit, tapos kantahan ang sarili at ipaskil sa soundcloud kahit na takot akong mahusga, tapos mag-inarte tungkol sa tuhod kong eksaktong apat na buwan nang ni minsan ay hindi ko natanggal sa isip ko, tapos ilathala lahat yan kahit na wala naman talagang may pake pero cathartic e so wtvr, tapos 'yan, 'yan itsura ng araw (at ng buhay) ko.


https://soundcloud.com/paulinefernandez/peter-gabriel-book-of-love

Wednesday, March 19, 2014

Nagpa photocopy ako kahapon kay Ate Jophel/Jofel/Dyofell sa FC. Naalala ko tuloy yung photocopier nung high school na tinatawag ng lahat na Ate Roxy (kabaliktaran ng Xerox.) Angel ang tunay niyang pangalan pero walang may paki alam. "Cleto, Panpil 101," at hinugot niya ang dalawang makapal na libro mula sa lalo pang mas makapal na stack ng mga readings. Paano kung binabasa pala niya lahat ng dumadaan sa kanyang papel. Di lang natin alam, siya na pala ang pinakamahusay sa larangan ng Anglo-Saxon post structuralist speculative poetry. Habang naghihintay, may napansin akong kalahating-tapos na cross stitch ng imahen ng isang pumpon ng bulaklak. Sa pagitan siguro ng pagbanggit sa kanya ng mga estudyante ng mga apelyido ng mga propesor at kung anu-anong mga subject at numero, pinagkakaabalahan niya ang paglusot ng tamang kulay ng sinulid sa tamang mga butas sa kapirasong tela. Dati, siya lang si Ateng nagphophotocopy. Ngayon, siya na si Ateng nagphophotocopy na mahilig mag cross stitch. Iyan lang ang alam ko tungkol sa babaeng tatlong taon na akong pinagsisilbihan ngunit hindi ko man lang alam kung paano ang baybay ng pangalan. At base sa isang malaking supot na siksik sa iba't ibang kulay ng sinulid,  hanggang alas singko lang siya bukas, ngunit marami-rami pa siyang iccross stitch, at marami-rami pang iphophotocopy.

Friday, March 7, 2014

Mula sa Soltero ni Louie Jon A. Sanchez

Ipinanganak naman daw tayong mag-isa, kaya ano pa
Ang ipagdadalamhati? Kapag bumitaw ang kahawak-
Kamay, hindi ipinahihiwatig na nagwakas ang pag-iral
Ng isang pagsasalo. Bumabalik lamang tayo sa ating
Dating katayuan