Thursday, November 29, 2012

Kailangan ko ng hobby

Kung hindi mag work out ang college, susubukan ko nalang maging telenovela actress. Ang pinaka importante ay ang mga kilay at hand gestures. Nagpractice na ko kanina. 









Friday, November 23, 2012

Hindi na si Rebel ang paborito kong tao

Simula nung napanood ko tong interview na to sa TV dati, scinour ko ang internet para lang mapanood ulit. Ang tanging kopya na nakita ko ay nasa youtube/site ng teamcoco pero hindi available videos nila sa Pilipinas... until recently! Gusto ko sanang umiyak sa saya pero bigla kong naalala lahat ng naghihirap sa Pilipinas at nagsimulang umiyak sa lungkot. Buong buo ang paniniwala ko na mapapakasalan ko siya balang araw dahil sabi ng isang online compatibility test, 96% compatible daw kami. So obviously, written in stone na. Sana hindi siya mamatay muna sa Walking Dead kundi ewan ko na kung ano gagawin ko sa buhay ko.






Legit
 Ok, bigla akong naawa sa sarili ko. Wag niyo ako ijudge base lang dito. Normal  naman ata akong tao.


Wednesday, November 21, 2012

At dahil dito, lagi na akong magw-warm up

Ede kakapasok ko palang sa field at nung napunta sakin yung bola at tumakbo lang ako ng konti, nawalan kagad ako ng balanse at nadulas pagka touch sakin. Buti nalang talaga nandun yung kanang tuhod ko para saluhin yung matigas at tuyong lupa ng sunken garden. Katabi na ngayon ng bago kong sugat yung peklat mula sa pagkadapa ko last year sa PE na nung fresh pa  ay inilarawan ng ilang tao bilang "mukang ketchup."

Pagkatapos ng training, pumunta ako sa clinic kung saan matatagpuan ang isa sa pinaka walang kwentang nurse sa balat ng lupa. Ang tagal kong naka-upo lang don kasi kailangan ko pa raw hintayin yung doctor. Hindi man lang niya tinignan o kung ano. Naka upo lang siya at nagtetext. Pano kung life or death pala ang nakasalalay. Malay ba niya.

Tapos lininis na nung doctor yung sugat at muntikan ko na siyang sipain. Kumaha siya ng cotton buds at linublob sa kung ano mang panglinis tapos sobrang intensely na kiniskis dun sa sugat. Alam kong linilinis mo lang, pero hindi mo ata naintindihan na sugat siya at masakit yung ginagawa mo. Di naman ako makacomplain kasi tinutulungan na nga niya ko kaya gumawa nalang ako ng kung ano anong facial expression na mukang tanga para mailabas ko sa muka ko yung sakit.

Hindi na ata ako babalik sa UP clinic kahit kelan.

Friday, November 16, 2012

All life is suffering

Kahapon, hindi ko matanggal sa utak ko buong gabi yung mukha ng napaka cute na buddhang yan. Kaya ginawa ko to imbis na mag-aral, at masasabi ko na ayos lang na hindi ako magkaroon ng kinabukasan kung ang kapalit naman ay ang litratong to. 

Ewan ko kung san yan napulot ni Siddhartha pero basta masaya ako. 





Thursday, November 15, 2012

Gusto ko rin ng ganung ringtone

Nanood ako ng Bwakaw sa FI nung isang araw. At grabe, na stress ako sa mga pangyayari. Tapos hindi ko pa mapunasan yung mga luha ko o makasinga kasi baka mahalata ng ibang tao na umiiyak ako at hindi yon cool. Baka masira street cred ko.

Pero ang pinaka memorable na part talaga ay yung may biglang tumonog na cellphone malapit sa inuupuan ko na pabulong na "Open your eyes." Yung bulong na parang sa mga commercial ng Resorts World Manila. Pagkatapos nun, hindi na ako makaconcentrate ng maayos sa pinapanuod ko kasi, ewan ko kung bakit, pero sobrang bumenta sakin at tawa ako ng tawa. Mga tatlong eksena na ang nakalipas pero tumatawa parin ako. Nahihiya na nga ako sa mga katabi  ko kasi seryoso yung scene pero hindi parin talaga ako maka get over.

Pagkatapos, mga 10 na siguro nun, at naglalakad na ako sa acad oval. Madilim, masarap ang simoy ng hangin, may pa isa-isang taong dadaan, nakikinig ako sa kung ano mang ambient na music sa ipod ko, pinag-iisipan ang mga wonders ng universe. Feel na feel ko na para akong nasa huling eksena ng isang pelikula at may natutunan akong importante. Tapos bigla na lang akong mapapangiti na parang tanga kasi naalala ko na naman yung lecheng Open your eyes na yon. 

Tuesday, November 13, 2012

Ano tawag sa saging na nagkakasala?

Ede, sinturon. O pwede ring pre-marital sexy time.

Speaking of sexy time, may kaibigan ako na merong nakahandang sexy time playlist sa kotse niya na papatugtugin kapag may babaeng gusto niyang pormahan na nakasakay. Meron atang light sexy time, heavy-petting sexy time, basta-wag-tayo-magkalat sexy time at ipa ba.

Tapos may narinig akong kanta sa radyo na hindi ata dapat pinapatugtog sa radyo pero baka bumagay sa playlist na to.



Kung wala kang panahon pakinggan ang kantang to dahil tulad ko ay busy ka sa pagiging mabuting tao, ito yung paborito kong parte: 

I want your sex
I want your love
I want your.. Sex

It's natural
It's chemical (let's do it)
It's logical
Habitual (can we do it?)
It's sensual
But most of all...
Sex is something we should do
Sex is something for me and you

Sex is natural
Sex is good
Not everybody does it
But everybody should
Sex is natural 
Sex is fun
Sex is best when it's... One on one
One on one

Kaibigang binanggit sa umpisa, pasensya na kung medyo dinagdagan ko yung data. Posibleng na block out ko ang malaking bahagi nung sinabi mo dahil medyo yung kadiring klase ng malandi lang talaga.

Bilang ng dami ng paggamit ng mga salitang sex/sexy time sa post na ito: 15

Huhuhu

Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, natatakot akong matulog. Oo, natatakot as in scared. Di ko alam na posible palang mangyari yon.

Kagabi kasi napaginipan ko sarili ko na natutulog at parehong pareho yung posisyon ko sa kama at ang pagka-ayos ng mga gamit sa kwarto ko sa panaginip na yon at sa totoong buhay. Yung pagkasabit ng mga binti ko mula sa kamang pinagtambakan ng mga gamit kaya hindi na ako magkasya. Yung pagkayakap ko sa mga unan na sana'y yakapin din ako pabalik. Chos. Yung electric fan na naka 3 pero hindi naman nakatapat sakin kasi linalamig ako.

Tapos dun sa panaginip, magigising ako at pinipilit na hindi makatulog muli dahil tuwing pinipikit ko ang mga mata ko, may napapaginipan akong hindi maganda na ang setting din ay ako na nakahiga sa kama ko. Wow inception. Di ako sigurado kung anong nangyayari pero may mga multo, mamatay tao at kung ano pang iba ata. Basta ang tandang tanda ko lang talaga, magigising ako mula sa panaginip na nasa loob ng isa pang panaginip at takot na takot ako.

Eto namang sunod na parte, ewan ko kung kasama rin sa panaginip o totoo nang nangyari. Magigising ako pero hindi ko magalaw yung katawan ko. Hindi rin ako makapagsalita. Tapos dalawang beses atang nangyari na may lumabas na tunog mula sa muka ko pero hindi ko naman naramdaman na nagsasalita ako.

Kung sinio man diyan ang kayang ianalyze ang aking subconscious, paki. Shet feeling ko talaga mamamatay na ko.


Saturday, November 10, 2012

Kung san san ko naririnig yung kantang to at nakakainis lang na laging hindi talaga tunog English yung mga unang linya ng unang dalawang stanza (00:08 at 00:16). Pati kahit sino pa ang mag cover.  Yung una, parang "Hay nako" tapos yung pangalawa para siyang nagi-Intsik. Sana hindi lang ako nakakapansin nun kundi sobrang muka akong baliw.

Friday, November 9, 2012

Ano bang nangyayari sakin

Nalalakasan ako sa volume nung laptop ko kaya kinuha ko yung remote ng tv.
Sinusubukan kong isulat ang salitang shirt pero mga apat na beses atang shirst ang nalalagay ko.
Natakot ako kasi parang may dumaan sa harap ko pero paa ko lang pala.
Lumabas ako ng banyo habang nagsisipilyo tapos nung kailangan ko nang idura yung tubig, tumapat ako sa hamper at muntikan nang dun ibuga.

Mukang magiging masaya ang sem na to. 

Saturday, November 3, 2012

Sorry, B

(yun kasi tawag ko kay Beyonce) pero may bago na akong paboritong tao. 

Thursday, November 1, 2012

1.582 Etong numerong to ang magpapasaya saakin

May nakita akong dalawang babae sa may tapat ng FC dati. Nakatayo sila sa gitna ng bike lane at nag-uusap habang may tig-isang paa na nakapatong sa isang long board. Hindi ko maintindihan kung anong sinusubukan nilang gawin o palabasin pero nagkaroon ako ng feeling na may nakakatawang mangyayari kaya pinanood ko muna sila. Solb na siguro ako kahit isa lang na pretentious na ulo ang mabagok. Pero walang nagyari. At labis akong nalungkot.

Pero ok lang naman malungkot paminsan minsan. Dahil kadalasan, ang mga malulungkot ay yun ding mga nag-iisip. Yun yung mga nakakakita ng kagandahan sa mundo pero inaabuso o binabaliwala. O yung mga may natuklasang napaka importanteng katotohanan na hindi natin kayang abutin. At pagkalipas/tanggap/intindi/kung-ano-man ng mga to, saka lang natin lubusang maiintindihan ang tunay at purong kasiyahan.

Ako lang pala nagsabi niyan kaya malaki ang posibilidad na binobola bola ko lang kayo at wala lang talaga akong maisip na isulat. Ayun, wala akong maisip, at ikinalulungkot ko yon. Hindi lang pala yung mga nagiisip ang nalulungkot pero pati yung mga sinusubukang patakbuhin ang utak kaso sadyang wala talagang mapiga.

Wehehehe padeep kunwari. Kasalanan mo to CRS. Kasalanan mo to. Gusto ko lang naman ng madadali at interesting subjects na tinuturo ng magagaling na prof at pasok sa klase ng GE na kulang ko pa at nasa time slot na convenient para sakin. That's all lang naman e. Grabe, is that too much to ask? Sometimes talaga, feeling ko the universe is making parusa me. OMG, like, putangmother. Putangfather. Putangeverything!