May nakita akong dalawang babae sa may tapat ng FC dati. Nakatayo sila sa gitna ng bike lane at nag-uusap habang may tig-isang paa na nakapatong sa isang long board. Hindi ko maintindihan kung anong sinusubukan nilang gawin o palabasin pero nagkaroon ako ng feeling na may nakakatawang mangyayari kaya pinanood ko muna sila. Solb na siguro ako kahit isa lang na pretentious na ulo ang mabagok. Pero walang nagyari. At labis akong nalungkot.
Pero ok lang naman malungkot paminsan minsan. Dahil kadalasan, ang mga malulungkot ay yun ding mga nag-iisip. Yun yung mga nakakakita ng kagandahan sa mundo pero inaabuso o binabaliwala. O yung mga may natuklasang napaka importanteng katotohanan na hindi natin kayang abutin. At pagkalipas/tanggap/intindi/kung-ano-man ng mga to, saka lang natin lubusang maiintindihan ang tunay at purong kasiyahan.
Ako lang pala nagsabi niyan kaya malaki ang posibilidad na binobola bola ko lang kayo at wala lang talaga akong maisip na isulat. Ayun, wala akong maisip, at ikinalulungkot ko yon. Hindi lang pala yung mga nagiisip ang nalulungkot pero pati yung mga sinusubukang patakbuhin ang utak kaso sadyang wala talagang mapiga.
Wehehehe padeep kunwari. Kasalanan mo to CRS. Kasalanan mo to. Gusto ko lang naman ng madadali at interesting subjects na tinuturo ng magagaling na prof at pasok sa klase ng GE na kulang ko pa at nasa time slot na convenient para sakin. That's all lang naman e. Grabe, is that too much to ask? Sometimes talaga, feeling ko the universe is making parusa me. OMG, like, putangmother. Putangfather. Putangeverything!
No comments:
Post a Comment