Pero ang pinaka memorable na part talaga ay yung may biglang tumonog na cellphone malapit sa inuupuan ko na pabulong na "Open your eyes." Yung bulong na parang sa mga commercial ng Resorts World Manila. Pagkatapos nun, hindi na ako makaconcentrate ng maayos sa pinapanuod ko kasi, ewan ko kung bakit, pero sobrang bumenta sakin at tawa ako ng tawa. Mga tatlong eksena na ang nakalipas pero tumatawa parin ako. Nahihiya na nga ako sa mga katabi ko kasi seryoso yung scene pero hindi parin talaga ako maka get over.
Pagkatapos, mga 10 na siguro nun, at naglalakad na ako sa acad oval. Madilim, masarap ang simoy ng hangin, may pa isa-isang taong dadaan, nakikinig ako sa kung ano mang ambient na music sa ipod ko, pinag-iisipan ang mga wonders ng universe. Feel na feel ko na para akong nasa huling eksena ng isang pelikula at may natutunan akong importante. Tapos bigla na lang akong mapapangiti na parang tanga kasi naalala ko na naman yung lecheng Open your eyes na yon.
No comments:
Post a Comment