Monday, April 25, 2022

RESBAK PART 2

Hello internet, buhay pa ba kayo diyan!? Sa kasamaang palad, ako buhay pa. Waw, ang dark. Pasok ba ganyang humor sa demographic ng blog na 'to? O dapat ba lagyan ng disclaimer na: ok lang, may depresyon naman ako kaya pwede ko i-joke yan. Ito ba yung tinatawag nilang cry for help? Kina-relatable ko na ba yung mental instability ko, ha? 

Sige, ok na, tigil na natin 'yan bago tayo umeksena sa Mercury Drug sa Tandang Sora nang wala sa oras. Napaka-obscure na reference non sa pinaka kanal na moment sa buhay ko; shawtawt na mga naka-gets. Baka ikwento ko yon dito balang araw pag hindi na ko nagkakaron ng war flashbacks pag pumapasok sa kahit anong Mercury Drug. 

Ito na 'yon. Ito na 'yung pambungad ko sa panunumbalik sa pagsusulat dito. Ayos ba ayos ba




Monday, January 11, 2021

 Baka pag tinrato natin bilang choices ang mga tao imbis na options ay maging mas masaya tayo. Nyek 

Sunday, January 3, 2021

RESBAK

Tatangkain kong magsulat ulit dito. Kinonvert ko yung orihinal na paulinefernandez na URL para sa mas mature content. Waw. Gusto ko kasing magkunwaring seryoso akong writer. Baka sakaling maidaan ko sa pagkukunwawari hanggang maging totoo. Tapos mananatili itong byepaulinefernandez na... ganito, kung ano man 'to. Gusto ko sanang linisin yung blog na 'to sakaling may incriminating na laman. Sinusubukan ko kasing i-build yung career ko bilang isang dakilang taga-gawa (ano spelling??) ng zoom link at taga-reply ng "Copy po, Ma'am." Lamniyo naman, mahirap na.

Saturday, May 26, 2018

FREEFALL

Hindi naman sa hindi ako mapakaling umalis noon - hindi nang lubusan. Mas dahil sa naubusan na lang ako ng mga rason para manatili, nawalan ng makakapitan. Tila nakalambitin sa lubid na unti-unting napipigtal hangga't sa tuluyan na lang napatid.

Mga iniisip sa pansamantalang ere lang ang humahagkan: 1) ang simoy ng hanging mapagpalaya at 2) ang lupit ng bagsak sa lupa.

Friday, January 19, 2018

PAANO BA MAGING SINGLE MULI STEP 1: TABLE FOR ONE

Sa totoo lang, nakapangungulila. Di ko inakala na magiging isa sa pinaka mahirap harapin ay ang mga pangkaraniwang bagay.

Wala na ang nakatakdang i-text sa tuwing sinira na naman ng traffic ang araw mo, o kasamang subukan 'yung bagong Korean BBQ sa kanto, o yayayaing manuod ng pelikulang isang linggo nang ipinagpapaliban.

At natira kang iniisa-isa ang mga pangalan sa contacts at tinitimbang kung sino kayang may pake sa inarte mo para sa araw na 'to. (Sagot: wala naman talaga, o walang makakakumpara)

Paano nangyari na ang taong dating pinag-iikutan ng iyong lahat ay nalaglag na lang nang ganun-ganun mula sa sentro. (Sagot: nang gamit ang buong lakas at pagpapasya)




Tuesday, January 9, 2018

MALING DESISYON #21 PARA SA 2018

Parang linubog ko na yung barko nang di man lang nakalayag. Dahil kung may natutunan man ako, iyon ay hihilahin mo lang ang iba pababa sa pagsubok mong iangat ang ulo mo mula sa tubig. 

Feeling ko may mas magandang paraan para i-articulate to pero di ako makaahon mula sa aquatic na symbolism. Ganto pala feeling ng di rinereplyan ang text. Tamad na tamad pa naman ako magreply lagi. I'm a monster at karma lang to. I deserve it. Saka 100% ng meals na binili ko mula Sabado hanggang ngayon ay galing sa 7/11. Bale tatanda akong mag-isa nang puro Busog Meal at pancit canton lang laman ng tiyan.  8:00 pa lang at ang dami ko nang nainom na Mountain Dew jusko. At manhid pa rin yung isa kong daliri what is this. Dami kong angal anuba

Monday, January 8, 2018

LIMANG RASON KUNG BAKIT UNDERRATED ANG SELF-HATE

Parang eksena sa pelikula. Kahit gaano ka pa kagalit sa 'kin, sigurado ako na walang tatalo sa self-loathing ko. So, yknow, take that. At least eto, sigurado akong kaya kong gawin nang tama.

Dahil underrated talaga ang pagkasuklam sa sarili. May mga tangina talagang tao na gumagawa ng kung anu anong katanginahan on the regular basis e. Kunwari gago ka at may ginago kang iba. At matapos ng lahat ng yon, mahal mo pa rin sarili mo? Gago ka na nga, minahal mo pa pagkagago mo. Kunwari naman gago ka tapos nang dahil sa pagkagago mo, gusto mong ipurga buong pagkato at iitsa sa harap ng full speed na MRT kung ano mang matitira. O diba, parang mas may sense yon. So dapat we should be allowed to hate ourselves. Wag kayo makikinig sa mga pumupiri sa inyo at nagsasabing mahalin niyo sarili niyo kahit ano pang mangyari. Walang mas nakakakilala satin kundi ang mga sarili natin mismo. At minsan ang mga sarili natin ay ka-hate hate naman talaga. At okey lang yon. Moreover, sa partikular, okey lang ako.

Friday, January 5, 2018

PAALALA SA SARILI PARA SA BAGONG TAON

1. Huwag magtiwala sa mga "wanderer" at "loves to travel" ayon sa social media bio nila. Cliche silang tao, panigurado. Di ko lang alam pero malamang may kaibigan akong ganiyan ang bio. Latak kayo ng lipunan, palitan niyo yang kabaduyan na yan.

2. Pag nagsimula akong magtrabaho sa lugar na kailangang naka-business casual, ibig-sabihin suko na ko at linamon na ang kaluluwa ko ng sistema. Dahil ano ang buhay kung hindi naniniwala sa simbolismo. Kakayanin ko ang lahat, puwera sa business casual.

3. Manatili sa loob ng comfort zone. May rason kung bakit comfort zone ang tawag. Kasi nga komportable. Oo, wala kang matututunan at hindi uunlad ang pagkatao mo na maaaring magdulot ng nakapipinsalang lungkot at pagsisisi na pinaka mararamdaman sa tuwing lilingon ka sa walang kulay mong buhay at iisiping "Ito na ba 'yon? Ito na talaga?" habang umiinom mag-isa sa isang bar sa liblib na bahagi ng Cubao dahil hindi mo pa kayang umuwi at harapin ang asawa mong di mo naman talaga minahal. Ngunit ayos lang yon dahil sa kahuli-hulihan, masasabi mong naging komportable ka naman - komportable lang.

4. Ipatingin yung sakit sa lalamunang anim na linggo na yata. Hindi porket umasa kang lilipas ay lilipas talaga. Minsan may mga nararamdaman talagang hindi madadaan sa pagharap sa ibang direksyon. Inalis mo nga sa paningin mo, ngunit hindi ibig-sabihin ay tuluyan nang naglaho. Yung sakit sa lalamunan pa rin to.

 5. Ito mas payo kaysa paalala pero sobrang halaga nito. Berocca ang sagot sa lahat ng sama ng pakiramdam na maaaring dumapo sa sakitin kong katawan. (Maliban sa chronic na pamamaga ng gallbladder, sakit sa likod na dulot ng scoliosis, malupit na dysmenorrhea, bigat sa dibdib sa tuwing mag-isang nakahiga sa kama pag gabi at dinadamdam ang nakabibinging katahimikan ng aking pag-iisa, at saka yung sakit nga sa lalamunan.) Pero lahat ng iba kaya hilumin ng Berocca, pangako.

5:07 AM NA AT SANA MAY MAGTURO SA AKIN MAG-CROCHET

Shet isang buong araw nang manhid yung dulo ng daliri ko. Should I be concerned. Babalik pa ba yung feeling shet. Pero okey lang, now I'm dead on the inside as well as on the outside, partikular sa isang tanginang daliri na to. Speaking of feelings, o kawalan ng feelings, ewan ko di ko alam. Pwede pala yung masaya ka para sa sarili mo pero malungkot ka para sa iba at conversely, masaya ka para sa iba pero malungkot para sa sarili. Masalimuot ang tao at ang damdamin at hinahanap ko mga lumang plates ko nung Arki pa ko kasi may drawing ako ng tinapay na sobrang ganda na gusto kong ipakita sa magulang ko para naman masabi kong hindi sayang yung binayad nila sa kung ilan mang units yon ng arki subjects na kinuha ko mga 6 years ago na. Bakit kami nagdodrowing ng tinapay you may be wondering di ko rin alam ang sagot. Also unang beses ko ulit magbasa ng Filipino novel in English matapos ng matagal na panahon at hindi ko talaga bet mga non local language na librong set sa Pinas. Di kaya ng imagination ko yung lahat nage-English sa dialogue jusko sobrang out of touch sa realidad. Pati sensibilities ng characters sobrang Western. Sana hindi na ginawang distinctly sa Pilipinas yung setting para hindi sobrang nakaka-cringe mga kaganapan. Anw that's just my opinion at marami akong biases as a person so ayon. Balang araw titira ako sa tuktok ng bundok at magbabasa ng sobrang daming libro na halatang sinulat ng mga middle class pa-intelektwals at gagawa ng mental list ng lahat ng mga dahilan kung bakit ayaw ko sarili ko and all will be fine because my so-so books and crocheted table decorations will keep me warm. Oo, sa fantasy na 'to nagsimula akong mag-aral magcrochet

Thursday, January 4, 2018

5:00 AM

100% sure na mali lahat tong pinaggagagawa ko pota anuna gurl anuna chuchu here chuchu there daming chuchu lowkey gustong maglaho for like 4 months papahaba ako ng buhok goal ko kasi talaga sa buhay maging mahaba enough buhok ko para matakpan utong ko i feel like magcocome in handy yon one day ewan ko shet ang hirap pala mag-isa pero papanindigan ko to kahit na di ko maramdaman yung fingertips ko sabi ng internet baka raw anxiety excuse me google baka ikaw yung anxious sobrang okey lang ako and am not at all unstable emotionally lunch pa huli kong kinain which is like mga 14 hours ago nararamdaman kong dinidigest ng tiyan ko sarili niya shet ang hasel nung kailangan mong kainin sarili mo okey lang yan may magmamahal din sayo or matuto ka rin magmahal one or the other at kailangan ko na magbuhat ulit nanghihina na tuhod ko hasel pota ewan ang hirap talaga someone hug me pls

Sunday, December 17, 2017

AGOS

Guilt -
In varying degrees
Constant and unceasing
--
Bumabalot -
Na parang rumaragasang alon
Pinupunan -
Ang bawat labas-masok
Bawat kanto at kurba
Ngunit sa mas lalong paglaban
Mas lalong hahatakin pailalim

At ako'y tuluyang nalunod





Monday, November 27, 2017

MGA MUNIMUNI TUWING MADALING ARAW

1. Ang bigat ng boobs ko. Di ko na maalala huli akong nagkaron pero malapit na siguro ulit. Baka rin hindi pa too late at ngayon pa lang sila nagggrow in

2. Lagi akong tumatambay sa mga 711 recently para sa charging station. In conclusion, dapat siguro bumili na ko ng sariling charger. O ng sariling 711. (FYI sa mga tinatry akong kontakin, kaya lagi akong walang charge kasi 5 pesos at a time lang kargang pawer ng cellphone ko )

3. Naalala ko yung times na hindi ko namukhaan sarili kong kapatid dahil hindi niya suot salamin niya at minsan iniisip ko kung bad sister ba ko tapos matatawa na lang ako at magrereminisce kasi siyempre oo

4. Super naeenjoy ko yung serye ng mga nabubulatlat na kaso ng sexual harassment. Like nagssmile yung heart ko. Mabagal na proseso ang pagreadjust ng mga values na inadvertently na-internalize na natin pero mas okey na yung umaabante nang dahan dahan kaysa nakatigil lang

5. Ang daming nagtatalabang feelings sa loob ng soul ko at lyk syet ang napili kong solusyon ay gumawa ng absolutely nothing hangga't sa mag-rot na lang ako internally at tuluyang magkaron ng emotional breakdown na uso naman recently so di ko naman kina-special yan at ayun, kakausapin ko na lang sarili ko sa internet kagaya ng gingawa ko ngayon apir

6. Kasalukuyang 12% na lang ang charge ng cellphone ko kaya malamang ay tutungo na ako sa 711 para na rin ma soothe ang current ngunit bihira kong longing for human interaction. Homies mga cashier don at kinamusta pa ko minsan kasi mukha raw ako malungkot pero hungover lang talaga ako non pero tenks for the concern super appreciated i felt so loved at minsan need lang talaga ng love galing sa mga taong di mo ineexpect kagaya ng mga cashier sa 711 sa F Dela Rosa at i mean okey lang na may inaasikaso kayong iba at mas happy kayo sa kanila pero pag unconditional naman yung love like keri lang okey tama na sa pagtype

Tuesday, November 21, 2017

KUMPISAL

Yung may isang libong bagay kang gustong sabihin pero may kaakibat ding isang libong dahilan kung bakit mas makabubuting ikubli na lang. At pipigilan ang mga daliri mula sa pagpindot ng mga letrang hindi na dapat isatitik - pangungumpisal na mananatiling nakatahi na lamang sa pagitan ng mga salitang wala naman talagang ibig-sabihin.


syet nu raw super meta nito also ang arte ko