Parang linubog ko na yung barko nang di man lang nakalayag. Dahil kung may natutunan man ako, iyon ay hihilahin mo lang ang iba pababa sa pagsubok mong iangat ang ulo mo mula sa tubig.
Feeling ko may mas magandang paraan para i-articulate to pero di ako makaahon mula sa aquatic na symbolism. Ganto pala feeling ng di rinereplyan ang text. Tamad na tamad pa naman ako magreply lagi. I'm a monster at karma lang to. I deserve it. Saka 100% ng meals na binili ko mula Sabado hanggang ngayon ay galing sa 7/11. Bale tatanda akong mag-isa nang puro Busog Meal at pancit canton lang laman ng tiyan. 8:00 pa lang at ang dami ko nang nainom na Mountain Dew jusko. At manhid pa rin yung isa kong daliri what is this. Dami kong angal anuba
No comments:
Post a Comment