Monday, August 27, 2012

Balang Araw

Kung may pera lang sana ako, naglayas na ko. Magrerent ako ng condo na malapit sa UP. Kahit upuan lang kasya, pwede na. Pero closet na ata tawag dun. Maliban kasi sa pagluto ng kanin, isa sa mga paborito kong gawin ay umupo. Minsan nakasandal, minsan nakadekwarto, minsan nakaipit yung isang paa sa ilalim ng pwet, minsan naka put your hands on you lap. Haay, ang saya umupo.

Tapos ibebenta ko katawan ko para lang makabayad ng tuition fee. Estudyante sa araw, puta sa gabi. Parang pang pelikula lang. O kaya drugs, para mas delikado. Pangarap ko kasing makipag chase scene sa pulis. Tapos mag-aaral ako nang mag-aaral at magiging magna cum laude. Kasi matalino ako. Walang aangal.

Magkakaron din ako ng gwapong asawa. Gwapo at mayaman. Gwapo, mayaman at gwapo. Pero masama siyang tao. Mas gago, mas okey. Tapos babait siya bigla dahil sa sobrang pagmamahal niya sakin. At buong araw kaming magsese.. lebrate. 

Tapos magkakaron kami ng mga cute na anak. Pito. Gusto ko pito. Isa para sa bawat araw ng linggo. Gusto ko pangalan nila mga tipong Kidlat Lawin o kaya Liwayway Sinag, walang apelyido. Hindi ko rin sila bibinyagan kasi gusto ko sila mag decide ng sarili nilang relihiyon. Magiging ganun akong klaseng nanay. Hindi ko siguro sila mapapalaki ng tama, pero prublema na nila yon.

Mamamatay rin naman ako ng maaga e. Mga 57 years old. Heart attack. Nasobrahan sa pagmamahal. Pagmamahal at macholesterol na pagkain. Tapos isstuff yung katawan ko at ididisplay. Gusto ko nakabukas yung mga mata ko at nakaupo lang sa sofa sa sala. Tapos may motion sensitive na kung ano man na tuwing may dadaan, magpplay ng recording ng boses ko. 

Friday, August 24, 2012

Sagot sa Kahirapan

Naglalakad ako sa Katipunan nung isang araw. Walang kaproble-probema, wala rin naman kinasasabikan. Kuntento na ko sa ganun. Busog pa kasi mula sa pinaka langhap sarap na chicken and spaghetti meal na nakain ko sa buong buhay ko. Nakatingin pa sakin si Aljur Aberenica habang kumakain ako. Nakakaconscious pala kahit na poster lang ang nakatitig sayo. Punas ako nang punas sa bibig ko kasi baka may natira pang minatamis na dugo ng mga sanggol at laman na ginawang hugis hotdog. Ay sorry baka di mo pala alam. May nabasa kasi ako dati na galit sa overpopulation yung may ari ng Jollibee kaya dinudukot niya mga anak ng mahihirap, linalagay sa spaghetti, at pinapakain sa mismong mga magulang ang parehong literal at figurative na flesh and blood. Kaya paminsan minsan, may makikita kang buhok sa pagkain mo pero hindi yun sa staff.


Wednesday, August 22, 2012

Requieme

Ito ang pinakanagustuhan ko sa lahat ng pinanood kong Cinemalaya entry. Although anim lang yun kasi sabi ng wallet ko pwede na ang anim. Kung napanood niyo tapos hindi kayo nagandahan, ikinalulungkot kong sabihin na hindi na tayo pwedeng maging magkaibigan. Halata namang isang napakalaking kawalan yon sa part mo.

Mahirap siguro magsulat ng matalinong comedy na intentional na nakakatawa.  Meron kasi yung mga tipong Kris Aquino movies na matatawa ka nalang kasi ang pangit ng acting niya at sobrang walang kwenta yung plot. Kung napanood mo ang Segunda Mano, isang nakakaiyak na example yon.

May babae na gustong gusto mag burol kahit na wala naman sakanila yung katawan. Sobrang nakakatawa lang nung actress na sikat ata dapat pero hindi ko kilala at ang ganda lang talaga nung parteng to sa storya. Tapos may medyo transgender na lalaki na hindi pa masydaong babae. Kaya nagiipon siya para makakuha ng breast implants. Kaso may kapitbahay siyang namatay at siya nagbabayad para sa pagpapalibing. Tapos ang sakit lang talaga sa puso pagnaglalabas siya ng pera. Ewan ko kung pano nangyari yon, pero di tulad ko, may boyfriend siya. Tapos napaka hirap lang panoorin nung mga bed scene kasi pareho silang panlalaki yung katawan pero may wig at make up yung isa. Tawa pa ko ng tawa nang wala sa lugar kasi.. utong.


Saturday, August 18, 2012

Kasi cool si Courtney Love kahit na medyo may sira siya sa ulo. Tsaka kasi wala akong maisip na isulat pero ang tagal na nung huling post.

Favorite part ko yung may daga na parang dinust off lang mula sa lamesa na para bang hindi siya living creature. Pano kung father daga siya at gusto lang naman niya magprovide para sa mga baby daga niyang walang makain. HINDI NIYO BA NAISIP YON?! Ano ba yan puro luha na tuloy yung laptop ko.





Monday, August 13, 2012

Ang Nawawala

May spoilers to kaya wag niyo nalang panoorin.

Siguro kung na encounter ko sa totoong buhay yung ibang characters dito, baka nasapak ko na sila para lang mabawasan ang pagka hipster nila. Ang cool kasi nila masyado para sakin. Di ko maappreciate yung OA na paggamit ng weed at records at sexuality. At english. Sobrang na bother lang talaga ako na may accent yung bidang babae. Tapos makikipag sexy time siya kahit na may gusto parin pala sa ex-boyfriend. Ewan ko ba dun. Basta ang laki lang ng galit ko kay girl. Pero kilig naman yung kung pano naging sila nung bidang lalaki. (Bago nagpaka bitch yung babae.)

So hindi nagsasalita yung lalaki (Gibson) kasi feeling niya siya ang dahilan kung bakit namatay yung kambal niya (Jamie) nung bata pa sila. Medyo siya naman talaga yung may kasalanan. Tapos ang lungkot lang nung Jamie ang tinatawag nung nanay kay Gibson. Tapos paulit  ulit na tinatanong kung ano daw nangyari kay Gibson. Hindi umiimik yung bata at iyak lang nang iyak. Tapos tinanong nung nanay kung sino ba talaga kausap niya. Tapos gusto kong lang sigawan si Dawn Zulueta ng "Anong klaseng nanay ka!! Si Gibson yan!!" Pero kumalma rin naman ako nung naalala kong pelikula lang to.

Nagsalita lang siya ulit para sabihin na mahal niya si Enid (yung bitch). Wala naman daw kasi siyang importanteng kailangang sabihin bago nun. Nainis lang ako kasi hindi naman yun yung dahilan kung bakit siya tumigil sa pagsasalita. Feeling ko dapat yung una niyang sinabi sa buong pelikula (maliban sa nung kausap niya yung patay niyang kapatid) ay yung huli niyang sinabi sa nanay niya nung ending.  Tumabi kasi si Gibson sa nanay niyang natutulog. Tapos nung nagising, tinanong nung nanay kung sino daw yon. Tapos sabi ni Gibson habang umiiyak, "It's me, Gibson." Mas madrama sana yung dating, diba? DIBA? Leche mag agree ka.

Hindi siguro masydaong halata sa mga sinabi ko pero maganda naman yung pelikula. Maganda yung pagkakabuo nung kwento. Maganda yung mga linya. Maganda yung nanood.

Thursday, August 9, 2012

Miss ko na ang araw, tsaka ikaw :">

Ang saya saya ko lang nung gumising ako nung Tuesday tapos suspended ang classes. Kaso may tumutulo na kadiring liquid mula sa ceiling kahit na meron pa namang ibang floor sa taas namin.  Para akong tangang sigaw nang sigaw habang nagmomop ng sahig. Tapos pumapasok din yung ulan mula sa mga bintana kasi manipis na yero lang pala yung nasa ibabaw. Hahanapin ko ang architect ng building na to at isasampal ko sa muka niya ang notes ko mula sa isang taon sa Arki. Kasi naman, sobrang, hay nako.


Kumakain ako ng lunch nung nag online ako. Binabaha na pala sa ibang lugar maliban sa condo ko. Akala ko pa naman special ako. 


Tapos may mga nabasa akong dahil daw sa RH Bill kaya pinaparusahan tayo ng Diyos. Naawa naman ako, baka may sakit sila sa utak or something. 

"Tangina mooooo"
Gusto ko sana mag volunteer kaso sobrang lakas ng ulan at baka hindi na ko makabalik nang buhay sa condo. Ipinapadala ko nalang lahat ng pagmamahal ko sa mga nasalanta ng kung ano man tong hindi pala bagyo.



Monday, August 6, 2012

Hey Now Hey Now!!

Isa sa mga paborito kong palabas nung bata ako, at siguro hanggang ngayon, ay Lizzie McGuire. Naaalala ko pa yung opening sequence nila na may mga bumabagsak na pulang bola. Naaalala ko pa si Lizzie McGuire na may cartoon version, si Miranda na Pilipino sa totoong buhay, si Gordo na mahilig mag hackysack, si Kate na bestfriend dati nina Lizzie at Miranda, si Ethan Craft na mukang nanggaling sa boyband. Naaalala ko rin yung episode na gusto bumili ni Lizzie ng bra pero hindi nila alam ni Miranda kung ano ibig sabihin nung mga letra at numbers. Pati na rin yung episode na sumasayaw sila sa hallway sa saliw ng Us Against the World. At sino ba naman ang makakalimot nung nagkatuluyan na sa wakas si Gordo at Lizzie dun sa movie. Pero may tatlong segundo sa buong run ng show na hinding hindi ko maalis sa utak ko at patuloy akong hinau-haunt hanggang sa araw na ito.



Saturday, August 4, 2012

Hoy

Oo, ikaw nga.

Ikaw na nag-aaral dapat ngayon pero sinasayang nalang ang oras sa kakafacebook o twitter o sa pagpunta sa blog na to. Ikaw na walang pera pero pilit na nagtitipid para makabili ng bagay, na kung tutuusin, hindi mo naman talaga kailangan. Ikaw na gumigising nang maaga at pumapasok araw-araw para lang hintaying madismiss. Ikaw na kilig na kilig pagnakikita si alam mo na pero wala namang masabing matino pagmagkatapat na kayo. Ikaw na magkasalungat ang mga dapat sa mga gustong gawin. Ikaw na tuwing nakaharap sa salamin, parang hindi parin kontento sa nakikita. Ikaw na hindi alam kung tama ba ang landas na tinatahak. Ikaw na minsan napupuno ng sobrang inis at lungkot na parang gusto mo na lang sumuko. Ikaw na.. saglit lang, sino ka nga ba?

Hindi man kita kilala, pero nakakasiguro akong hindi ka nag-iisa. 

Chos. 


Wednesday, August 1, 2012

Hi I'm Fauline Pernandez

And welcome to my crib. I like to cook rice in my spare time.


That lamp must be very happy to see me.