Monday, September 25, 2017

PAANO BA MAGDEACTIVATE NG FEELINGS CHAROT

Paano ba ma-xp kultura ng ibang tao nang walang nagaganap na appropriation? Kahit gaano ka pa ka-integreted o ka-genuine ng intentions mo, taga-labas ka pa rin kahit anong mangyari. Ewan ang daming kontradiksyon sa buhay.

Moreover, parang tanga lang yung bawat gabing pag reactivate-deactivate ng twitter dahil nakaka-fomo yung di ko nakikita tweets ng mga partikular na tao lel. Like ano yung point bakit di ako maglog-out lang gurl anek 

Sana pwede ganon sa totoong buhay, ano? Patay-sindi, log-in-log-out ka lang pag trip mo. Luh

Wednesday, September 20, 2017

DULO'T DULO

Para sa huling pagkakataon
Pinagtugma ang pintig ng mga puso
Hangga't sa di  na mawari
Kung kailan nagtatapos ang akin
At kung kailan nag-uumpisa ang iyo

Nang biglang napagtanto
Na ang bawat umpisa
Ay nangangailangan ng pagtatapos
At ang bawat pagtatapos
Ay nagbubunsod ng bagong umpisa

Monday, September 18, 2017

BLESS ME KAUSAP KO SARILI KO ANUNA

Hoy gurl yung mga kausap mo nga kahapon dinadakip lang basta basta ng militar at kinakamkam ang lupang katutubo ng mga malalaking korporasyon. Tigil mo na drama mo huy ikasusurvive mo yan ur strong kaya mo yan bili na lang kita potato corner bukas

Nagdeactivate ako ng twitter para di magdrama pero lumipat lang ako ng midyum tbh lol

Sunday, September 17, 2017

TTYL

Mga desisyon ko sa buhay recently di ko sure pero either sobrang mali o sobrang tama. Walang pagitan

Jusq lordt anuna

Thursday, September 14, 2017

ANONG MAGAGAWA MO SA 1000 PESOS MO?

Alam naman nilang walang magagawa sa budget na ganun kaliit. Mas alam nila lalo na hindi naman iyon papasa.Ibang usapan na ang pagiging tama o mali ng kinalabasan ng botahan, kung ginagawa ba talaga ng CHR ang mandato nila o hindi.

Ang pagtalaga ng Php 1000 na budget ay simpleng pagpapakita ng kapangyarihan. Ang pera ay pera lang, hindi ito dadaloy nang walang tulong. Pero ang pagtanim ng kultura ng pananakot at pag-abuso ng lakas, ‘yun yung mas delikado dahil ‘yun ang nanunuot - yung unti-unti na lang nagiging parte ng kamalayan nating dapat katakutan ang mga nasa itaas, na normal lang na ginagago tayo ng estado.

Maya maya, inuuntog na pala ang sarili sa mga rehas ng hawlang pinasok natin nang di namamalayan.

Naloka c aqoehx

MAKAMUNDONG THOUGHTS @ 6 NG UMAGA KASI HINDI AKO MAKATULOG

1. Dabest yung SandwichxBP collab sa Coke Studio chuchu. Also, def les para kay Ourselves the Elves girl di ko mai-put to words

2. Kakapanuod ko lang kanina ng Whiplash at mas dark siya than I expected piru ang gunduh. Nabagabag feelings ko sa character development jusq. Pero in a good way

3. Guilty pleasure kong manuod ng mga reality show. As in yung mga mababaw na puro sigawan lang tungkol sa wala. I tell myself na pinapanuod ko sila ironically pero naeenjoy ko talaga. Tapos papasok tatay ko sa kwarto ko at makikita ko siyang nadidisappoint sa pagkatao ko pero kasi kailangan ko talagang malaman ano nangyari sa diamond earring ni Kim Kardashian ok

4. Wala pang dalawang linggo na zero exercise at nabobobo na yung sira kong tuhod. Gusto ko lang magpahinga pls lorde y wont u let me. Life tip: huwag mainjure kasi forever mong kailangang i-maintain at sobrang gastos po mag-enroll sa gym

5. Sabi ko sa sarili ko na bilang part ng self improvement ko ay babalikan ko mga luma kong hobby. So tinry ko tumugtog ng piyesa kanina kaso wala sa tono yung piano kaya pumunta na lang ako sa kusina at kumain ng cake. Sinubukan ko talaga

6. Every year, i make it a point na maging underwhelming birthday ko. Kaso kung sinasadya kong wag bigyang meaning, hindi ba yon isang act ng pagbibigay meaning in itself? Ewan dami kong arte sa buhay

7. Nanuod din ako nung isang araw ng Love You to the Stars and Back. Husay umarte nung Joshua Garcia. Sobrang John Lloyd nung dating. 11/10 would recommend para lang maappreciate ng iba acting chops nung batang to. At not to my surprise, umiyak ako. Di ako iyakin irl pero todo hagulgol lagi sa mga pelikula idek pano yon nangyayari

8. Kung pwede lang, magkokorean bbq ako araw-araw. Nasasatisfy ako sa pagbalot ng meat sa dahon. Yung marahan mong kukunin yung nag-iinit na karne at ilalatag sa madulas at mamasa-masang dahon. Tapos babalutin mo nang mahigpit at dahan-dahang isusubo sa naglalaway mong bibig. Sarap.

Well that took a weird turn. Abrupt ending

Friday, September 8, 2017

MGA PAGMUMUNI MULA SA NAGDAANG WEEKEND

...at sa mga linggo leading up to it. Bago tuluyungan mamatay ang hype. At para na rin lowkey  magparinig charot .

1. Training lang ang sagot. Dahil talo ng banong may structure ang magaling na nagbabara-bara lang. Mas okey ang magaling na may structure tho pero si jesus na lang ang makapagdadala satin don.

2. Kaso kahit na araw at gabi pa kayo magsanay, di nakukuha sa dalawang buwang training ang maturity at experience. Ako nga naka-apat nang laro sa labas ng bansa, olats pa rin. Ganon talaga buhay.

3. Hindi pwede magcoach-coachan at maglaro nang sabay. Magkaibang wika ang ginagamit. Maglalabas ka lang ng frustration sa maling mga lugar kung utak-player ang laging nananaig. Referee na lang sa sunod, mas simple, walang attachment. Chos

4. I-dive lahat ng score attempts pota mukha kang tangang laging nasa lapag pero makakaiskor ka rin. Mga 90% ng score ko hindi magiging score kung di ko dinive. The lupa is your friend. Embrace it.

5. Sabi ko have fun lang kaso parang mas fun manalo hahahahhahasel

6. Ang beautiful maki-team work sa ibang team. Lalo na yung pag talunan na kayong lahat. Go Philippines lamang na naman mga dayuhan satin pero okey lang yan darating din ang atin. Malamang sa tulong pa rin ng mga dayuhan pero lunok lunok na lang ng pride

7. Hindi porket kaya mong gawin, gagawin mo na dahil feel mo lang. Team kasi to, hindi showchase ng shet mo. Kapogian is earned, hindi dinadaan sa unnecessary papogi moves. Gawa ka sarili mong team tas parepareho kayong huwag magpasahan badtrip

8. Skwating sa laro is skwating in real life. Walang makapagsasabi sakin ng iba. Mas mahalaga pa rin honor at integrity (awuw big words) mo bilang tao kaysa sa mga marka sa score board. Kung kaya mo magtake advantage ng kapwa mong super obvious na walang kakayahang depensahan ang sarili, para lang makausad ka, ewan ko na. Kahit pa technically allowed yan. Kahit pa "parte lang ng laro" o "trabaho lang." Ikaw na dapat magkusa e. Lahat ng ginagawa mo sa lahat ng parte ng buhay mo ay manipestasyon ng pagkatao mo. Period no erase.

May malalim tong hugot sa pangkabuoan kong life reflections kaya f na f ko. *Lapatan ng mga konsepto ng oppressed at marginalized, naghaharing uri, privilege, agency, batas at structure.* Wala, pinacomplicate ko lang bye

9. Alam kong politically incorrect yung salitang "skwating" pasensya na

10. Pero kahit pano mo pa pagbali-baliktarin, kung mahal mo, mahal mo talaga. Charot tama na ayoko na