Para sa huling pagkakataon
Pinagtugma ang pintig ng mga puso
Hangga't sa di na mawari
Kung kailan nagtatapos ang akin
At kung kailan nag-uumpisa ang iyo
Nang biglang napagtanto
Na ang bawat umpisa
Ay nangangailangan ng pagtatapos
At ang bawat pagtatapos
Ay nagbubunsod ng bagong umpisa
No comments:
Post a Comment