Sunday, December 28, 2014

Ang ma-reject

Minsan pakiramdam ko wala na akong ginawa kundi mag-rant tungkol sa injury ko kaso ang hirap lang talagang iwasan. Parang pag-ibig. Yung tipong pag-ibig na ibubuhos mo na ang lahat-lahat mo: luha, dugo, pawis, pera, oras, basta hindi pagmamalabis ang pagkakagamit ng salitang 'lahat.' Tapos biglang isang Biyernes ng umaga may tatawag sayo na may hindi kanais-nais na balita na ang buod lang talaga ay Pasensya na pero pussy ka pa rin e. Tapos maaalala mo yung lahat mo. Yung kiniskis mo mula sa kailailaliman. Yung pagsipsip mo hanggang sa huling patak. Kaso hindi pa rin sapat. At binaliktad mo na mga bulsa mo, tangan-tangan ang pamasahe mong kulang ng piso.

Deeeee oks lang. Maybe next time. Though minsan naiisip ko pano kung di nangyari yung nangyari more than a year ago, baka nagbbook na ko ng flight patungong Australia. Or baka rin hindi lol. Pero panigurado, kung di yon nangyari, hindi ako nagdevelop ng weird fetish para sa mga knee support. Srsly tho, ang dami kasi palang iba't ibang brands at styles. Magsisimula na ko ng clothing line na puro supports lang. Para habang tumatakbo ako, kumikinang yung rine stones at sequins mula sa zebra print kong knee support na gawa sa 76% Italian head-hair.

E ayun, itigil na ang pagiinarte. Kantahan ko na lang sarili ko. Char.





Sunday, December 14, 2014

Higgil sa mga Kwarto

Pipigilan ang pagtawa
Pupunasan ang mga luha
Hindi nila maaaring malaman kung ano ang nagpapasaya sa iyo,
Kung ano ang nagpapalungkot,
Kung ano ang nagpaparamdam
Sino ba sila para patuluyin sa mga kwarto ng kaloob-looban mo
Na kay tagal mong iningatan at ikinubli
Mga estrangherong maglalabas-pasok nang wala man lang pasabi

Mabuti sigurong kumatok na lamang sa ibang pinto
Sapagkat hindi magbubukas ang akin para sa iyo

*homage sa Anyaya sa Aking Silid ni Eugene Evasco

Monday, December 8, 2014

Hinggil sa Pag-iisa

Hindi ko na mabilang ang mga pagkakataong naisipan kong tawagan ka. Para lang may mapagbuhusan ng galit, ng lungkot, ng kawalang kwentahan, ng saya. Ngunit lagi't lagi, ibaba rin ang telepono. Dahil ayaw kong maging abala para sayo ang aking pag-iisa.

Charot. Disclaimer: persona lamang. Dahil wala. Walang laman ang utak at laman-loob ko kundi kaartehan at labis na kagustuhang dumating na ang Biyernes. Hindi ko alam anong ginagawa ng Martes at Huwebes, nalilligaw pa rin ata sila. Pero ang Biyernes, diyan lang 'yan. Laging maaasahan. Kaso hindi makatarungan ang layo ng mga Biyernes mula sa isa't isa.