Monday, October 29, 2012

Minsan, hindi naman ganun kaasim

Ang nais ko lang naman ay tumira sa isang mundo kung saan malaya akong makapagkakamot ng kili kili at amuyin ang kamay pagkatapos nang hindi tinitignan ng masama.

Thursday, October 25, 2012

Sabi nila mas attractive ka raw pagka symmetrical ang mukha mo. At dahil apat na taong iginiit ng gobyerno sa kamalayan ko na isa akong scientist, nagdesisyon akong magperform ng isang experiment gamit ng mirror effect sa photo booth. Sigurado ako na kahit si Stephen Hawking approve sa method na to. Ano kinalaman ng physics dito? Ewan, wala akong ibang kilalang scientist e. Well, you know, maliban sakin.

Mag stretching ka muna o jumebs, at ihanda ang sarili para makita ang mga imahe ng perpektong tao.




Kung tumitig ka sa super nostril na yan hard enough, makikita mo ang future. 

Sana ginawa ko tong topic sa STR tapos puro ganyan lang ang laman ng tarp namin. Magkalevel lang naman siguro ng pagiging traumatizing sa panunuod ng mga sobrang mahal na mga rabbit na kinakain ang isa't isa. Wow ang gandang image lang nun na maging stuck sa utak e.




Wednesday, October 24, 2012

4:00 AM

Yan ang nakasulat sa upper right na kanto ng laptop ko habang tinatype ko ang unang mga salita na to. Dapat siguro tulog na ako ngayon para naman buhay pa kahit papano yung ilusyon sa utak ko na tatangkad pa ko. Hindi ako sigurado kung bakit nila sinasabi na mas okey pag mas matangkad ang isang tao pero pinipili ko nalang na maniwala. Siguro kung nagkaroon ng batas na isa lang ang pwede kong paniwalaan sa buong buhay ko, eto na yon.

Nung masbata pa ako at may panahon pang pagkaabalahan ang gantong mga bagay, alam ko naman na tumataas ako. Parte lang talaga yun ng biology ng tao. Hindi ko man nararamdaman, pero tiyak na tiyak akong nangyayari. Pagka sandal ko sa pader at pag apak sa bakal na dulo ng measuring tape at nakita na tumangkad ako ng kahit fraction lang ng isang centimeter, pakiramdam ko naging mas katanggap tanggap at buo akong tao. Kahit na hindi naman talaga.



Tuesday, October 23, 2012

Oo. Oo lagi ang sagot.

May binili ako sa SM Department Store nung isang araw tapos sobra ng isang daan yung sukli na binigay sakin ng cashier. Sa dalawang segundo na inaabot at pinapatong sa kamay ko yung pera na hindi naman dapat sakin, parang nagkakaroon ng laban ang good at evil na para bang saakin nakasalalay ang kapalaran ng buong daigdig.

Pero pinili kong maging makasarili dahil gustong gusto talaga ng fries galing sa Potato Corner. Yung malaki. Yung hindi bitin. At habang nakakalat sa mukha at mga daliri ko yung powder mula sa Sour Cream flavored kong french fries, punong puno ako ng saya at okay lang kahit gaano pa kadumi itsura ko kasi sarap na sarap naman ako sa kinakain ko.

Naguilty ako bigla kaya nag-isip na lang ako ng kahit anong rason na pwedeng magjustify sa ginawa ko. Una, sobang yaman na rin naman ni Henry Sy. Di naman niya mapapansin yung nawawalang 100 pesos. Pangalawa, baka good karma yon dahil napakabuti kong kaibigan, anak at Pilipino. At tao, in general. Kadalasan. Pangatlo, baka rin bad karma naman para dun sa cashier na nangnanakaw pala mula sa cash register at lasenggo at binubugbog ang mga anak niya. Pangapat, paraan ko to para bigyan ng leksyon lahat ng hindi marunong mag-isip at gumamit ng logic. Sabi kasi nung resibo, P190 yung binili ko at P300 ang binayad ko. Saang mundo magiging posible yon? Nagkamali ng input yung babae at tinanggap nalang na merong 300 peso bill. Ewan ko sakanya. Umaasa nalang ako na may nangyari nang masama sakanya dahil madalas pala niyang nagagawa yon.

Marami pa akong pwedeng ilistang pagdadahilan, pero pag minalas ako isang araw, malamang ay babalik ako sa pangyayaring to na wala naman talagang kilaman. At pagiisipan kung sapat na kapalit ba ang french fries para sa kung ano mang kasamaang palad.



Saturday, October 20, 2012

Ang tagal ko nang hindi nagpopost dito dahil 11 araw na akong nakatutok sa laptop ko at nanunuod sa youtube ng lahat ng mahahanap ko tungkol sa... One Direction. Hindi ako sigurado kung paano to nagsimula at kung bakit to nangyayari pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Siguro karamihan ng tao ay mahihiya kung nangyari to sakanila pero kailangan ko na ng tulong. Hindi na ito normal. Gusto ko nang matulog at kumain at maligo. Natatakot ako na baka ikamatay ko to. Sinubukan na akong tulungan ng pamilya ko at nung mga pari sa parish namin, pero ayaw na nila akong lapitan muli dahil sa nangyari nung isang araw. Sa lahat ng nasangkot dun, bibisitahin ko nalang kayo sa ospital pag tapos na ang lahat nang to. Pero at least sigurado na ako ngayon na isa akong teenage na babae.

At guy na maraming buhok, iniimbitahan ko ang sperm mo na tumira sa loob ko sapagkat gusto ko ng cute na kulot na baby. Na may british accent. 






     

Tuesday, October 9, 2012

Buhok nga lang ba ang pwede i-trim

Kaechosang title yan.

Lakad ako nang lakad at palipat lipat ng sakayan kanina kasi wala talagang dumadaan na Katipunan jeep at sobrang nakaka inip lang. Handang handa na kong sumakay ng Pantranco papuntang MRT, lumipat ng LRT tapos sumakay ng jeep dun sa dulo ng Katipunan. Marami pa sigurong mas madali at murang paraan pero mas exciting lang kasi yon. Umabot ako sa sakayan sa may Vinzons pero wala rin talaga. Bumili muna ako ng tubig pero paglingon ko, wala na yung mga taong nakapila kahit na wala namang dumaan na jeep. Napaka Twilight Zone nung feeling. Sabay tugtog nung intro na kanta. Tenenewtenenew.

Tapos may nakasalubong ako na papunta raw ng Ateneo para mag-aral, allegedly. May dumating ding jeep, at pinauna niya akong pasakayin. Yun pala, ako nalang yung kasya. Di makapagdesisyon ang mga paa ko kung anong gagawin pero nanatili akong nakaupo dahil lang mas dramatic yung dating.  Parang hawig kasi sa eksena sa pelikula yung dahan dahang magddrift ayaw yung isang tauhan at mamamaalam hangga’t di na niya makita yung pinagpapaalaman niya. Higit pa dun, yung buong pangyayari ay naging metaphor para sa kung ano mang gusto kong irepresenta nito. At natuwa naman ako. Nagkaroon ng gawa gawang depth yung simpleng pagsakay ng jeep.

Pero sumama loob ko kasi matagal siya naghintay at papunta lang naman ako sa salon para magpagupit. Kaya ayoko ng chivalry e. Napaka sexist lang na konsepto. Ayos, nangbintang pa e. Isa pang ayaw ko ay yung may nakatitig sakin gamit ng judgemental nilang mga mata. Wow ang galing ko mag segue. 

Habang nagpapagupit kasi ako, kita sa repleksyon sa salamin ang isang poster na may tatlong babaeng parang nakatingin sakin. Di ako mapakali, parang gusto kong lumipat ng upuan. Papel lang naman yon pero para na rin nilang sinasabi sakin na Tignan mo yung magaganda naming buhok, bagay sa magaganda naming mukha. Hindi ka magiging kasing ganda namin pero pwede mong subukan. Tapos babalik sa pose nilang naka pout o tagilid na ngiti na nung sinubukan kong gawin ay tama nga na hindi kasing ganda tignan kaysa nung sila ang gumagawa. 

Ang saya ng tanghaling ito. May exam ako nung umaga pero mas marami pang pag-iisip ang naganap pagka labas ko ng classroom. 


Monday, October 8, 2012

Hi

Isang salitang kay dalas nating sabihin ngunit wala naman talagang ibig-sabihin. Isa lamang itong expresyon na ginagamit sa pagbati. Dalawang letra at isang pantig nang di makabuluhang tunog. Ngunit paminsan minsan ay makakasalubong ko.. siya. Siya na nagbibigay kahulugan sa mga dapat ay wala.

Hi
def. Ano sunod mong klase? Ihahatid kita.

Hi
def. Kamusta ka na? Labas naman tayo minsan.

Hi
def. Alam mo, sa totoo lang, miss na talaga kita. 

Sabay kakaway at ngingiti ng konti. Pagkababa muli ng kamay at mga gilid ng labi ay hahabulin ng dila ang mga sariling depinisyon ng Hi na nais sabihin. Pero wag nalang. Nakalagpas na siya. Masyado na siyang malayo. O baka ako yung lumalayo. Di bale, malamang para sa kanya ang Hi ay hindi na hihigit pa sa Hi. Wag na lang talaga.


Thursday, October 4, 2012

May pinuntahan akong poetry reading dati, tapos may isang tula na sobrang nagandagan ako. Ang tagal kong napatulala kasi prinocess pa ng utak ko kung paano ba dapat ako magrereact sa narinig ko. Tapos naisip ko, Shit ako rin, gusto kong magsulat. At voila, pinanganak ang blog na ito.

Basahin mo kasi wala lang: http://www.palancaawards.com.ph/2010Guerra%20Cantos-Tula-1st%20prize.php  Yung unang tatlong stanza (part bago ng I.) lang binasa nung araw na yon, pero maganda rin naman yung iba.

Kung binuksan mo yung link pero hindi mo binasa dahil bitch ka at medyo mahirap talaga magbasa ng mabulaklak na Tagalog, etong sayo





Monday, October 1, 2012

Naging lesson namin sa Kas ang tungkol sa mga Monggol na sinakop ang China. Kaya bilang form ng pag-aaral ay pinahiran ko ang muka ko ng puting publos, humarap sa salamin, kinulot ang noo at nagsimulang magdrama drama habang kinakantahan ang sarili ng Reflection. Yung galing sa Mulan na kinanta ni Lea Salongganisa o kung ano man pangalan niya. Basta Pilipino siya kaya automatic na proud na tayo. Kahit naman sino ata na may kahit gaano ka konting dugo na Pinoy, aangkinin natin. Siguro kung buhay si de Legazpi ngayon, lahat na ng Pilipino ay sinubaybayan ang Spanish Idol: Conquistador Version.

Pero sa kalagitnaan ng tagos sa pusong pagkanta ng when will my reflection show, who I am insahiyahahayd, may naalala akong pelikula na nagkakaroon ng buhay ang mga reflection at pinapatay ang "sarili" nila. Tumitig ako sa mga mata ko at gumawa ng evil na smirk. Natakot ako sa sarili kong mukha at tumigil. Siguro kayang kaya ko parin ipagtanggol ang Tsina basta wala akong makakasalubong na makikintab na bagay.