Monday, December 30, 2013

Huwag mo akong iiwan

Di ko na alam kung ilang beses ko nang napanuod to pero basta gandang ganda talaga ako sa lahat ng laman ng video na to. Yung sayaw, yung kanta, yung mga anino, pati na rin yung pag snap. (Ano ba tagalog ng snap?) Gustong gusto ko rin kasi yung pelikulang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa at kung nagbabasa ka ng blog ko simula pa nung medyo simula, hinahanap ko yung mga tula sa movie kaya bigyan mo na lang ako ng DVD para dumali buhay ko. Pasko na rin naman. At kung makahanap ka ng kopya nung kanta sa background, okey din 'yong regalo. Litanya ni Merlinda Bobis yung tula na ginamit sa kanta. Sana nagkaroon ng epekto yung tula at di nga siya iniwan :(((



Si Sir Vlad Gonzalez nag upload niyan. Nagtuturo siya ng Panpil at MP subjects. Mahusay siya magturo, kunin niyo siya. May mga libro rin siyang mabibili sa National, masaya naman basahin.  

Tula rin to na ginamit sa pelikula. Si Joi Barrios nagsusulat yan tungkol sa women empowerment. Nakaka relate ako because I am an empowered woman at si Beyonce ang aking reyna. Haha ok nung tinaype ko yon, binasa ko gamit ng Tagalog accent yung 'Beyonce.' Try mo. Nasa 'ce' yung stress imbis na sa 'yon.' Anywaaaayyyy, dapat di na lang tayo nagiinvest ng feelings para di masakit pag iniwan.


Paglisan
ni Joi Barrios

Sinasalat ko ang bawat bahagi
Ng aking katawan.
Walang labis, walang kulang.

Sinasalat ko bawat bahagi
Ng aking katawan.
Nunal sa balikat,
Hungkag na tiyan.
May tadyang ka bang hinugot
Nang lumisan?


Sinasalat ko bawat bahagi
Ng aking katawan.
Sa kaloob-looban,
Sa kasuluk-sulukan,
Nais kong mabatid
Ang lahat ng iyong
Tinangay at iniwan.
Nais kong malaman,
Kung buong-buo pa rin ako
sa iyong paglisan.

Friday, December 27, 2013

Ang mapagpalayang pagtae

Sabi ng doktor, kahit ilang oras pa lang pagkatapos nung operasyon, pwede na ko maglakad. Tatlong araw na ang nakalipas at takot pa rin akong subukan. Baka hindi pala ako kasing lakas ng inakala ko. Ngunit ang tunay na sukat ng lakas ay dadating lang pagka wala kang kakayahang bumangon mula sa kama at bigla na lang binulong ng katawan mo ang mga salitang 'naiihi ako'. Dito magsisimula ang pakikipagsapalaran sa mundo ng mga bedpan, vajayjay exposure, martyr na kubrekama, at labis na kahihiyan sa harap ng nurse na nagngangalang RJ. Dumating na sa punto na hindi ko na alam kung ano ang tama sa mali, ang taas sa baba, ang basa sa tuyo. Pero hindi dito natatapos. Alam ko namang  hindi ko maiiwasan ang pangalawang yugto ng pagsubok na ito. At naramdaman ko nang paparating kanina kaya humingi ako ng payo sa isang nakatatandang nakatago sa bigote ang sandaang taong halaga ng kaalaman. Hindi man niya sinasadya, pero napakabigat ng epekto sakin ng mga salitang binitawan niya.

Ako: Natatae ako.
Itay: Ede pumunta kang banyo.

At pagkurap ko wala na siya. Oo nga naman. Kinuha ko yung mga saklay kong pumayag na tumira sa ilalim ng kili-kili ko nang ilang linggo (at para don lubha akong nagpapasalamat), dahan-dahang tumayo, at lalong dahan-dahang naglakad papuntang banyo na nasa katabing kwarto lamang. Tinignan ako ng mga kasama ko sa bahay na parang ako si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. At sila'y lumuhod at umiyak sa napakabagal kong kumilos na mga paa. Ilang beses din akong muntik nang sumuko pero ang tanging nasa isip ko ay: Kailangan. Kong. Tumae. Mga limang minuto ang inabot ko para lang gumalaw ng limang metro. May nag-abot sakin ng isang rolyong tissue. Kinuha ko ito at pinakain sa kanila. Hindi ko kailangan ng tissue niyo. Tubig ang ginagamit ko. Na gagawin kong wine pagkatapos. Nang nagawa ko na ang mga dapat kong gawin, nag-flush ako at sumaludo sa umiikot-ikot na piraso ng kaloob-looban kong parehong pinalaya ko, at nagpalaya sakin.

Mabuhay at maligayang pasko.

Monday, December 23, 2013

Ligtas ang hamon

Ngayon ang unang araw ng susunod na anim na buwan. At limang na oras bago ng operasyon, masasabi ko na isang napakalaking pagkakamali ng pagsearch sa Google Images ng 'post acl operation' at 'ligament graft.' Medyo frineak out ko lang sarili ko. Malay ko bang ganun mga lalabas. Tapos nagbasa pa ko tungkol sa kung saan bubutasan at hihiwain at kung anong tatanggalin at paano hahatakin. Muli, wrong decision ata yon. Pano kung magkamali sila at wala na kong tuhod pagkatapos. As in hita tapos binti na agad. Paano ko yun ieexplain sa mga tao. Inadd din nga pala ako ng doktor ko sa facebook. Habang kinakalikot niya yung tuhod ko, montage lang ng selfies niya ang magiging laman ng utak ko. Tapos lagpas 12 na at online pa rin siya at ang sarap imessage na matulog na siya kasi may trabaho pa siya sa umaga. Nagchat pa kami at nagshare ng secrets. Jk nagtanong ako tungkol sa operasyon at sobrang dami kong tinanong at feeling ko dapat ko siyang bayaran para don. Tapos gising daw ako habang ginagawa pero wala akong mararamdaman from the waste down at minsan nararamdaman daw hanggang dibdib. Medyo nakakatakot daw pero ang di nila alam ay sanay na ko sa pagiging manhid. Pwede ko rin daw panuorin yung nakukuhanan ng camera na ipapasok sa loob ng leg ko. Parang torture shet. Nasa loob sila ng katawan at away from sight, panatiliin na lang nating ganun. May bakal na ko sa loob ng katawan ko pagkatapos. Para na kong si Wolverine except sobrang hindi. Ok, walang napatunguhan yung huling sentence na yon. Medyo kinakabahan ako pero pinasaya namam ako nung babaeng sumisigaw kanina ng "Meron ka pa ngang hamon! Nasa ref ang hamon!" Kailangan mo nga namang magbigay respeto sa kahit sinong may ganung klaseng passion para sa whereabouts ng hamon niya.

Sa mga nagtataka, ito pala yung injury ko: http://www.grantland.com/story/_/id/10072331/derrick-rose-rob-gronkowski-rise-acl-tears. Medyo gago nga lang yung article. Lakas manakot. 

But here is the thing about ACL tears: They're not just another injury. They are the Godzilla of injuries. They are painful beyond tolerance, they take eons to rehab, and they always leave a lingering doubt in the athlete's mind that he will ever be whole again. An ACL tear tests one's mettle. An ACL tear goes to the very heart of resilience and mental toughness. An ACL tear is the standard against which the athlete himself measures his determination. An ACL tear is the absolute limit.

OA naman, parang wala namang ganyang naganap/nagaganap. Oo gumulong gulong ako sa ground at umiyak nang mga isang oras nung nangyari pero acting lang talaga lahat yon. Kung naghahanap ka ng pussy, sorry pero wala kang makikita dito. I mean, figuratively. At habang nandiyan pa sa imagery na yan, Merry Christmas! 

Friday, December 13, 2013

Dami kong issues

Ang sunod na magtanong sa'kin ng "Kailangan mo ng tulong?" o "Okey ka lang?" o "Sure ka kaya mo?" hahampasin ko sa parehong tuhod ng tubo. Tapos iihian ko. Sa mata. Kung kailangan ko ng tulong, ede hihingi ako ng tulong. Kung hindi ko kaya, ede hindi ko gagawin. At kung kailangan ko ng saklay, tangina, ede sana gumamit ako ng saklay. Malamang alam ko naman kung anong kaya't hindi kaya ng katawan ko so please lang. Pakain ko sa inyo strength at independence at womanhood ko e. At pagka inilabas ko na ang womanhood ko, you'd wish I hadn't. May problema lang talaga ako sa mga nagpapakita ng concern para sakin. Medyo sobrang ungrateful. Pero ang sigurado lang akong di ko kaya ay mag back pedal. Sinubukan kong maglaro nung Tuesday. Pagkapasok ko sumigaw ako ng "Wag niyo ko i-hit." Kasi pussy. Mga tatlong beses pa kong nakapag touch tapos lumabas na ko agad. Narealize kong medyo ang tanga lang na sinusubukan kong tumakbo patalikod habang ang ratio ng mga apak ng left foot sa right foot ko ay 3:1. Walang lunas ang tigas ng ulo.

Anyway, umulan kanina. At kulay pink payong ko. Sobrang hindi intimidating. Kung meron ka mang randomly bubugbugin sa isang grupo ng tao, siyempre pipiliin mo yung may kulay pink na payong. May mga nakausap akong bagong mga tao kanina. Hindi ko alam kung bakit napaka laking breach sa privacy ang pagtanong kung ano mga pinapanuod kong pelikula at kung ano hobbies ko. Tapos pumunta akong Jollibee pero pagdating ko dun wala silang Chikenjoy. WALANG CHICKENJOY WTF. Nung sinabi ng cashier na wala nang manok, tinitigan ko lang siya. Hindi ko magawang maglabas ng kahit anong salita nang mga 9 seconds. Tapos mahinang mahina kong sinabi "spaghetti" at tinapunan siya ng pera. Hindi pa handa yung spaghetti kaya umupo ako na number at tinidor lang laman ng tray ko. Medyo in shock pa rin ako nung dumating na yung spaghetti at tinanong nung waiter kung may kulang pa raw ba. Muntik na ko sumigaw ng CHICKENJOY.

Friday, December 6, 2013

Inaalay ko ito kay Lovi Poe

Sinusulat ko to mula sa Computer Lab sa AS na sana dati ko pa nadiskubre. Sobrang convenient. Libre pa. Pwede rin magpaprint, tamang tama para sa cramming needs ng isang estudyanteng nakalimutan tapusin ang papel na online naman pala dapat isusubmit.

Kakapanuod ko lang nung isang araw ng Tuhog. Masaya siya panuorin, may kopya ako kung gusto mong hiramin. Hindi siya ganun kaganda para sakin as a whole. May tatlong taong taong na"tuhog" ang buhay sa isa't isa tapos natuhog sila literally ng isang steel pipe. Parang hindi maganda yung pagkakasulat ng pagkakadugtong dugtong ng mga buhay nila. Tapos bibigyan ka pa ng moral sa dulo. Di na kaya art pagka sinabi mo nang direktahan yung leson.  Pero mayroong tatlong separate ng kwento para sa bawat character at yun yung magaganda. Paborito ko yung unang storya na tungkol sa matandang kakaretire lang na ang pangarap lang talaga sa buhay ay magbake ng pandesal. Basta cute, swear. Tapos puro matatanda pa yung bida sa part na yon kaya extra cute. Tapos yung isa namang kwento si Enchong Dee ang bida. Alam mo bang sobrang gwapo pala ni Enchong Dee. Tapos wala pa siyang pantaas sa karamihan ng mga eksena at okey naman. Okey naman.

Naalala ko tuloy Bang Bang Alley na may tatlong hiwalay na kwento rin pero as in para silang shorts na pinagsama sama at tinawag na lang na pelikula. Ang mga sumulat ay sina Ely Buendia, Yan Yuzon (yung singer ng Sponge Cola na sobrang laki ng bibig) at King Palisoc. Di tulad nung unang dalawa, hindi ko kilala kung sino si King Palisoc pero hindi nakakagulat na yung sa kanya lang yung maganda. Makina yung title. Kung lumabas man yon somewhere sa the internet, panuorin mo.

Pinanuod ko rin Temptation Island recently. Yung remake. May kopya rin ako nun pero gusto ko nang iitsa sa apoy. Sobrang basura. Akala ko ba classic campy comedy whatever to supposedly. Basta sobrang panget. Hindi ko siya natapos panuorin kasi ganun ka panget. Sana di na sila nakaalis sa islang yon. Tapos si Marian Rivera lang marunong umarte sa kanilang lahat. Siya lang yung tanging bright spot ng buong pelikula. Tapos yung worst part pa ay NANDUN SI LOVI POE. Paking hate Lovi Poe. Kahit siya lang sana naiwan sa isla, okey na.


Wednesday, December 4, 2013

Mga gusto kong kainin

Gusto ko ng tsokolate. Kaso may kumain ng tsokolate ko. Kung meron ka mang hindi dapat gawin bilang isang disenteng nilalang ng planetang ito, iyon ay ang pagkain ng tsokolate ng may tsokolate. Bitbit lahat ng stress at inis ko mula sa araw (at sa buhay), binuksan ko yung pinto ng ref, sabik na sabik na lamunin yung Meiji na Black na iniwan ko over the weekend. Pero wala. Wala doon. Paborito ko pa naman yon. Leche. Ang sakit e. Parang naramdaman kong nag break yung heart ko. Aasa asa ka tapos biglang nagpakain na pala sa iba yung alam mo namang sa 'yo dapat. 'Nagpakain' talaga e :)) Anyway, ang point ng story ay ewan ko gusto ko lang talaga ng tsokolate :(

Gusto ko ng Chicken Joy. Naaalala ko pa yung unang beses na kumain ako sa Jollibee Katip. May sign sa labas ng establishment na nagsasabing bumili raw ako ng Chicken Joy tapos nag shrug ako at aktwal na lumabas sa bibig ko ang salitang 'okey.' Mag-isa ako nito btw, mukha akong baliw. Pinakamatalinong desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. Gusto ko ng Chicken Joy.

Gusto ko ng Christmas ham. Ano ba dapat tawag dun? Basta yung bilog na matamis na ham. Binebenta naman yun buong taon kaso parang makatarungan lang na kainin yon tuwing pasko. Pagnagsimula na kong mag crave para sa ham na 'to, ibig sabihin ramdam ko na ang Christmas spirit. Gusto ko yung kina-capitalize ko pa talaga yung Christmas. Wala naman talgang diyos e. Hala joke lang.

Gusto ko

ikaw. Jk

Thursday, November 28, 2013

Dapat kasi may elevator lahat ng building

"Tatakbo ka pa rin pagkatapos niyan? Di ka na nadala. Mag ibang sport ka na lang." E tangina mo. Joke. Lola ko nagsabi niyan. Tangina niyo po. Gustong gusto ko na siya babaan ng telepono kanina. Tawa na lang sinagot ko sa lahat ng sunod niyang sinabi. Di nga ata ako nakapag bye. Ang bait kong apo. At tao, in general.

Anyway, kakatapos lang ng Part 2 ng Bring-Your-Saklay-to-School Day. Jusko pagod na pagod na pagod na pagod na ko - parehong physically at emotionally. Hala ang drama. Magiging sobrang macho na ng arms ko pagkatapos nito. 20 minutes late pa ko sa isang klase dahil bumaba ako mula 4th floor ng AS, tumawid papuntang CAL, tapos umakyat naman sa 4th floor nun. Normally, wala pa sigurong limang minuto yon. Pero tatagal ka nga naman talaga pagka isang paa lang ang kaya mong gamitin. Bukod sa late ka na nga, dadating ka sa classroom mo nang basang basa ng pawis at hingal tapos tititigan ka pa ng prof mo't mga kaklaseng magtatanong kung 'Anong nangyari sa'yo?' hindi dahil may pake sila pero dahil mga tsismoso lang at may pahabol na tanong na 'Okey ka lang ba?' na may katumbas na reply na 'Okey lang ako' na kung totoo sana'y ede walang nakabalot na kung ano sa tuhod mo at hindi ka pa ika ika.  At susubukan mong humabol sa diskusyon pero masyado kang pagod para magkaron ng interes sa grammar rules ng Ilokano. Tapos maalala mong Martes nga pala ngayon at napakagaan ng bag mo ngayon kumpara sa lahat ng ibang Martes na nagdaan at na may hindi ka magagawa sa parkitular na Martes na 'to, at malamang sa mga susunod pa. Tapos papatak ang alas kwarto. Ano na ngayon? At titignan mo ang sapatos mo, tapos ang pinagtagping mga piraso ng bakal at foam na nasa magkabilang gilid ng katawan mo, tapos ang hagdan sa harap mo. Eto na naman. Tapos tapos tapos. Sex

Monday, November 25, 2013

Hi taong nagcomment. Sobrang joke time nung 'mamaya' ko sorry. Wag kasi masyadong aasa. Kaya nasasaktan e. Sabi nila. Di ko pa yan naeexperience e.

Sobrang cute ng Ang Turkey Man Ay Pabo Rin. Basta lang naman matawa ako, okey na sakin. Tungkol siya sa relationship ng Amerikano at Pilipina at yung mga stereotype at misconception sa mga ganyang klaseng pagsasama at pati na rin sa kulturang Pilipino. Pag nagkaroon ka ng pagkakataon na panoorin to, go lang. Tapos wala si Lovi Poe kaya ayos. Tapos nanalo na naman ako ng libreng Moonleaf. Pangatlong beses na to. May in love siguro sakin na galing Cineastes. Joke lang. Malamang wala. Lagi namang wala :( Jk.

May prof ako na ang apelyido ay Cleto. Tunog talagang tagalog for something. Haha cleto. Nagpadeliver ako sa McDo at paulit ulit akong tinawag na sir hangga't sa nagets na niya kung bakit ako tumatawa. "Ano po drinks niyo sir... ma'am.. ano po drinks niyo ma'am." Alam kong mababa boses ko pero Pauline naman kasi yung binigay kong pangalan. Nakaupo ako sa sahig ng FC nang may dumaan na pusa sa harap ko. Nagulat ako na as in OA na gulat. Tapos nakita kong tinatawanan ako ng katabi ko. Tumayo na lang ako at umalis. Di ko natake judgement niya. Nainjure ako nung Sabado. Naka saklay tuloy ako pagpasok. Goodluck naman sa puro 4th floor ko na klase. Pero sa ibang kwento na lang yon.




Friday, November 8, 2013

Kung mahulaan mo nang tama ang ending ng mga sumusunod na kwento, magcomment ka at bibigyan kita ng tsokolate sa sunod nating pagkikita.

Nakaupo ako kanina sa isang bench na pang dalawang tao. Alam kong pang dalawang tao ito dahil halos magkasing lapad lang naman yung inuupuan ko at yung bakanteng espasyo sa tabi ko. May nakita akong pulang bulaklak sa lapag at dinapmot ito. Nakaalis na ako nung napagtanto kong wala namang puno o halaman sa paligid. Sa bawat pagbunot ko ng isang talulot, unti-unting nawawala ang kulay ng kung ano mang natitira sa bulaklak. "He loves me not. He loves me not. He love me not... " bulong ko sa sarili hangga't sa isa na lang ang natira. Tinitigan ko ito at huminga nang malalim. Wala namang ibang pwedeng sabihin yung bulaklak na ito na hindi ko pa alam. Naramdaman kong may aninong papalapit sa 'kin.  Parang may kutob na ako kung sino 'yon. Tumingala ako. At siya nga. Kinuha niya ang tangkay ng bulaklak mula sa kamay ko, binunot ang nalalabing talulot at hinipan ito palayo. "He loves you." Tapos nagsex kami.

Oha. Pustahan mali ka.

Anyway, walang nangyari sa kahit ano diyan. Ni hindi nga ako lumabas ng condo kahit na first day na ng semestre. Di rin naman sisiputin ng mga prof yung mga klase nila. Akala niyo a. Naisahan ko kayo. Barado yung toilet namin. Nasubukan  mo na bang tumae sa plastic bag? Hindi? Ahm, ako rin e. Tumawag nanay ko kanina. Nagpaalam na siya tapos 5 seconds pagkatapos kong ibaba yung telepono, tumawag ulit siya. E ano ba? Hindi pa ko nagbabayad ng tuition kaya ilinabas ko yung 35k (na nakatago sa Cafe France na paper bag dahil sino nga namang mag-aakala na may salapi dun), kinalat sa kama ko at gumulong gulong. Hindi siya kasing saya as you might think. Hindi ako sigurado kung ganun pa rin ang bilang ng pera ngayon. Natakot akong bilangin. Nagpa deliver ako kanina ng 1 piece chicken mula sa McDo. Nasagi ko yung gravy at parang slow motion itong nalaglag sa sahig. Kinontemplate ko pa kung kokolektahin ko yung layer ng gravy na nasa ibabaw kasi di naman affected yung part na yon. Amoy paa mga tsinelas ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagtaka. Ano pa bang dapat amoy nila kundi amoy paa. Mas lalong hindi ko alam kung bakit napakahilig kong amuyun mga gamit kong medyas at sapatos. Ayun. Ayun ang ang araw ko. Ay, lumabas pala ako. Nagdinner pala ako kasama ng isang kaibigan. Tapos nagsex kami.

Biro lang. Not on the first date.




Wednesday, November 6, 2013

Ang mutya ng Asya

featuring pimpol. Leche

Travel blog. Uso kaya to. So shut up.

Galing kaming Malaysia. At dahil ako ang may hawak ng camera, natural lang na walang bakas ng pagmumukha ko yung mga litrato. Di naman pwedeng pumayag lang ako sa injustice na yon. Kaya ihanda ang mga mata sa mga makikita.


Maliban diyan. Nasa litratong yan ang mukha ko. Somewhere along the way, naganap yan. Nais kong magpatawad sa kung sino man yang pilit na iniintindi ang mga pangyayari noong mga panahong yan.  


Bilang mga turista, pumunta kami sa mga tourist spot tulad ng monument na ito. Kaso napansin kong hindi pala kita yung kabuuan ng monument. 

Kaya eto. Just in case gusto mong makakita ng mahabang patayong structure na napapalibutan ng puti na katabi ng babaeng mukhang dissatisfied. Anyway, may pinuntahan din kaming simbahan na puro Pilipino. Tapos sa kalsada sa tapat, may mga nagbebenta ng pagkain, ukay, at kung anu ano pa. Bigla na lang nagkagulo at nagsitakbuhan yung mga nagtitinda, bitbit yung mge binebenta nila. Rine-raid na pala sila. Wala talagang makakabasag sa Filipino spirit.

Tapos naalala ko yung sandamakmak kong tagapaghanga kaya idinededicate ko ang sign na ito sa kanila. Wag kayo mag-alala, makakatanggap din kayo ng tig-isang baba. 

I'm a tiger. The jungle is where I belong.

Oo, ginawa ko yan in pubic. Este public. Di ko rin alam kung bakit ganiyan mukha ko. National palace pala yan. Ang ganda ng pagka dilaw. Wala lang. 

 Hindi ko alam kung sino yan at kung bakit niya ko inaakbayan. Hindi ako masaya.

 Wala yan. Nagpapacute lang ako. Hindi naentertain yung katabi ko. Kulang sa anggulo.

Field daw yan. Tapos cottages yung nasa likod. Ewan ko kung bakit sila relevant sa kahit ano pero inutusan kami nung driver/tour guide namin na bumaba at kumuha ng mga litrato at sumunod lang ako. Kita pa yung pangsabit sa hanger ng damit ko. 

Diyan kami tumuloy sa bahay na yan. As in diyan sa labas. Masaya ako. I had fun.



Saturday, October 19, 2013

Di ko talaga maintindihan kung bat single pa rin ako


Selfie o. Way before it was cool. Circa sobrang tagal na, nakasalamin pa ko e. Kakaiba talaga ang confidence na taglay ng isang grade schooler. Sa tapat pa talaga ng classroom nagdesisyong kuhanan ng litrato ang sarili. Feeling ko balang araw magagamit to against me in some way. 

Ganyan ako ngumiti dati: laging naka-anggulo lang nang konti to the right yung ulo.  Ewan ko, feeling ko ata nun cute yan. May crush kasi ako noon. Matatagal tagal din. May technique ako sa paglalandi nun e. Ang secret lang ay lagi mong iiwasan at never mong kakausapin o titignan man lang sa mata nang tatlong taon kahit na magkasection kayo sa dalawa sa tatlong taon na yon tapos magsulat ka sa diary mo tungkol sa time na nagkasalubong kayo sa canteen nung recess at hindi kayo nagpansinan pero it was magic tapos lumipat ka ng eskwelahan. Medyo ganiyan pa rin ang ginagamit kong method hanggang ngayon. Ewan ko lang ha, pero parang hindi masyadong effective. Minsan naiisip ko pa rin yung taong yon at inaanalisa kung saan ba ako nagkamali. Palagay ko talaga kung mas naka anggulo lang sana yung ulo ko, nakuha ko na siya. Sayang.





Thursday, October 17, 2013

Pero ayos lang ako

Yung 0.48 percent na lang, uno na ko sa ES10 kaso nadali dahil sa groupmate na hindi ginawa yung dapat niyang ginawa kahit na napakadali lang at yun na nga lang yung tanging contribution niya tapos haynako. Pero ayos lang ako.

Yung stressed na stressed na ko tapos nacancel pa yung bagay na alam kong kayang pawalain yung stress na yon kahit sandali lang dahil sa mga factor na hindi ko naman kayang kontrolin tapos tangina ayoko talaga sa ulan kasi ayokong nababasa paa ko. Pero ayos lang ako.

Yung realization na hindi pa pala ako masyadong handa para sa mga certain na bagay at di ko pa kaya mag invest ng feelings kaya tinigil ko na muna yung torrent ng Legend of Korra at pinag lament ang fact na hindi totoo ang bending at na hindi normal magkacrush sa gumagalaw na drowing na kapareho rin lang ng chances na may mangyari sa pagitan namin ng crush kong hindi drowing. Ay. Pero ayos lang ako.

Yung pang-anim ko nang payong to para sa sem dahil nawawala ko lang pag mahal tapos mabilis namang nasisira pag mura. #notreallyaboutumbrellas Pero ayos lang ako.

Yung may printer akong hindi gumagana pero nandiyan lang siya, rinerepresenta lahat ng pwede kong iprint pero hindi pwede. #notreallyaboutprinters Pero ayos lang ako.

Yung nagwala ako nung isang araw dahil inuwi sa bahay yung kaldero at hindi ako makapagsaing ng kanin at sobrang ligaw na ligaw ko na ngayong ayaw akong kausapin ng rice cooker ko at kung may imumurder man ako sa future, malamang ang huling mga salitang maririning niya ay "Ilabas mo na yung tanginang kaldero." Pero ayos lang ako.


Saturday, October 12, 2013

Para sa mga katulad kong KJ

Kailangan ko na lang siguro tanggapin na lagi't laging magiging eksena ito sa buhay ko (at pati na rin variants niyan) http://paulinefernandez.blogspot.com/2012/09/galing-ako-sa-party-nung-isang-araw-at.html

Kamakailan lang, muling isinampal sakin ng mundo ang pagiging hindi "normal" ko. Imaginine mo: pinapalibutan ka ng mga lumalagok ng tequila, mga nagyoyosing di mo inakalang nagyoyosi, mga sumasayaw gamit ng what may be too much hip thrusting at kili-kili raising, mga nanay na doble pa ng edad mong mas sexy pa sa yo. Tapos magpapan yung camera sa 'yo. Ikaw na hindi umiinom o nagyoyosi o sumasayaw. O sexy na nanay. Pero pinipilit ka pa rin na uminom at magyosi at sumayaw. At maging nanay. May nagtanong pa kung bakit ka malungkot kahit na hindi ka naman malungkot, boring ka lang talaga.

Tapos bigla kong naalala si Gramsci. Oo, habang pumaparty. Well, ako pala hindi pumaparty nun. Parang yung mga non-loser people yung naghaharing-uri na sinusubukang ipaniwala sa iba pang classes ng society na yung mga ideology nila ang tama at na sila ang norm. Buti na lang alam ko kung paano baliktarin yung hegemonic na relationship na yan.

In theory. Kaya umuwi na lang ako nang maaga. Ganyan tayo e.




Wednesday, October 9, 2013

Cinemalaya Day 2,3,4

Apat na araw yon at ang hirap mag-isip kaya sama-sama na lang :| In summation:

SANA DATI
Pamatay yung ending ng Sana Dati. Pambawi sa fact na si Lovi Poe yung bida. Hay nako, Lovi, hay nako. Pero sobrang gwapo ni Benjamin Alves. Pag-uwi ko sa bahay sinearch ko kaagad siya kaso Benjamin Abalos yung naalala kong pangalan. Iba pala yon. Saka sobrang mas gwapo siya pag gumagalaw kaysa pag litrato lang. At saan ba kasi nanggaling ang nosyon na attractive ang abs. Dadating kasi sa point na hindi na mukang tama na may mga bukol bukol ka sa tiyan mo. Muka ka na lang may sakit na kailangang operahan ngayon din. Sobrang walang kinalaman sa pelikula lahat ng sinabi ko :))

DEBOSYON
Na-late ako ng pagdating sa screening ng Debosyon. Pero ayos lang naman pala na na-late ako. Bale, may lalaking nahulog mula sa puno sa isang gubat. Tapos sinave siya ng isang babaeng takot magmahal o kung ano man. Tapos tinitigan nung lalaki yung idol ng Birhen ng Penafrancia tapos nahulog na naman siya. Tapos nag sex sila nung babae na half ahas pala. HALF AHAS WTF. Tinanong ng babae sa lalaki kung bakit siya bumalik tapos ang sabi niya "kasi nakita ko mga mata mo sa mata ng Penafrancia" or some shit. Tangina ewan ko sobrang kadiri ng love. Yun lang ang masasabi ko. Parehong tao pa naman sa gumawa ng Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa yung nagsulat nito kaya nakakadisappoint.

PUROK7
Sobrang cute ng Purok7. Mabigat yung ilang subject matter pero parang ang gaan panuorin. Tapos may mga batang naglalandian at never kong kinilig sa kahit anong pelikula kung paano ako pinakilig ng pelikulang to. May okey talaga pag subtle lang e. Hindi yung sinasampal ang LOVE sa mga manunuod. Naka libre pa kong Moonleaf dahil sa raffle. Kaso nga lang, aanhin mo naman ang milk tea kung wala kang kahati.

REKORDER
Hanggang ngayon di ko pa rin maisip kung maganda ang Rekorder. Gusto kong isipin na maganda dahil Red ang apelido ng gumawa. Pero may mga part na maganda sana kaso parang kulang pa o hindi masyadong naisali sa kwento. Lol kunwari alam ko pinagsasasabi ko. Pero yung ending. Pamatay na naman. Wala pang Lovi Poe kaya mas okey.

QUICK CHANGE
Titi. May titi sa Quick Change. Titi ng transgender na may boobs. Boobs. Marami ring boobs. Pero maganda. Yung boobs. Este yung pelikula. Tungkol siya sa pag inject ng collagen sa mga trans para gumanda features nila at buhay trans at pagmamahal at sexy time at beauty pageants. Tapos may mga Babaylan sa screening at ewan ko kung bakit pero takot ako sa kanila.

Titi.

Saturday, October 5, 2013

Cinemalaya Day 1

Bakit ba lagi na lang napakahirap maghanap ng gustong manuod ng pelikula? Sa paminsan minsan na mangiimbita ka, alam mo namang hihindian ka lang pero magbabakasakali ka pa rin. Tapos sa gabi, bago matulog, nakahiga ka't nag-iisa tapos iisipin mo: Saan? Saan ba ko nagkulang? Arte ko. Anyway, ang dami kong napanuod na pelikula recently kaya ikkwento ko na lang since wala akong maisip na ibang isulat.

(mga simula pa ng September ko pinanuod ang mga to kaya di na relevant pero nung drinaft ko to "recent" pa talaga kaso ngayon ko lang ipopost tapos ang daming kong sinasabi kbye)

Isang linggo akong nasa FI gabi-gabi kung saan puro hotdog lang ang binebenta. Merong option na footlong saka half footlong. Half footlong. Parang tanga. Sobrang dami kong nakain na hotdog na of the 12 inch variety. Akala ko nung una masyaong mahaba pero kaya ko naman pala.



Hanggang kailan mo balak gawin 'to?
Hanggang kakayanin.

Tapos luha. Puro luha. Iyak ako nang iyak nang iyak sa Transit. Buti na lang madilim kundi sira na reputasyon ko. Tungkol yung pelikula sa mga OFW na TNT sa Israel tapos may batas na idedeport ang mga batang hindi Israeli. Tapos tinatago ni Ping Medina yung anak niya kasi gago si Toni Gonzaga at wala siyang puso. Wala siyang puso :( At nadeport nga yung bata dahil pinaka heart breaking na dahilan. Pero si Toni, wala, wala siyang naramdaman. Bumalik ka na lang sa paghohost ng The Voice please. Bakit ka ba nasa Israel. Parang gusto ko na lang humiga nang naka fetal position sa shower at tumitig sa kawalan habang nagrurun down my face yung itim kong eye liner. Ano kayang nangyari sa bata? Pinagtawanan ba siya nung ibang kids dahil hindi siya marunong magtagalog? Umuwi na lang ba ng Pilipinas si Ping para kasama niya anak niya? Hindi ba mahal ang plane ticket, paano nila naafford yon? EWAN NATIN. Minsan feeling ko masyado akong naaattach sa mga character ng mga pinapanuod ko. Pero ibig-sabihin lang nun maganda yung pagkakakwento.

Side note lang. Sabi nila ang mga OFW raw ang mga bagong bayani. Kaso bayani ka pa rin ba kung di mo naman sinasadyang maging bayani at ang mga layunin mo ay hindi naman talaga para sa bayan.  Isa rin sa mga issue na inaddress ay ang pagiging Pilipino at kung hindi inaidentify ni Jasmine Curtis Smith ang sarili niya bilang Pilipino, ede wag natin siya pilitin ok. 

Pangalawa

May kaklase ako sa isang sabjek na may dalawang taong gulang na anak. (lol sabjek. Sabi ng SWF katanggap-tanggap daw yan) Nang tanungin siya kung balak ba niya sundan ng isa pa, ang sagot niya ay hindi sa ngayon. Hindi raw niya alam kung paano hahatiin pagmamahal niya sa dalawang bata.

Bigat. Pwede namang hatiin. Ewan ko na lang kung kayang pagpantayin.

Pero ang katotohan diyan, narerealize man natin o hindi, lahat tayo'y may sari-sariling mental na listahan pagdating sa mga relationship natin sa ibang tao. Pamilya, kaibigan, ka-ibigan - rinaranko mo sila at nakaranko ka rin pabalik. Siyempre hindi naman kailangang sabihin pa yung pagkakasunod-sunod na yan, pero minsan napapakiramdaman na lang natin. Nagiging prublematiko nga lang 'to pagka yung rank mo ay hindi kasing taas ng inaasahan mo. Tapos magdedesisyon ka ngayon. Pipilitin mo bang umakyat o magpapakakuntento na lang.

Omg hala, ano kaya konteksto nun




Thursday, September 5, 2013

Mga bagay na nakita ko sa grocery kanina

1. Cereal na naka bowl. Yung mga parang sa instant noodles. Bakit ngayon lang nagkaron ng ganyan. Tinatawanan ko kayong mga nasa ilalim kong kumakain ng cereal mula sa aktwal na bowl na parang mga barbaro. Ha. Ha. Ha. Get with the times.

2. "Eating chocolate makes you happy because it contains phenylephylamine - the same hormone the brain triggers when you fall in love." Unang una, parang mali pakinggan yung pangalan ng hormone kaya ginoogle ko. At mali nga. Excuse you, Philippine Scientist kaya ako. Di niyo ko maloloko gamit ng mga cute niyong quote. Pangalawa, pano kung hindi naman yung falling in love yung prublema, kundi yung kawalan ng pagreciprocate ng pagmamahal. Ano naman kakainin ko pag ganun? 

3. Nagbebenta sila ng mga bulaklak sa tabi ng cleaning products. Ewan ko kung may ibig-sabihin yon o hindi lang talaga nagfafall sa kahit anong category ang mga bulaklak. Bilang scientist nga ako, dapat tinabi na lang nila sa mga prutas. Dahil ano pa bang iniisip mo tuwing nagggrocery kundi taxonomy. 

4. Ponkan. Joke lang walang ponkan. Orange lang. Diba? Sobrang wtf

5.  Hiwalay yung local at imported goods. E anong gusto niyong ipahiwatig? Ha? Mga tuta ng imperyalistang Estados Unidos

6. Alam niyo bang nagloload yung mga cashier sa Rustan's?  Gamit nung mga cash register nila. Wala lang. 

Tuesday, August 27, 2013

Have a happy period!

Bakit ba kailangan pang paaabutin lagi sa sukdulan bago magkaron ng pagbabago. Kung mali, ede mali. Huwag nang hintayin pang sabihin sayo ng milyon milyong mga tao. #hashtagtungkolsapork #andotherthings #ittweetkosanato #kasomasyadongmahaba





Joey Ayala appreciation post






Hanggang ngayon nagsisisi pa rin ako na hindi ako pumunta nung tumugtog si Joey Ayala at Cynthia Alexander sa UP dati. Malay ko bang aalis na pala ng bansa si Cynthia Alexander. Saka nakakatuwa yung Papel kasi tunog Rico Blanco. Suportahan ang musikang pinoy or whatever. 

Thursday, August 8, 2013

Kasabay ng sunod sunod na pagpost dito ay ang muling pagbuhay ng soundcloud ko. https://soundcloud.com/paulinefernandez/youth-daughter Feel na feel ko lang talaga sarili ko e, bakit ba. Dahil sino pa ba magffeel sa'kin kundi ang sarili ko.

Panalo na naman Gilas kanina. So ayun, feel ko rin sila. Pagnakakakita kasi ako ng winner, naaalala ko agad sarili ko. Fake it til you make it nga naman. Ewan ko kbye. Basta pakinggan mo yun.

Wednesday, August 7, 2013

Natutunan ko sa CE10 na hindi natin maiiwasan ang pagdating ng mga sakuna. Ngunit kontrolado natin kung gaano kabigat ang magiging epekto at ang kahandaan nating harapin ang mga to. Yumanig man ang lupa, hindi guguho ang isang estruktura kung matibay ang pagkakagawa nito. At kung sakaling kumalas man, ligtas tayong makakalabas kung alam natin ang tamang daan (o ang tamang lamesang pagtataguan.)

Ewan ko kung ano ang point ng lahat ng yan, pero basta masasabi kong kanina pa natapos ang pagiging tungkol sa natural disasters ng post na to.  


Namimili ako ng mga school supplies na dinonate ko sa isang public school. Compute ako nang compute habang namimili dahil lagpas lang ng konti sa 600 pesos ang puwede kong gastusin kung ayaw kong maglakad pauwi. Wala akong binili ni isang Monggol o Faber Castel o Cattleya. Aanhin naman kasi ng public school student ang mga mamahaling lapis- ito ang iniisip ko habang hinahanap ang pinakamurang brand ng bawat klase ng school supply. Kaunti lang kasi talaga ang dala kong pera. Damang dama ang pagiging mabuti kong tao, napatigil ako dahil sa nakitang presyo sa resibo. Napansin ko na mas mahal pa pala yung suot kong blouse kaysa sa mga pinamili ko. Manipis na puting sando lang naman yun na madaling mabibili kahit saan at kahit gaano pa ka overpriced, binili ko siya sa pagdadahilan na "kailangan ko to." Parang bigla akong nabigatan sa mga bitbit kong bag ng National Bookstore nang napagtanto kong hindi ko pala ata talaga alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'kailangan.'


Friday, August 2, 2013

Lagi kong sinasabi sa sarili ko na 'bawal pussy.' Pero sa mga ganyang pagkakataon, sa tingin ko pwede na.

Nakapila ako sa cashier ng grocery nang may nakita akong maliit na stall ng Tender Juicy na nagbebenta ng luto nang hotdog for 15 pesos a piece habang sa di kalayuan ay nakastock ang mga raw at nakaplastic pang hotdog na wala pang kalahati nung 15 pesos na yun bawat piraso. Diretsahan na nga nilang pinapamuka sakin kung gaano ako kalugi pero pakiramdam ko lang talaga nung mga panahon na yon na kailangan ko na ng hotdog. As in now na.

Silip ako nang silip sa mga nagbabayad sa harap ko, bitbit ang sampung pack ng toothpick at mukang agit na agit magtanggal ng sobrang daming tinga. Napansin ko tuloy yung mga hawak ng lalaki na halos kasing edad ko lang na nasa harap ko: energy drink sa isang kamay, at isang kahon ng comdom at tube ng lubricant sa kabila. Sa malayo ay may kinakausap siyang babae ng sinabihan niya ng "It's your call." Nagbayad siya at paulit ulit at napaka sincere na nagpasalamat sa cashier. Binayaran ko na rin yung mga toothpick ko pero hindi nagpasalamat. Hindi na rin ako bumili ng hotdog.


Thursday, August 1, 2013

Tuesday, July 16, 2013

Disiplina

Unang exam ko para sa semetre bukas nang umaga at halos apat na oras ko nang sinasabi sa sarili kong mag-aaral na ko. Titignan ang syllabus, tapos magfefacebook. Maglolog in sa uvle, tapos kakain. Tititigan yung mga pangalan ngpowerpoint, tapos magttwitter. Bubuksan ang mga files (as in bubuksan lang talaga't hindi babasahin), tapos maliligo. Bubuklatin ang notebook, tapos maggugupit ng kuko. Ibrbrowse ang kalahati ng unang page ng notes, tapos magboblog. Sana gumagana ang mga tao such that pagka may dapat kang gawin, gagawin mo talaga hanggang matapos mo. Hindi yung

Wednesday, June 26, 2013

A day in the life of Fauline Pernandez feat. rice cooker

I welcomed you to my crib, now I welcome you to my life.



Dahil matapos ng 1 year at 7 days, 7521 views, at 99 posts (omg pang 100 to, it's like, destiny) buhay pa rin to. I would like to thank all my supporters dahil ang cute ng medyas ko

Wednesday, June 12, 2013

Aanhin mo naman kasi feelings ko

At kung inabot ko sa 'yo yung sphere (may nakakaalala pa ba nung sphere), anong gagawin mo? Wala.

Yung mga ganyan kasi, dinadaan lang sa meditation at hobbies. O kaya prayer at human sacrifice kung wala talagang gumagana. Siguro sisimulan ko na gumawa ng mga bag na gawa sa Zesto o yung mga foil na lalagyan ng junkfood. Dahil ano pa nga naman ang pwedeng gawin sa basura kundi gawing bag at isabit sa katawan mo. Baka turuan ko na rin siguro sarili ko kung paano magluto. Hindi ko kasi alam kung gaano katagal na lang ako mabubuhay kung kung puro de latang corned beef at tuna lang kinakain ko. Nasubukan mo na ba yung chili corned tuna ng San Marino. Ako, oo. Apply kaya ako sa isa pang org. Yung org na wala namang kinalaman sa kahit ano sa buhay ko. Tulad ng Statistical Society. O GPs. Ayyy. Biro lang. I hate pinions.    


Thursday, May 23, 2013

Sunugin lahat ng slacks

Hindi ko pa nababalikan ang CAL dahil takot akong mareject. Di pa ko emotionally stable right now, baka kung anong mangyari sa internal organs ko. Di ko alam kung pwede bang matae sa sobrang lungkot, pero hindi ko na itetest katawan ko. Tapos biglang natanggap pala ko at nakalagpas na sa deadline, ang saya lang. Tapos ang dami pang grumagraduate sa paligid ko. Nakaka- omg. Pwede bang break muna. Konting travelling dito, self discovery diyan, drug abuse paminsan minsan. Ang dami pang pwedeng gawin na hindi ko na siguro magagawa pag may trabaho na ko at ang mga prinoproblema ko na ay sweldo at kuryente at finding a man who'll love me for me o kung ano mang cheesy na katarantaduhan. Omg, ayoko maging cheesy na tarantado. Jusko, tsaka ayokong mag-slacks. Lord, kahit ano gagawin ko basta hindi ko kailanganing mag slacks sa future. Nakakita na ba kayo ng yoyo master na naka slacks? Hindi. Ayokong gumising balang araw at marealize na Putang ina, ang dami kong slacks.


Friday, May 10, 2013

Mamaya malalaman ko na kung pasok ako sa unang level ng screening para sa course na inapplyan ko. Pagkatapos nun, exam at interview naman. Hinahanda ko na ang mga scripted na sagot para sa mga tanong na "Bakit mo gustong magshift sa course na to?" at "Where do you see yourself 5 years from now?" Medyo may schedule conflict pero yolo yolo lang. Future o Boracay? Bahala na pagdating ng araw na kailangan ko na talagang problemahin. Paano kaya kung di ako tanggapin? Medyo hindi well thought out yung planong to. Mag-aasawa na lang ako ng mayaman kung wala na talaga akong mapuntahan. Ngayon pa lang tatambay tambay na ko sa mga med school pag may free time ako. Tapos may mabubunggo ako tapos parang Oh my, I like your... stethoscope. Tapos ayun na: sparks, bastard child, civil marriage, passive aggressiveness, legitimate child, hell on earth, Alzheimer's, death.


Tuesday, May 7, 2013

May napanuod ako kahapon na ininterview ni Winnie Monsod na ang trabaho ay asikasuhin ang vote buying para sa mga kandidato. Bale, may mga pumapayag na bilhin boto nila para lang makakuha ng kaunting pera. Tapos imbis na mapunta ang pera ng bayan sa kanila, nanakawin lang ito ng opisyal na hinalal nila.  Tapos sa sunod na eleksyon, ipagpapabili na naman nila ang boto nila dahil mahirap pa rin sila at sila rin mismo ang may kasalanan nun.

Kahit na gaano ko pa kagustong isipin na pagmamahal ang nagpapaikot ng mundo, hindi e, pera talaga. Ehehe sobrang nega lang. Gusto ko sanang tapusin to gamit ng isa sa mga sumusunod na pangungusap:

We must become the change we want to see in the world.
In your hands lies your future.
The youth is the hope of our nation.
O kung ano mang idealistic na kadramahan na sobrang inspirational tapos lahat tayo'y hawak kamay na babaguhin ang mundo <3

Kaso trabaho na ng ibang tao yan. Ehehe hater, sorry :))) Kung nagets mo, high five! Dapat gawin na lang na universal currency ang Spam para masaya tayong lahat. Maliban sa mga baboy. Poor delicious baboys.

Wednesday, May 1, 2013

Dahil wala akong maisip ipost

Narinig ko yung kantang to habang namimili ng damit sa mall gamit ng pera na pinaghirapan ng ibang tao. At alam naman nating lahat na iyon ang klase ng pera na pinakamasarap gastusin. So naglalakad lakad ako, tapos parang Wow ang mahal naman nito. Kaso biglang pinatugtog yung kanta at nawalan ako ng pake sa presyo dahil napalitan ang thoughts ko ng That's my jam, yo.



Balang araw matututo akong gumawa ng beats at magiging DJ/producer na lang ako at gagawa ng mga kanta. Tapos magiging si Beyonce ako at sasakay sa unicorn at mawawalan ng mahihirap ang mundo at matutung bumoto nang tama ang mga Pilipino. 


Wednesday, April 24, 2013

Salita ba ang "naglalakbay"? Ang weird pakinggan

Nadapa ako kahapon. Yung tipong dapa na halos buong  gilid ng katawan ko sinalo ng lupa. Pagkapakiramdam mo palang malapit ka na mamatay, hindi nagfaflash before your eyes ang buong buhay mo tulad ng sinasabi sa mga pelikula, kundi nagiging sobrang bagal, masyadong mabagal,  lang ng kasalukuyan. Habang naglalakbay ang mukha ko tungo sa tuyo at mabatong surface ng Sunken "Garden," walang ibang laman isip ko kundi ang pinakamatagal at heartfelt na SHIT sa buong buhay ko.


Mula naman sa isang internet cafe sa SC

Ang pinagkaiba raw ng mga tao mula sa ibang hayop ay ang kapabilidad nating mag-isip at mangatuwiran. Pero bakit tuwing nadadala sa kasukdulan ng, sa tingin ko, mga pinakaimportanteng pwedeng maranasan ng isang tao, napapatigil na lang at napapatahimik. Minsan walang ibang magawa kundi umiyak dahil sa labis na lungkot, tumawa dahil sa labis na saya, sumigaw dahil sa labis sa galit, bumigay sa labis na pagnanasa. At anong klaseng display ng rationale at eloquence yon? Baka ang katangian na pinakanagpapakita ng pagiging tao ay hindi ang kakayahan nating mag-isip, kundi ang kakayahang makaramdam.

Hindi, joke lang, feelings are for chumps. Tsaka sa tingin ko nakaka-feel din naman ang mga hayop. Pero, meh.

Wednesday, April 17, 2013

Sinusulat ko to mula sa computer sa isang internet cafe sa Katipunan. Bakit ba kasi iniwan ko sa bahay laptop ko. Napapalibutan tuloy ako ngayon ng mga lalaking nagsisigawan at sinasabi ang letrang G nang masyadong madalas at masyadong enthusiastically. Okey na sana nung nagsimula silang magpatugtog ng Franco nang sobrang lakas, at least kahit papano natatabunan yung mga pinagsasasabi nilang hindi ako sigurado kung tagalog ba talaga. Kaso biglang may nakikanta.

Shet 3 minutes  na lang daw ang Time Remaining. Feeling ko may mas importante pa dapat na laman to at hindi puro pang jujudge sa ibang tao. Kaso wala akong maisip na sabihin maliban sa

vagina

Monday, April 15, 2013

Pumunta akong Greenhills kahapon at dalawang beses akong napagalitan ng ale sa isang stall kasi tinataas ko yung mga braso ng mga mannequin nila. E nakakatawa kaya tignan. Tapos naisip ko, pano kaya kung lahat ng mannequin dito, nakataas yung mga braso. Nagshoshopping ka tapos napapalibutan ka ng dosedosenang ganto: http://watermarked.cutcaster.com/cutcaster-photo-800959473-Drawing-doll-with-raised-arms.jpg. Wala lang, natawa ako. Sorry na :|


Sunday, April 14, 2013

#KATHNIEL5evah

Hindi ako proud na shineshare ko to pero nanuod ako ng Must Be ...Love (oo, importante yung ellipsis) kanina sa Youtube at bawing bawi ang kung ano mang pagka-jeje ng pelikula dahil lang sa linyang to: http://youtu.be/i_QkKvY5uP8?t=9m8s. Nakakatawa kaya :| Pero try mo ring panuorin nang buo. Funny naman. Parehong in a good way at in a bad way. O baka mababaw lang ako.

Di nga lang realistic. Bakit mo pipiliin yung best friend mong halos buong buhay mo nang kilala na mukang tibo over sa isang sexy na mistisang nakasalubong mo sa kung saan. Di kaya nangyayari sa totoong buhay yon.


Friday, April 12, 2013

Sampung bagay (ang pagpapatuloy)

Dahil hindi ko to natapos: http://paulinefernandez.blogspot.com/2012/07/sampung-bagay.html, dadagdagan ko pa ng tatlo para lang sampu talaga. Hindi ako pinalaki ng magulang ko para lang maging sinungaling.

Nung bata ako (pre-school hanggang simula ng grade school) nagbebenta ako ng mga bracelet, sticker, at mga drawing ng digimon. Meron ako noong libro na may step by step na illustrations sa kung paano sila i-drowing. Pero tinetrace ko lang naman lagi. Naalala ko pang may mga tinatawagan ako sa landline para lang ibenta nang tig 10 pesos yung mga sobrang panget kong drowing na nasa grade 1 pad paper. Hindi ko alam kung mas nakakainis yung ideya na ginagawa ko to noon, o na meron talagang bumibili.

Ewan ko kung hobby talaga to, pero hobby kong magassemble ng, ayon sa lalagyan, mga "Woodcraft Construction Kit." Meron sa National tapos 60 pesos lang isa. Masaya, promise. Gusto ko nga rin bumili nung mga model airplane at boat kaso mahal. Ehem parinig ehem.

Lagi akong naiiyak tuwing napapanood ko yung simulang part ng Up. At kakapanood ko lang bago ko sinulat to para lang icheck kung lagi ba talaga. At oo, tama ang pagkakagamit ko ng salitang lagi. omg





Saturday, April 6, 2013

SEPTEMBER BABY
Active and dynamic. Decisive and haste but tends to regret. Attractive and affectionate to oneself. Strong mentality. Loves attention. Diplomatic. Consoling, friendly and solves people's problems. Brave and fearless. Adventurous. Loving and caring. Suave and generous. Usually you have many friends. Enjoys to make love. Emotional. Stubborn. Hasty. Good memory. Moving, motivates oneself and others. Loves to travel and explore. Sometimes sexy in a way that only their lover can understand. 

Nakita ko to sa facebook at nakakatawa lang kung gaano kalayo halos lahat nito sa'kin. Maliban na lang siguro sa Sometimes sexy in a way that only their lover can understand. Spot on yon.
Love you, baby.

Tsaka ginawa kong pink to dahil natural na girly talaga ako at di ko na kayang itago. My lover understands.

Tuesday, April 2, 2013

Ang sakit ng likod ko #sharing

Basahin ang unang sentence ng post bago nito para may prelude. 

Ede natapos nga magtorrent yung episode. Tapos medyo tinapos ko na lahat ng kailangan kong aralin at ginawang reward ang pagpapanuod. Kaso nga lang, nung nasa huling sampung minuto na, biglang nagloko yung kopya. Masasabi kong hindi para sa tenga ng bata ang sunod na limang minutong pagsigaw at pagmura sa laptop ko, at pagsumpa sa pagkatao nung nag-upload.

Nung huminahon na ko at na-reassemble na yung ref, naisip ko na baka sinadya to ng universe. Dahil sa labis na pagka-ayaw kong matapos yung palabas, ede hindi ko nga natapos. Sana nga sinadya ko e, para lang poetic yung dating. 

Monday, April 1, 2013

Fish fingers and custard :(((((

Ilang minuto na lang at matatapas na yung torrent ko ng huling episode ng The Walking Dead para sa season na to. At.. at.. at.. omg sabi ko kanina di ako iiyak habang sinusulat ko to pero... Nakaka- ewan ko ba. Parang may bumubukang void sa pagkatao ko na mapupuno lang siguro ng drugs at sex at violence at pagsuporta kay Tito Sotto. Buti na lang talaga kakasimula lang ulit ng Doctor Who kundi di ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko.

Siguro nangyari na rin to sa 'yo, maliban na lang kung ikaw yung tipong tao na sobrang weird at may social life o kaya mahilig gawing productive ang araw nila. Pssh, dorks. Pero tuwing nakakatapos ako ng isang series o kaya kahit isang season man lang, parang ang dami kong nararamdamang emosyon na ayaw kumalma. Pinag-invest nila ko ng oras at hard drive space at feelings tapos bigla na lang matatapos?  I just... I just can't. Y'know?

Di ko mabitawan yung mga pinagdaanan nung mga tauhan, na para bang nandun talaga ako kasama nila. Minsan iniisip ko, ano na kaya ginagawa nila ngayon, na para bang totoo silang tao. Nagkatuluyan kaya yung bidang babae at lalaki na naghalikan sa huling episode? Nanatili kayang tahimik at mapaya ang buong daigdig? (Well, daigdig nila.)  Nalaman na kaya ng best friend nung bida na hindi talaga siya nagpakamatay? (Ehehe Sherlock :((( 

Weh, OA ko. Kailangan ko atang lumabas ng bahay nang mas madalas.

Sunday, March 31, 2013

Harry Styles, you sexy beast

Akala ko pa naman nakatakas na ko mula sa grasp mo. Akala ko tinapos ko na to nung sem break. Pero mukang nagsisinungaling lang pala ko sa sarili ko. Alam ko namang hindi mo ko kailan man mamahalin pabalik, pero nandito lang ako sa harap ng laptop ko't inaabuso ang google images at youtube.

Ehehe creepy lang.

Anyway, punta ka sa soundcloud kooo soundcloud.com/paulinefernandez. Kung ano mang amount ng passion ang meron ako para sa gwapong lecheng brit na yon, ganun din ang ibubuhos ko sa pagpapatakbo ng site na yan. Sana. Kahit na sobrang panget pala ng laman, iplay mo pa rin para lang sa self-esteem ko.

Friday, March 29, 2013

Life, future, happiness, shit like that

Buong buhay ko, pinaniwla ako na simple lang naman talaga ang buhay. Dapat mag-aral ng mabuti at makakuha ng matataas na grades, at pasayahin ang mga magulang at isipin nila na ang achievements mo ay achievements din nila kahit na hindi naman talaga. Tapos tatapusin ang college nang apat na taon sa course na in demand at "may kwenta." Tapos maghahanap ng trabahong hindi ko naman talaga gusto pero mataas ang bayad, dahil hindi ko nga naman mapapakain sarili ko gamit ng dreams at self-fulfillment. Tapos mag-aasawa ng respectable-looking na doctor o abugado o engineer, na mamahalin ako, at magkakaroon kami ng mababait at magagalang na mga bata na laging nagmamano at nagpopo. Tapos sabay sabay kami lagi tuwing kakain ng hapunan at magmimisa every Sunday. Tapos hanggang magkaron na ng sariling mga trabaho mga anak ko, wala akong ibang iintindihin kundi ang mga bills at mga utang na kailangang bayaran. Tapos pagka wala nang kailangan bayaran, magreretire na ko dahil ang isang trabaho ay para sa pera lamang at hindi na hihigit pa don. Tapos magkasama kaming tatanda ng asawa ko at magkukunwaring mahal pa rin namin ang isa't isa hanggang kunin na kami ni Lord na labis kong pinaniniwalaan na totoo. At kung lumihis ako sa ganitong buhay, parang may mali na agad.

Kaso nga lang, dahil masyado akong cool, parang di ko pala masyadong trip yang ganyan. Ang importante lang naman talaga ay maging masaya, diba. Paano kung hindi ako pinapasaya ng buhay na pinapatakbo lang ng pera at feelings at jesus. At kung anong importante sa'kin ay hindi yon ang importante sa ibang tao at pinipilit nilang tama sila at wala nang ibang inisip kundi kung ano ang practical at nag-aalala sa future na mga anak kong hindi pa nga buhay at hindi ako sigurado kung mabubuhay man. Ehehe pakyu. Biro lang hihi.

Shet, handang handa na kong kainin nang buhay ng real world. Pero ayos lang kasi ginusto ko naman yon.

Friday, March 22, 2013

Warning: mej kadiri

Sa kalagitnaan ng isang klase kanina, bigla akong nahaching. May naramdaman akong lumabas maliban sa uhog kaya pumunta kagad akong banyo para icheck. At pula. Kulay pula ang aking nakita. Di na naawa ang universe sa puti kong shorts. Dahil sa pagmamadali kong bumili ng stuff, na unfortunately ay di binebenta in lavender flavor sa UP, at paghahanap ng banyo na walang pila, pawis na pawis akong nakabalik sa klase. Tapos napabahing na naman ako. Yung tipong bahing na may kasama pang laway at luha at kung ano pa mang ayaw ko nang alamin kung ano. Hindi ko inakala na posible palang lumabas ang ganun kadaming likido nang sabay sabay mula sa iisang tao.

WALA LANG FEEL KO LANG IKWENTO.

Wednesday, March 20, 2013

Nagandahan ako e

Parte ng Happy Endings ni Margaret Atwood

Mary falls in love with John but John doesn't fall in love with Mary. He merely uses her body for selfish pleasure and ego gratification of a tepid kind. He comes to her apartment twice a week and she cooks him dinner, you'll notice that he doesn't even consider her worth the price of a dinner out, and after he's eaten dinner he fucks her and after that he falls asleep, while she does the dishes so he won't think she's untidy, having all those dirty dishes lying around, and puts on fresh lipstick so she'll look good when he wakes up, but when he wakes up he doesn't even notice, he puts on his socks and his shorts and his pants and his shirt and his tie and his shoes, the reverse order from the one in which he took them off. He doesn't take off Mary's clothes, she takes them off herself, she acts as if she's dying for it every time, not because she likes sex exactly, she doesn't, but she wants John to think she does because if they do it often enough surely he'll get used to her, he'll come to depend on her and they will get married, but John goes out the door with hardly so much as a good-night and three days later he turns up at six o'clock and they do the whole thing over again.

Mary gets run-down. Crying is bad for your face, everyone knows that and so does Mary but she can't stop. People at work notice. Her friends tell her John is a rat, a pig, a dog, he isn't good enough for her, but she can't believe it. Inside John, she thinks, is another John, who is much nicer. This other John will emerge like a butterfly from a cocoon, a Jack from a box, a pit from a prune, if the first John is only squeezed enough.

One evening John complains about the food. He has never complained about her food before. Mary is hurt.

Her friends tell her they've seen him in a restaurant with another woman, whose name is Madge. It's not even Madge that finally gets to Mary: it's the restaurant. John has never taken Mary to a restaurant. Mary collects all the sleeping pills and aspirins she can find, and takes them and a half a bottle of sherry. You can see what kind of a woman she is by the fact that it's not even whiskey. She leaves a note for John. She hopes he'll discover her and get her to the hospital in time and repent and then they can get married, but this fails to happen and she dies.

Tuesday, March 19, 2013

Ilang linggo na lang

Anong tulog tulog? Kastress, leche. Bakit pa kasi nauso tong formal education na to. Di ba pwedeng pumasok tayo tapos aralin lang kung anong gusto nating aralin. Walang mga homework at exams at deadlines at grades at mga gurong di naman marunong magturo. Tapos magbabasa at magsusulat at makikinig at magrerecite at magpupuyat ka hindi dahil kailangan. Tapos lahat tayo'y mabubuhay ng masaya. Malamang magiging mahirap tayo at mawawalan ng kaayusan, pero basta, masaya.



Monday, March 18, 2013

Feelings, ang daming feelings

Dear groupmate, may pagkakataon tayong pag-aralan ang kahit ano tungkol sa pop culture tapos pumili ka ng sobrang panget na soap opera. Pumayag ako kasi nagtrust ako sa yo na disente kahit papano tong Temptation of Wife na to. Pero hindi. Tangina, hindi. Sayang sa buhay at panahon at kuryente at effort at brain cells ang pagpanood ng parehong Filipion at Korean versions nito. Hindi ako sigurado kung ilang beses ako napamura at naapa face palm habang pinapanood to dahil sa overwhelming na kabobohan ng palabas na to na hindi ko talaga kayang icontain. Ilang oras din akong dirediretsong nakasimangot dahil hanggang episode 16 ang naka assign sa akin. Palagay ko nabaog at nagka cancer at na ko sa sobrang pagka badtrip.

Tapos iaanalyze pa natin ang kulturang Pilipino at shiz na makikita sa palabas na to samantalang tungkol lang sa asawang nagkaka affair to at walang masyadong makikitang distinct na kung ano man tungkol sa pagkaPilipino. Tapos hindi pa umuusad yung kwento. Bawat episode, magpapaawa effect lang si Marian Rivera tapos magsesex yung asawa at kabit. At sa 16 na episodes na napanuod ko, halos yun lang talaga ang nangyari. Yung character pa ni Marian, aping aping aping api tapos magsosorry lang siya at iiyak. At iiyak nang iiyak nang iiyak. Naooffend ako hindi lang bilang babae, kundi bilang tao, sa kahinaan ng character na to. Hahanapin ko ang mga nagsulat at ang director ng palabas na to at magmamakaawa na wag na silang gumawa nang kahit anong palabas ever dahil kawawa naman ang sambayanang Pilipino. 

Wednesday, February 27, 2013

Weh, feeling. Di ikaw yan

Gusto ko lang sabihin na ginagawa ko to imbis na gawin ang homework na due nung isang araw pa. Dahil pinupush ko yung tema ng love, ang post na to ay para sa mga crush ko sa UP. Mga aktwal na "codename" ang gagamitin ko (kung maitatawag pa rin mang codename ang mga to). Sobrang creative lang kasi e. Tsaka sa mga mambabasa, wag niyo ko ijudge please. Normal naman ata akong tao. If anything, pwede kayong maawa.

Mech engg crush, ang gwapo mo talaga, pwede bang mamatay ka na. Ikaw kasi yung tipong gwapo na alam kong di ko ever marereach. Kaya please lang, mamatay ka na. Thanks.

Psychsoc crush naweweirdohan ako dati sa mga tv show na yung bida ay may gusto sa isang taong di man lang alam na nageexist siya. As in literal na hindi niya alam talaga na buhay siya. Pero posible pala yon sa totoong buhay! Unless napapansin mong inaagahan ko lagi ang pagdating sa bio room kasi magkasunod tayo ng klase. Pero hindi siguro. Shet ang creepy pakinggan nun. Tsaka bakit ko alam na psychsoc ka kahit na never pa kitang nakikita sa tambayan ng org na yon at na kakashift mo lang ngayong taon sa psych? Dahil malungkot akong tao.

RA crush, sa dalawang beses na nagtanong ako sa CAL kung pano magshift, ikaw ata yung nakausap ko sa parehong pagkakataon. Shet, destiny. Sa totoo lang, hindi ko na maalala itsura mo. Ang naaalala ko lang ay di ako makapagtanong ng maayos kasi pinipilit kong hindi ngumiti sa kilig. Buti na lang may glass na nagseseparate sa ating dalawa kundi baka kung ano nang nangyari sa kin.

Lalaking pangit ang buhok, ang pangit ng buhok mo. Tsaka pwede ba na tuwing magkasama kayo ng girlpren mo, mag-usap kayo at hindi lang mag PDA. Naffeel ko na ang hindi pagtagal ng relationship na yan. Pero gwapo ka pa rin. Maliban sa buhok mo.

FA crush, balang araw, magbbreak din kayo ng sexy mong girlie. At pagnangyari yon... sayang, feeling ko bagay kayo e. Uggh gusto ko siyang i-hate kaso muka siyang disenteng tao. Nakasalubong ko nga siya minsan at di ko maisip kung bakit ang familiar ng muka niya kaya muntikan na kong mag Hi. Buti na lang naisip ko agad na kilala ko siya dahil sa pag stalk ko sa kanya sa facebook. Di ako obsessed, promise. Omg I hate my life. Tsaka ikaw lang sa listahan na to ang nandito hindi dahil nakasalubong kita somewhere at nagwapuhan ako sa 'yo, so congratulations! Kasi nga dahil sa bago kong paboritong salita: substance.

Tuesday, February 26, 2013

Flirting 101

Akala mo siguro gawa gawa ko lang mga laman ng blog na to. Hindi noh. Aral lahat to. Nagresearch ako at ang mga sumusunod ang lumabas na mga paraan para How to flirt without it seeming like you're flirting. Oo nga e, ngayon ko lang din nalaman na may ganon. Mga pinagkakaabalahan talaga ng mga tao.

Lock eyes for several seconds, then, look away
Smile and act happy 
Mimic the other person's body language
Show off your neck

Hindi, joke lang, shit lahat 'yan. I-imagine mo, may taong sobrang laki ng ngiti na tinititigan ka lang habang nakatingala at ineextend ang leeg, at ginagaya lahat ng galaw mo. Weird kaya 'yon.

Kung ako lang ang masusunod, simpleng "sex tayo" lang ang kailangang sabihin, tapos ok na. Kaso masyado pang closed minded ang lipunan at marahil ay gagana lang 'to pag nasa sa liblib na alley ka at well into the night na.

Tayo'y mga hayop lang. Walang magtatangkang hukayin ang substance mo kung wala yung initial na primal attraction bilang panghatak. Pero skin lang ang katapat niyan. Balat here, balat there, tamang klaseng cleavage sa tamang lugar, at ayos na ang lahat.

Yayaing magmisa at hintayin ang Ama Namin. Pero huwag masyadong ipahalatang kinikilig dahil nasa loob ka ng simbahan. Kung magkaron man ng sparks, ibig-sabihin nun tinadhana yan ng Diyos. Tapos amuyin mo kamay mo. Yung amoy ng pinaghalong pawis niyo, 'yan ang magiging amoy ng anak niyo.

Magpaka hard to get ka kahit na sa totoo lang ay easy to get talaga. May fine line sa pagitan ng pagiging malandi at desperado. Class naman ng konti. Maliban na lang siguro kung magkasing desperado lang kayo ng linalandi mo, then by all means, go lang.

Sabi nila "be yourself," pero honestly, tignan mo naman kung anong nariting mo by "being yourself."


Sunday, February 17, 2013

Ngayon lang nagsimula ang buwan para sa 'kin

Dahil February ngayon, tungkol sa pag-ibig at mga emosyon na parang pag-ibig ang nais kong pag-usapan.

Narinig kong iperform 'to: http://allanjosephbatac.com/blog/2006/04/ang-gusto-kong-love-d.html dati sa UP at mej magiging inspirasyon para sa mga susunod na stuff. Gusto ko lang iexplain kung san nanggaling para lang hindi ako mukang kadiring romantic na emo na ewan. Art to, ok, ART. Pero hindi siya patula kasi ang effort naman nun masyado.


Ang gusto kong love ay yung... 

may mukha. Labo. Anyway.

sasamahan akong mag-rock out na para bang wala nang bukas. Lalo na kung kanta ng hommie kong si Kanye ang pinapatugtog. Break it down, yo.

sasamahan akong manuod ng mga pelikula sa FI, hindi lang dahil dapat nating suportahan ang pelikulang pinoy (or something like that) kundi dahil din wala sa budget ang lumabas pa ng UP. Maging mahirap tayo at kumain sa CASAA together <3

hindi ako lalandiin, kundi kakausapin. Kikilalanin ang bawat aspeto ng pagkatao ko, at hindi ang hugis ng aking balat.

papatawanin ako. At papatawanin ko rin siya. At tatawa kami nang tatawa nang tatawa. At ayos na kahit yun lang ang gawin namin. (parang baliw lang e. Pero whatevs)

Shet ang hirap mag-isip. Kaya ko to.

hindi nagbibigay ng bulaklak o tsokolate, o nagbubukas ng pinto, o pinipilit na manlibre, o nagsasabi ng kung ano mang cliche na mga bagay. Chivalry my ass. 'Di na uso 'yon. I'm a strong independent woman :)) Ang ma-emasculate, panget.

Pwede na nga yan. Peace out.

Friday, February 15, 2013

Ang pag-ibig ay liwanag, ang liwanag ay pag-ibig

Dahil UP Fair ngayon, naging nostalgic ako at hinanap yung mga OPM na banda na pinapakinggan ko dati. At na realize kong sobrang bading ng itunes ko ngayon kumpara dito. Bakit ba kasi hindi na uso yung gantong tunog.











Shet feeling ko sobrang weird kong bata noon

Thursday, February 14, 2013

Sa inyo na 'yang lecheng sphere na 'yan

OOOOOMG unang post ko pala to para sa February. At 14th na. Omg. Ano nangyari? Hindi ko maisip kung sa wakas naka-experience na rin ako ng tamang klase ng busy o kung tumungtong lang ako sa kakaibang level ng pag sayang ng oras na kahit blog ko hindi ko masulatan. Either way, dis shit cray. Wow nag rhyme.

At dahil araw ng mga puso ngayon... wala lang. Kausap ko laptop ko at ayos lang sa akin 'yon. Ayos lang talaga. Promise, oks lang nga. Omg wait nga may liquid na lumalabas mula sa mga mata ko at ayaw tumigil. Choz. Minsan kasi pag sinisipon ako, pati mata ko linalabasan ng uhogz.

Eto yung sphere ng pagmamahal. Imagine-in mo na yung sphere na 'yon ay nasa mga kamay ko. Iniikot ikot ko ang sphere. Dinidribble ko. Hinihimas himas ko. Hinahagis ko pataas. At sasaluhin ko. Yung sphere a, nakikita mo pa yung sphere. Tapos yung sphere na 'to, yung sphere ng pagmamahal, ipapasa ko sa 'yo. Na ipapasa mo sa ibang tao. Magpapasahan kayong dalawa. At kayong dalawa lamang. Hanggang mamatay kayong mga puta kayo, ipapasa niyo lang sa isa't isa ang sphere na ito. Omg


Thursday, January 31, 2013

Pagbigkas

"Maaari ba akong tumuloy?"

"Bukas na."



hurhurhur get it? get it? :|
Ano nga ba ang basehan ng pagiging totoo? Ng pagiging tama? Saan ko mababasa 'yon? omg ano ba pinagsasasabi ko ayoko na mag-aral

Wednesday, January 30, 2013

Masaya ako

Naalala ko lang kasi yung sobrang disturbing na kutis diyosa commercial. Anyway, balik na sa mga masasayang bagay. Dahil mas okey kung mas masaya. Kung mas masaya, mas okey. Kailangan laging masaya at vibrant at lively at masaya. Bawal yung tatamlay tamlay, yung naka simangot, yung galit, yung malungkot, yung tahimik. Dapat masaya. Mas okey para sa'yo, mas okey para sa ibang tao. Sana lahat masaya lagi. Sana laging masaya ang lahat. Mas okey pag masaya. Ako ay masaya. Ikaw ba?

Uggh, daming emotions. Mainly, kasiyahan.

Tuesday, January 29, 2013

Ponds, Dove, Belo, atbp, maganda na ba ako ngayon?

feat. The Armory and rice cooker


Ang nais ko lang naman talaga sa buhay ay maging kakulay si Anne Curtis. Yun lang talaga. At lahat ng problema ko'y mawawala na. Ayan o, kitang kita naman sa mga mata ko ang saya.

Tsaka dahil humingi ng vain picture yung pinagbilihan ko ng t-shirt. Pwede na 'tong ad campaign. Fo realz. Kahit ano siguro mapapabili ka basta ineendorse ng mukhang yan. Malamang dahil sa awa, pero pwede na rin.

Tuesday, January 22, 2013

Mga bagay na kasalukuyang nagpapasaya sa 'kin

Liniteral ko yung huling post e

1. Unti-unti ko nang naisasama sa pananalita ko ang "omg."

2. Yung org ko. Oo, akin yung org. Pero hindi yung mga tao o yung laro, kundi yung konsepto ng "organization". Biro lang, syempre dahil dun sa dalawang nauna kong sinabi. Pinalabo ko lang. Move on na.

3. Sa iba kong kaibigan, fuck you, di ko naman kayo nakikita e. O baka ako yung hindi nagpapakita :(  omg. Pero may sarili pa rin kayong number yeeee kiligz

4. Ang sarap ng weather. Lalo na tuwing sobrang lamig at babalutan ko sarili ko ng kumot at mga unan. Para akong yinayakap pero hindi talaga. Na mas okey kasi ayoko rin naman talaga nang yinayakap ako ng ibang tao. Pero yung warmth, I feel the warmth. The warmth is all I need.

5. Mga klase ko. Ang galing kasi talaga ng mga prof ko. O karamihan sa kanila, anyway. Ang sarap pala makinig pag rinerespeto mo yung nagsasalita. Di tulad pag nagmimisa. Joke lang. <3 u God

6. May napanuod akong pelikula nung isang araw. Yung isang tauhan, may minamahal siyang baliw at patuloy pa rin niyang minamahal kahit na hindi ito naiintindihan o pinapahalagahan. At ayos lang sa kanya yon. E basta. Echos lang. Tapos isang young bigote-less Christopher de Leon pa yung bida sa nasabing pelikula. Hihihi

7. Wala na akong ginawa buong linggo kundi manuod ng stand-up sa youtube. Ang galing kaya nila mag-isip ng mga joke na parang commentary na rin sa buhay, na gusto kong magawa pero hindi talaga kaya. Basta, pag ako naging comedian... wala e, wala akong punchline. Never talaga matutupad ang pangarap na yon.

8. May ipon na ulit akong pera at sa wakas ay baka magpatattoo na ako. Gusto ko lang talaga maramdaman kung ano feeling nang may needle na paulit ulit na tinutusok balat ko. Parang masaya kaya. Lalasaplasapin ko yung pain. Total, sanay na rin naman akong masaktan. haha joke lang. Tapos pagka nakapagpa tattoo na ko, gagawa naman ako ng isa pang listahan na tungkol sa kung bakit ako sinipa ng magulang ko mula sa bahay namin.


Monday, January 21, 2013

Wow the wonders of nature. So beautiful

It has recently come to my attention na masyado ata akong galit/bitter sa mundo, sa buhay, sa lipunan, sa kung ano pa man. Ngayon, susubukan kong magpost tungkol sa mga masasaya at mabubuting bagay lamang. (Salamat, friend, posibleng single handedly mong sinira ang buong pagkatao ko. Pero oks lang. Ok lang talaga @-) )

Eto o, litrato ng rainbow