Sinusulat ko to mula sa Computer Lab sa AS na sana dati ko pa nadiskubre. Sobrang convenient. Libre pa. Pwede rin magpaprint, tamang tama para sa cramming needs ng isang estudyanteng nakalimutan tapusin ang papel na online naman pala dapat isusubmit.
Kakapanuod ko lang nung isang araw ng Tuhog. Masaya siya panuorin, may kopya ako kung gusto mong hiramin. Hindi siya ganun kaganda para sakin as a whole. May tatlong taong taong na"tuhog" ang buhay sa isa't isa tapos natuhog sila literally ng isang steel pipe. Parang hindi maganda yung pagkakasulat ng pagkakadugtong dugtong ng mga buhay nila. Tapos bibigyan ka pa ng moral sa dulo. Di na kaya art pagka sinabi mo nang direktahan yung leson. Pero mayroong tatlong separate ng kwento para sa bawat character at yun yung magaganda. Paborito ko yung unang storya na tungkol sa matandang kakaretire lang na ang pangarap lang talaga sa buhay ay magbake ng pandesal. Basta cute, swear. Tapos puro matatanda pa yung bida sa part na yon kaya extra cute. Tapos yung isa namang kwento si Enchong Dee ang bida. Alam mo bang sobrang gwapo pala ni Enchong Dee. Tapos wala pa siyang pantaas sa karamihan ng mga eksena at okey naman. Okey naman.
Naalala ko tuloy Bang Bang Alley na may tatlong hiwalay na kwento rin pero as in para silang shorts na pinagsama sama at tinawag na lang na pelikula. Ang mga sumulat ay sina Ely Buendia, Yan Yuzon (yung singer ng Sponge Cola na sobrang laki ng bibig) at King Palisoc. Di tulad nung unang dalawa, hindi ko kilala kung sino si King Palisoc pero hindi nakakagulat na yung sa kanya lang yung maganda. Makina yung title. Kung lumabas man yon somewhere sa the internet, panuorin mo.
Pinanuod ko rin Temptation Island recently. Yung remake. May kopya rin ako nun pero gusto ko nang iitsa sa apoy. Sobrang basura. Akala ko ba classic campy comedy whatever to supposedly. Basta sobrang panget. Hindi ko siya natapos panuorin kasi ganun ka panget. Sana di na sila nakaalis sa islang yon. Tapos si Marian Rivera lang marunong umarte sa kanilang lahat. Siya lang yung tanging bright spot ng buong pelikula. Tapos yung worst part pa ay NANDUN SI LOVI POE. Paking hate Lovi Poe. Kahit siya lang sana naiwan sa isla, okey na.
ayaw kitang tablahin pero Yan Yrastorza Yuzon is the older brother of Sponge Cola guitarist and frontman, Yael Yuzon.
ReplyDeleteTypo lang yan. Archipelago talaga dapat itatype ko. Obviously magkakalapit kasi yung mga letra ng archipelago sa sponge cola
Deletesobrang magkalapit. kamusta ang injury maam?
ReplyDeletepunit pa rin ACL ko, thanks for asking
DeleteOh em. Acl pala. Pinadoktor mo na ba?
ReplyDeletePinadoktor :)) Ooperahan na next week lkajfkljafd
Delete