Ligtas ang hamon
Ngayon ang unang araw ng susunod na anim na buwan. At limang na oras bago ng operasyon, masasabi ko na isang napakalaking pagkakamali ng pagsearch sa Google Images ng 'post acl operation' at 'ligament graft.' Medyo frineak out ko lang sarili ko. Malay ko bang ganun mga lalabas. Tapos nagbasa pa ko tungkol sa kung saan bubutasan at hihiwain at kung anong tatanggalin at paano hahatakin. Muli, wrong decision ata yon. Pano kung magkamali sila at wala na kong tuhod pagkatapos. As in hita tapos binti na agad. Paano ko yun ieexplain sa mga tao. Inadd din nga pala ako ng doktor ko sa facebook. Habang kinakalikot niya yung tuhod ko, montage lang ng selfies niya ang magiging laman ng utak ko. Tapos lagpas 12 na at online pa rin siya at ang sarap imessage na matulog na siya kasi may trabaho pa siya sa umaga. Nagchat pa kami at nagshare ng secrets. Jk nagtanong ako tungkol sa operasyon at sobrang dami kong tinanong at feeling ko dapat ko siyang bayaran para don. Tapos gising daw ako habang ginagawa pero wala akong mararamdaman from the waste down at minsan nararamdaman daw hanggang dibdib. Medyo nakakatakot daw pero ang di nila alam ay sanay na ko sa pagiging manhid. Pwede ko rin daw panuorin yung nakukuhanan ng camera na ipapasok sa loob ng leg ko. Parang torture shet. Nasa loob sila ng katawan at away from sight, panatiliin na lang nating ganun. May bakal na ko sa loob ng katawan ko pagkatapos. Para na kong si Wolverine except sobrang hindi. Ok, walang napatunguhan yung huling sentence na yon. Medyo kinakabahan ako pero pinasaya namam ako nung babaeng sumisigaw kanina ng "Meron ka pa ngang hamon! Nasa ref ang hamon!" Kailangan mo nga namang magbigay respeto sa kahit sinong may ganung klaseng passion para sa whereabouts ng hamon niya.
Sa mga nagtataka, ito pala yung injury ko: http://www.grantland.com/story/_/id/10072331/derrick-rose-rob-gronkowski-rise-acl-tears. Medyo gago nga lang yung article. Lakas manakot.
But here is the thing about ACL tears: They're not just another injury. They are the Godzilla of injuries. They are painful beyond tolerance, they take eons to rehab, and they always leave a lingering doubt in the athlete's mind that he will ever be whole again. An ACL tear tests one's mettle. An ACL tear goes to the very heart of resilience and mental toughness. An ACL tear is the standard against which the athlete himself measures his determination. An ACL tear is the absolute limit.
OA naman, parang wala namang ganyang naganap/nagaganap. Oo gumulong gulong ako sa ground at umiyak nang mga isang oras nung nangyari pero acting lang talaga lahat yon. Kung naghahanap ka ng pussy, sorry pero wala kang makikita dito. I mean, figuratively. At habang nandiyan pa sa imagery na yan, Merry Christmas!
No comments:
Post a Comment