Thursday, January 31, 2013

Pagbigkas

"Maaari ba akong tumuloy?"

"Bukas na."



hurhurhur get it? get it? :|
Ano nga ba ang basehan ng pagiging totoo? Ng pagiging tama? Saan ko mababasa 'yon? omg ano ba pinagsasasabi ko ayoko na mag-aral

Wednesday, January 30, 2013

Masaya ako

Naalala ko lang kasi yung sobrang disturbing na kutis diyosa commercial. Anyway, balik na sa mga masasayang bagay. Dahil mas okey kung mas masaya. Kung mas masaya, mas okey. Kailangan laging masaya at vibrant at lively at masaya. Bawal yung tatamlay tamlay, yung naka simangot, yung galit, yung malungkot, yung tahimik. Dapat masaya. Mas okey para sa'yo, mas okey para sa ibang tao. Sana lahat masaya lagi. Sana laging masaya ang lahat. Mas okey pag masaya. Ako ay masaya. Ikaw ba?

Uggh, daming emotions. Mainly, kasiyahan.

Tuesday, January 29, 2013

Ponds, Dove, Belo, atbp, maganda na ba ako ngayon?

feat. The Armory and rice cooker


Ang nais ko lang naman talaga sa buhay ay maging kakulay si Anne Curtis. Yun lang talaga. At lahat ng problema ko'y mawawala na. Ayan o, kitang kita naman sa mga mata ko ang saya.

Tsaka dahil humingi ng vain picture yung pinagbilihan ko ng t-shirt. Pwede na 'tong ad campaign. Fo realz. Kahit ano siguro mapapabili ka basta ineendorse ng mukhang yan. Malamang dahil sa awa, pero pwede na rin.

Tuesday, January 22, 2013

Mga bagay na kasalukuyang nagpapasaya sa 'kin

Liniteral ko yung huling post e

1. Unti-unti ko nang naisasama sa pananalita ko ang "omg."

2. Yung org ko. Oo, akin yung org. Pero hindi yung mga tao o yung laro, kundi yung konsepto ng "organization". Biro lang, syempre dahil dun sa dalawang nauna kong sinabi. Pinalabo ko lang. Move on na.

3. Sa iba kong kaibigan, fuck you, di ko naman kayo nakikita e. O baka ako yung hindi nagpapakita :(  omg. Pero may sarili pa rin kayong number yeeee kiligz

4. Ang sarap ng weather. Lalo na tuwing sobrang lamig at babalutan ko sarili ko ng kumot at mga unan. Para akong yinayakap pero hindi talaga. Na mas okey kasi ayoko rin naman talaga nang yinayakap ako ng ibang tao. Pero yung warmth, I feel the warmth. The warmth is all I need.

5. Mga klase ko. Ang galing kasi talaga ng mga prof ko. O karamihan sa kanila, anyway. Ang sarap pala makinig pag rinerespeto mo yung nagsasalita. Di tulad pag nagmimisa. Joke lang. <3 u God

6. May napanuod akong pelikula nung isang araw. Yung isang tauhan, may minamahal siyang baliw at patuloy pa rin niyang minamahal kahit na hindi ito naiintindihan o pinapahalagahan. At ayos lang sa kanya yon. E basta. Echos lang. Tapos isang young bigote-less Christopher de Leon pa yung bida sa nasabing pelikula. Hihihi

7. Wala na akong ginawa buong linggo kundi manuod ng stand-up sa youtube. Ang galing kaya nila mag-isip ng mga joke na parang commentary na rin sa buhay, na gusto kong magawa pero hindi talaga kaya. Basta, pag ako naging comedian... wala e, wala akong punchline. Never talaga matutupad ang pangarap na yon.

8. May ipon na ulit akong pera at sa wakas ay baka magpatattoo na ako. Gusto ko lang talaga maramdaman kung ano feeling nang may needle na paulit ulit na tinutusok balat ko. Parang masaya kaya. Lalasaplasapin ko yung pain. Total, sanay na rin naman akong masaktan. haha joke lang. Tapos pagka nakapagpa tattoo na ko, gagawa naman ako ng isa pang listahan na tungkol sa kung bakit ako sinipa ng magulang ko mula sa bahay namin.


Monday, January 21, 2013

Wow the wonders of nature. So beautiful

It has recently come to my attention na masyado ata akong galit/bitter sa mundo, sa buhay, sa lipunan, sa kung ano pa man. Ngayon, susubukan kong magpost tungkol sa mga masasaya at mabubuting bagay lamang. (Salamat, friend, posibleng single handedly mong sinira ang buong pagkatao ko. Pero oks lang. Ok lang talaga @-) )

Eto o, litrato ng rainbow


Sunday, January 20, 2013

Tungkol sa pagtae, pag-ibig at iba pang hindi kaaya-ayang bagay

Kahit na gaano katagal ka pa maghintay, o gaano kalakas pilitin, walang mangyayari kung hindi pa talaga tama ang panahon. At pagka sa wakas dumating na, magugulat ka na lang sa mga kaya mo palang maramdaman at kung saan mo sila mararamdaman.

Friday, January 11, 2013

Sinta, tayo'y lumisan na

May nakasalubong ako kanina. Itago na lang natin siya sa pangalan na tanginabakitanggwapomo. Palagay ko kasi, ang relationship namin ay umabot na sa estado kung saan pwede akong mag-hi sa kanya pero hindi makipag-usap. At sapat na para sakin yon. Nung nagpasya ang tadhana na parehong sa AS ang klase namin noong Huwebes, 10:00 am, naramdaman ko yung connection. Dahil ano ba kasi yung chance na meron ding may klase sa AS nang 10:00 am sa isang Huwebes. Pinag-isipan ko kung anong klaseng ngiti ang gagawin ko na dapat may tamang timpla ng lubhang pagkagustong pansinin niya ang pagiging tao ko, at ang lubhang pagka ayaw na mahalata niya na hirap na hirap akong magmaintain ng composure. Pero imbis na gawin yon, tinitigan ko na lang yung bananaque na kinakain ko na para bang iyong bananaque na yon ang pinaka masarap, hinog, at inosenteng bananaque na buong paninindigan kong pinasok sa bibig ko. At kung bakit bigla akong nagshift mula sa confident sexual being that I am, at naging "normal" na ako na sa katunayan ay isang front lang para matakpan ang overwhelming enthusiasm at charisma ko, hindi ko alam.

Pero kung may alam man ako, masasabi kong ako'y isang babae lamang, na may mga pambabaeng parte, mga pambabaeng hinaing, mga pambabaeng pangangailangan. At ang kailangan ko'y ikaw. Haha chos. Biro lang, wala talaga akong pake sa pagkatao mo, kahit mukha mo lang pala, oks na. Isa ka lang bagay para sakin, at hindi na hihigit pa don. Ang puso ko'y pagmamayari na ng iba. At bago sumikat ang araw, kami'y magtatanan na, lalakbay at maghahanap ng kahit anong makakapitan at matatawag na amin, at marahil ay mamumuhay nang kailan ma'y hindi magugutom, ngunit hindi rin mabubusog.

Ok anyare sa dulo. Na feel ko masyado yung imaginary relationship.

Thursday, January 10, 2013

Instagram dat shit

Dahil wala akong magawa at hindi lang naman siguro ako ang napapangitan sa mga paa. Isa sa mga pinaka pangit na parte ng katawan ng tao ay ang paa. Isa yong fact. Igoogle mo pa. Kung pwede lang, puputulin ko yung akin kaso kailangan ko sila para damputin yung mga bagay sa sahig pag tinatamad akong yumuko. At para makalakad.


Medyo ambiguous yung litratong to kasi yung expression sa mukha ko ay kinacounter ng pag lean ko sa kamay ko, na sa wika ng katawan (get it? body language) kadalasan ay nagdedenote ng boredom o antok. Na siguro ay nararamdaman mo na ngayon kasi napaka interesting nung sinabi ko. Art kasi e, you know, it gets me going. Kung ano man ang gusto kong ipahiwatig, ewan nating lahat.  

Tuesday, January 8, 2013

Bagong buhay

Nung grade 6 ako, sinabi ng adviser ko sa magulang ko na ang weird ko raw kasi mag-isa ako lagi pag pumupuntang banyo at hindi nagpapasama sa mga kaklase kong kapwa babae. Unang una, ano bang alam nung lesbyanang yon. JOKE LANG

Echos lang talaga yung huling post e. Gagawa pa rin ako ng New Year's Resolutions. Masaya kasi gumawa ng mga listahan. (Etong sayo para magkaron ka ng isang buong account na devoted lang sa paggawa ng listahan. Dahil kailangan yun sa buhay. http://listography.com/ )

Dahil malapit na matapos ang teenage years ko, magiging proper teenage girl na ako. Gagamit na ako ng mga acronym tulad ng omg, lol, ikr, at iba pa. Pero ang pinaka may priority ay yung omg. Parang pwede mo kasing gamitin para sa kahit anong sitwasyon e. Na may kasamang conyo na accent, syempre.

OMG, look at that pulibi over there, so kadiri.
OMG, daddy made bili na finally the extra iPhone 5 for my dog.
OMG, yaya isn't here kasi she got sagasa or something, but I'm gutom already.

Wala akong pake kung gano kaiksi buhok ko, pero magchcharming hair flipping action na ako parati. Ippaint ko na rin nails ko para lang mahipan ko ng maarte yung mga kuko ko. Lagi ko kasing nakikita sa TV yon. Magme make up rin ako at magsusuot ng mga dress. Kasi that's how you get guys e. Tapos manglalandi ako nang manglalandi hanggang I can't landi no more. Iinom rin ako ng sobrang daming alak, at hihithit ng sobrang daming yosi, at sasayaw sa sobrang daming party. Dahil cool yon. At sino bang hindi gugustuhin maging cool. Pagnagawa ko na lahat to, kulang na lang palitan ko yung profile picture ko sa facebook nang sobrang flattering na photo na ilalike ng daan daan kong "friends" at magaganap ang conversation na to:
http://paulinefernandez.blogspot.com/2012/06/isang-tipical-na-paguusap-sa-mga.html



Wednesday, January 2, 2013

Isang katamtamang new year sa ating lahat!

May mga nakita akong nagpost sa facebook nito at ginawa ko rin dahil sino pa ba ang masnakakakilala sakin kundi ang isang 85 item test sa internet.

Warmth|||||||||||||||42%
Intellect|||||||||||||||42%
Emotional Stability|||||||||||||||||||||70%
Aggressiveness||||||18%
Liveliness||||||||||||||||||58%
Dutifulness|||||||||26%
Social Assertiveness|||||||||22%
Sensitivity|||||||||26%
Paranoia|||||||||26%
Abstractness||||||||||||||||||54%
Introversion||||||||||||||||||||||||||||86%
Anxiety|||||||||||||||50%
Openmindedness|||||||||||||||||||||62%
Independence|||||||||||||||||||||66%
Perfectionism|||||||||22%
Tension|||||||||||||||42%
http://similarminds.com/cattell-16-factor.html

Ang dami ko nang nasagutan na mga parang ganto, at minsan, kahit na wala pa kong nababasang tanong, napapakiramdaman ko na kung ano yung magiging resulta. At parepareho lang lagi ang lumalabas. Lahat naman tayo may sariling perception tungkol sa iba't ibang parte ng pagkatao natin kahit na hindi siguro yun din ang nakikita ng ibang tao. Hindi tayo makalaya mula sa kung ano sa tingin natin dapat tayo. Bawat bagong taon, kukuha ako ng personality test at kung makita ko na may nag-iba, tsaka lang ako maniniwala na siguro naman para sa taon na yon, may matutupad na talaga ako sa mga new year's resolution ko.

Anyway, ang OA naman nung Introversion na yan. Siguro dapat sa aktwal na tao ko kinekwento mga laman ng blog na to.

Parang gusto kong hindi na matulog kasi maaga akong aalis mamaya at kung matutulog ako, baka hindi ako magising. Kaso ginugutom ako at ang layo ng kusina kaya baka matulog na lang ako para hindi ko maramdaman yung gutom. O diba, sharing kaya yan. Introvert my ass.