Echos lang talaga yung huling post e. Gagawa pa rin ako ng New Year's Resolutions. Masaya kasi gumawa ng mga listahan. (Etong sayo para magkaron ka ng isang buong account na devoted lang sa paggawa ng listahan. Dahil kailangan yun sa buhay. http://listography.com/ )
Dahil malapit na matapos ang teenage years ko, magiging proper teenage girl na ako. Gagamit na ako ng mga acronym tulad ng omg, lol, ikr, at iba pa. Pero ang pinaka may priority ay yung omg. Parang pwede mo kasing gamitin para sa kahit anong sitwasyon e. Na may kasamang conyo na accent, syempre.
OMG, look at that pulibi over there, so kadiri.
OMG, daddy made bili na finally the extra iPhone 5 for my dog.
OMG, yaya isn't here kasi she got sagasa or something, but I'm gutom already.
Wala akong pake kung gano kaiksi buhok ko, pero magchcharming hair flipping action na ako parati. Ippaint ko na rin nails ko para lang mahipan ko ng maarte yung mga kuko ko. Lagi ko kasing nakikita sa TV yon. Magme make up rin ako at magsusuot ng mga dress. Kasi that's how you get guys e. Tapos manglalandi ako nang manglalandi hanggang I can't landi no more. Iinom rin ako ng sobrang daming alak, at hihithit ng sobrang daming yosi, at sasayaw sa sobrang daming party. Dahil cool yon. At sino bang hindi gugustuhin maging cool. Pagnagawa ko na lahat to, kulang na lang palitan ko yung profile picture ko sa facebook nang sobrang flattering na photo na ilalike ng daan daan kong "friends" at magaganap ang conversation na to:
http://paulinefernandez.blogspot.com/2012/06/isang-tipical-na-paguusap-sa-mga.html
http://paulinefernandez.blogspot.com/2012/06/isang-tipical-na-paguusap-sa-mga.html
No comments:
Post a Comment