Thursday, December 27, 2012
Minsan gusto kong maging lalaki
para lang makasuot ng sleeveless na damit nang hindi kinakailangang magshave. Papahabain ko yung buhok sa pinakamahabang pwede silang tumubo. Susuklayin ko, ibbraid ko, ishshampoo at conditioner ko, ipaparebond ko, papakulayan ko ng iba't ibang kulay. Dahil lang pwede.
Labels:
kadiri,
kili kili,
society,
strong independent woman
Thursday, December 20, 2012
Tula to. I don't expect you to understand my art. omg
Ilang oras na lang at magugunaw na ang mundo. Isa itong bukas na liham para sa lahat ng mahal ko sa buhay.
Wednesday, December 19, 2012
Yan lang kasi laman ng itunes ko
Alam kong iilang araw pa lang ang christmas break, pero kung namimiss mo na ko, ipikit mo lang ang mga mata mo, i-play ang mga kantang to, at magkunwaring magkatabi tayong pinapakinggan. Gusto mo holding hands pa para sweet. O magkaharap na nagyayakapan para awkward.
Saturday, December 15, 2012
Habang nagsasaing
Kahapon, kumain ako sa Pancake House kung saan binati ako ng isang waiter ng "Welcome Home" at rineplyan ko ng "oo nga e." Salmon with brown rice tabbouleh ang inorder ko dahil magandang pakinggan at usong uso ngayon ang pagiging health conscious. Sobrang panget ng lasa ng kinain ko pero gusto ko paring isigaw ang "Alam niyo ba kung ano ang brown rice tabbouleh? Ha? HA? Ako rin hindi pero masasabi kong mas okey akong tao kaysa sa inyo dahil yan ang nasa loob ng bibig ko ngayon."
Binayaran ko na yung bill at paalis na sana nang narinig ko ang pinaka maarteng Oh My God na narinig ko sa buong buhay ko. Nabagsak kasi ata niya ang bago niyang iPhone. Lumingon ako at ikinalungkot na makita ang kulay maroon na lanyard na nakasabit sa leeg niya. Dumating yung parang matigas na booklet na nilalaman yung sukli kong alam kong barya barya lang at hindi ko na sana kukunin. Binuklat ko to, binalang yung barya na saktong 8 pesos at binulsa. Sakto pang jeep.
Labels:
emotions,
pagkain,
rice cooker,
rich kids,
society
Wednesday, December 12, 2012
Warning: this post may contain the word "vagina"
Tumatakbo ako kanina tapos sobrang nasa kakaibang posisyon na yung napkin ko. Sinubukan kong ayusin at magkunwaring nakakaramdam ng pains sa likod ng hita ko kaya nandun banda yung kamay ko. Sobrang awkward pero mission accomplished naman.
Pumunta ako ng grocery pagkatapos nun at nalaman kong meron palang iba't ibang flavors ang mga napkin. Flavors- naimagine ko tuloy na may mga taong bumibili talaga ng mga napkin na yon para dilaan at lasapin yung "flavor." Pero scent lang naman yon at inamoy ko yung green tea at lavender. Muka akong baliw na tumatawa habang may hawak na mga napkin sobrang lapit sa muka ko kasi amoy green tea at lavender nga. Sa mga lalaking hindi nakakaintindi, gusto kasi talaga ng lahat ng babae na mag amoy halaman yung crotch area namin. Obviously. Sobrang normal kasi na may mga lalapit samin para lang amuyin yung parte ng katawan na yon.
Pumila na ko sa cashier at may babaeng bumibili ng sobrang daming bote ng tubig. Nasa 10 pcs or less line ako kaya sobrang hindi makatarungan nung buong pangyayaring yon. Parang gustong lumabas nung inner tibak ko at iprotesta ang kawalan ng kaayusan at disiplina sa lipunan. Nakatayo ako, may bitbit na pack ng napkin sa isang kamay, at mga tsokolate sa kabila, na halatang asar na asar sa nilalang na walang reading comprehension na nasa harap ko- nagmuka tuloy akong stereotypical na babae.
Vagina.
Labels:
anger issues,
kadiri,
period,
society,
strong independent woman,
takbo,
vagina
Tuesday, December 11, 2012
Ayoko na tuloy magshift sa CAL
Nung nag CR ako sa CAL kanina, may naabutan akong babae na nakatayo nang sobrang lapit sa harap nung salamin. (Sa mga hindi nakakaalam, meron lang tig isang salamin na full length ang bawat cr sa cal.) Hindi man lang siya nananalamin. Nakatayo lang siya at nagtetext at paminsan minsan ay ngingiti at pagmamasdan ang sariling repleksyon. Nandun ako, sinusubukang tignan kung ano na ang estado ng pagkababae ko, at may taong mukang tangang inaangkin yung buong salamin na hindi naman talaga niya ginagamit.
Ilalabas ko na sana telepono ko at gagayahin siya para lang baka sakaling marealize niya kung gaano ka nakakairita yung ginagawa niya. O diba, ang daming level ng pagsasalamin. Ang deep.
Ilalabas ko na sana telepono ko at gagayahin siya para lang baka sakaling marealize niya kung gaano ka nakakairita yung ginagawa niya. O diba, ang daming level ng pagsasalamin. Ang deep.
Wednesday, December 5, 2012
L'uomo universale
Isa sa mga paborito kong naging discussion sa buong buhay-estudyante ko ay ang konsepto ng pagiging buo/kumpleto/mas okey na tao. Naka-ukit na sa utak ng nakararami ang "tamang" paraan ng pagiging babae, kaibigan, higit-sa-kaibigan, anak, o kung ano pa man, ngunit wala naman talagang absolute na pinaghuhugutan- mga gawa-gawang katotohanan lamang.
Ang tagal kong nakatitig lang sa tubig sa shower kanina. Pero sa wakas, nagawa ko ring humakbang patungo sa kaparinggot na espasyo na labis kong kinatatakutan. Sa sandaling yon, na hindi pa tatagal ng isang segundo, ramdam na ramdam ko ang bawat pagkukulang at kadakilaan sa pagkatao ko. At masasabi kong ayos lang ang lahat.
Naligo lang, ang drama na kagad.

Pano kung ayaw magflush
Nakakainis yung pag naschedule mo na yung umaga mo para saktong 8:30 ka makadating sa UP pero masisira lahat yon kasi bigla kang matatae. Life is full of unexpected surprises nga naman.
Grabe, unexpected na nga, surprise pa. Talagang sobrang nakakagulat.
Grabe, unexpected na nga, surprise pa. Talagang sobrang nakakagulat.
Monday, December 3, 2012
Puno nalang yinakap ko
Tumakbo ako kanina ng tatlong acad oval. Alam kong hindi yun deserving ng pagmamayabang pero kumpara sa previous record ko na 0.731821076 rounds, masaya na ko. Gusto kong ilagay in writing kasi baka hindi ko na maigalaw katawan ko paggising ko bukas ng umaga. Tapos nagkunwari nalang ako ko na pagnakumpleto ko yun nang hindi tumitigil bago maubusan ng Katipunan jeep, makikipag break si ano sa girlie niya at tumatakbo talaga ako papunta sa mahigpit na kapit ng kanyang mga bisig. Fahahahafuhuhuhuck :| Pagkalipas siguro ng mga benteng taon at naabot ko na ang level ni super idol buddy, babalik ako sa post na to at sasabihin sa sarili ko na "Naaaalala mo pa ba yung mga panahon na sobrang arte mo at halos sumpain mo na nanay at tatay mo, hindi ka pa nga nakakalagpas ng AS? Onga e, ako rin hindi."
Bwiset
Hindi ako OC at hindi rin ako maalaga sa gamit, pero ang pinaka ayaw ko talaga sa lahat ay yung ginagalaw ang gamit ko. Kahit na wala man tong halaga at hindi ko naman talaga pinapansin, lumipat lang sa kabilang dulo ng lamesa at magwawala na ko. E pano pa kaya kung bigla nalang may nagdisappear na bagay na importante sakin. Yung tipong bagay na hindi na mapapalitan kahit na magkano pang pera ang ibuhos mo sa harap ko.
Kung pwede mang literal na kumulo ang dugo, baka nangyari yon sakin kahapon. Gusto kong manapak, manakal, pumatay... ng ilaw. Para walang makakakita ng mga luha ko... Ok, OA na. Hindi naman ako magtatago ng lantang nalalagas na bulaklak kasi wala lang. Nakakainis. Iiwan ko kwarto ko ng limang araw at pagbalik ko, ang daming gamit na nagiiba yung pwesto o tuluyang nawawala. Ang masaklap pa don, wala ni isang tao ang makakapagsabi na may ginalaw sila. Bale, naglakad yung mga inanimate na bagay na yon mag-isa o kaya mga multo ang may pakana.

Thursday, November 29, 2012
Kailangan ko ng hobby
Kung hindi mag work out ang college, susubukan ko nalang maging telenovela actress. Ang pinaka importante ay ang mga kilay at hand gestures. Nagpractice na ko kanina.
Labels:
drama lang,
education,
muka ko,
photoshop skillzz,
tv
Friday, November 23, 2012
Hindi na si Rebel ang paborito kong tao
Simula nung napanood ko tong interview na to sa TV dati, scinour ko ang internet para lang mapanood ulit. Ang tanging kopya na nakita ko ay nasa youtube/site ng teamcoco pero hindi available videos nila sa Pilipinas... until recently! Gusto ko sanang umiyak sa saya pero bigla kong naalala lahat ng naghihirap sa Pilipinas at nagsimulang umiyak sa lungkot. Buong buo ang paniniwala ko na mapapakasalan ko siya balang araw dahil sabi ng isang online compatibility test, 96% compatible daw kami. So obviously, written in stone na. Sana hindi siya mamatay muna sa Walking Dead kundi ewan ko na kung ano gagawin ko sa buhay ko.
| Legit |
Ok, bigla akong naawa sa sarili ko. Wag niyo ako ijudge base lang dito. Normal naman ata akong tao.
Labels:
bidyo,
Conan,
nice korean people,
pag-ibig,
people,
Rebel Wilson,
tv
Wednesday, November 21, 2012
At dahil dito, lagi na akong magw-warm up
Ede kakapasok ko palang sa field at nung napunta sakin yung bola at tumakbo lang ako ng konti, nawalan kagad ako ng balanse at nadulas pagka touch sakin. Buti nalang talaga nandun yung kanang tuhod ko para saluhin yung matigas at tuyong lupa ng sunken garden. Katabi na ngayon ng bago kong sugat yung peklat mula sa pagkadapa ko last year sa PE na nung fresh pa ay inilarawan ng ilang tao bilang "mukang ketchup."
Pagkatapos ng training, pumunta ako sa clinic kung saan matatagpuan ang isa sa pinaka walang kwentang nurse sa balat ng lupa. Ang tagal kong naka-upo lang don kasi kailangan ko pa raw hintayin yung doctor. Hindi man lang niya tinignan o kung ano. Naka upo lang siya at nagtetext. Pano kung life or death pala ang nakasalalay. Malay ba niya.
Tapos lininis na nung doctor yung sugat at muntikan ko na siyang sipain. Kumaha siya ng cotton buds at linublob sa kung ano mang panglinis tapos sobrang intensely na kiniskis dun sa sugat. Alam kong linilinis mo lang, pero hindi mo ata naintindihan na sugat siya at masakit yung ginagawa mo. Di naman ako makacomplain kasi tinutulungan na nga niya ko kaya gumawa nalang ako ng kung ano anong facial expression na mukang tanga para mailabas ko sa muka ko yung sakit.
Hindi na ata ako babalik sa UP clinic kahit kelan.

ingat,
life,
sunken garden,
touch,
UP
Friday, November 16, 2012
All life is suffering
Kahapon, hindi ko matanggal sa utak ko buong gabi yung mukha ng napaka cute na buddhang yan. Kaya ginawa ko to imbis na mag-aral, at masasabi ko na ayos lang na hindi ako magkaroon ng kinabukasan kung ang kapalit naman ay ang litratong to.
Ewan ko kung san yan napulot ni Siddhartha pero basta masaya ako.
Labels:
cute nung buddha,
emotions,
muka ko,
photoshop skillzz,
religion
Thursday, November 15, 2012
Gusto ko rin ng ganung ringtone
Nanood ako ng Bwakaw sa FI nung isang araw. At grabe, na stress ako sa mga pangyayari. Tapos hindi ko pa mapunasan yung mga luha ko o makasinga kasi baka mahalata ng ibang tao na umiiyak ako at hindi yon cool. Baka masira street cred ko.
Pero ang pinaka memorable na part talaga ay yung may biglang tumonog na cellphone malapit sa inuupuan ko na pabulong na "Open your eyes." Yung bulong na parang sa mga commercial ng Resorts World Manila. Pagkatapos nun, hindi na ako makaconcentrate ng maayos sa pinapanuod ko kasi, ewan ko kung bakit, pero sobrang bumenta sakin at tawa ako ng tawa. Mga tatlong eksena na ang nakalipas pero tumatawa parin ako. Nahihiya na nga ako sa mga katabi ko kasi seryoso yung scene pero hindi parin talaga ako maka get over.
Pagkatapos, mga 10 na siguro nun, at naglalakad na ako sa acad oval. Madilim, masarap ang simoy ng hangin, may pa isa-isang taong dadaan, nakikinig ako sa kung ano mang ambient na music sa ipod ko, pinag-iisipan ang mga wonders ng universe. Feel na feel ko na para akong nasa huling eksena ng isang pelikula at may natutunan akong importante. Tapos bigla na lang akong mapapangiti na parang tanga kasi naalala ko na naman yung lecheng Open your eyes na yon.
Labels:
awkward,
feelings,
films,
parang eksena sa pelikula,
pelikulang pinoy,
UP,
UPFI
Tuesday, November 13, 2012
Ano tawag sa saging na nagkakasala?
Ede, sinturon. O pwede ring pre-marital sexy time.
Speaking of sexy time, may kaibigan ako na merong nakahandang sexy time playlist sa kotse niya na papatugtugin kapag may babaeng gusto niyang pormahan na nakasakay. Meron atang light sexy time, heavy-petting sexy time, basta-wag-tayo-magkalat sexy time at ipa ba.
Tapos may narinig akong kanta sa radyo na hindi ata dapat pinapatugtog sa radyo pero baka bumagay sa playlist na to.

Kung wala kang panahon pakinggan ang kantang to dahil tulad ko ay busy ka sa pagiging mabuting tao, ito yung paborito kong parte:
I want your sex
I want your love
I want your.. Sex
It's natural
It's chemical (let's do it)
It's logical
Habitual (can we do it?)
It's sensual
But most of all...
Sex is something we should do
Sex is something for me and you
Sex is natural
Sex is good
Not everybody does it
But everybody should
Sex is natural
Sex is fun
Sex is best when it's... One on one
One on one
Kaibigang binanggit sa umpisa, pasensya na kung medyo dinagdagan ko yung data. Posibleng na block out ko ang malaking bahagi nung sinabi mo dahil medyo yung kadiring klase ng malandi lang talaga.
Bilang ng dami ng paggamit ng mga salitang sex/sexy time sa post na ito: 15
Huhuhu
Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, natatakot akong matulog. Oo, natatakot as in scared. Di ko alam na posible palang mangyari yon.
Kagabi kasi napaginipan ko sarili ko na natutulog at parehong pareho yung posisyon ko sa kama at ang pagka-ayos ng mga gamit sa kwarto ko sa panaginip na yon at sa totoong buhay. Yung pagkasabit ng mga binti ko mula sa kamang pinagtambakan ng mga gamit kaya hindi na ako magkasya. Yung pagkayakap ko sa mga unan na sana'y yakapin din ako pabalik. Chos. Yung electric fan na naka 3 pero hindi naman nakatapat sakin kasi linalamig ako.
Tapos dun sa panaginip, magigising ako at pinipilit na hindi makatulog muli dahil tuwing pinipikit ko ang mga mata ko, may napapaginipan akong hindi maganda na ang setting din ay ako na nakahiga sa kama ko. Wow inception. Di ako sigurado kung anong nangyayari pero may mga multo, mamatay tao at kung ano pang iba ata. Basta ang tandang tanda ko lang talaga, magigising ako mula sa panaginip na nasa loob ng isa pang panaginip at takot na takot ako.
Eto namang sunod na parte, ewan ko kung kasama rin sa panaginip o totoo nang nangyari. Magigising ako pero hindi ko magalaw yung katawan ko. Hindi rin ako makapagsalita. Tapos dalawang beses atang nangyari na may lumabas na tunog mula sa muka ko pero hindi ko naman naramdaman na nagsasalita ako.
Kung sinio man diyan ang kayang ianalyze ang aking subconscious, paki. Shet feeling ko talaga mamamatay na ko.

Saturday, November 10, 2012
Kung san san ko naririnig yung kantang to at nakakainis lang na laging hindi talaga tunog English yung mga unang linya ng unang dalawang stanza (00:08 at 00:16). Pati kahit sino pa ang mag cover. Yung una, parang "Hay nako" tapos yung pangalawa para siyang nagi-Intsik. Sana hindi lang ako nakakapansin nun kundi sobrang muka akong baliw.
Friday, November 9, 2012
Ano bang nangyayari sakin
Nalalakasan ako sa volume nung laptop ko kaya kinuha ko yung remote ng tv.
Sinusubukan kong isulat ang salitang shirt pero mga apat na beses atang shirst ang nalalagay ko.
Natakot ako kasi parang may dumaan sa harap ko pero paa ko lang pala.
Lumabas ako ng banyo habang nagsisipilyo tapos nung kailangan ko nang idura yung tubig, tumapat ako sa hamper at muntikan nang dun ibuga.

Mukang magiging masaya ang sem na to.
Saturday, November 3, 2012
Sorry, B
(yun kasi tawag ko kay Beyonce) pero may bago na akong paboritong tao.
Labels:
Beyonce,
bidyo,
nakakatawa kaya,
people,
Rebel Wilson
Thursday, November 1, 2012
1.582 Etong numerong to ang magpapasaya saakin
May nakita akong dalawang babae sa may tapat ng FC dati. Nakatayo sila sa gitna ng bike lane at nag-uusap habang may tig-isang paa na nakapatong sa isang long board. Hindi ko maintindihan kung anong sinusubukan nilang gawin o palabasin pero nagkaroon ako ng feeling na may nakakatawang mangyayari kaya pinanood ko muna sila. Solb na siguro ako kahit isa lang na pretentious na ulo ang mabagok. Pero walang nagyari. At labis akong nalungkot.
Pero ok lang naman malungkot paminsan minsan. Dahil kadalasan, ang mga malulungkot ay yun ding mga nag-iisip. Yun yung mga nakakakita ng kagandahan sa mundo pero inaabuso o binabaliwala. O yung mga may natuklasang napaka importanteng katotohanan na hindi natin kayang abutin. At pagkalipas/tanggap/intindi/kung-ano-man ng mga to, saka lang natin lubusang maiintindihan ang tunay at purong kasiyahan.
Ako lang pala nagsabi niyan kaya malaki ang posibilidad na binobola bola ko lang kayo at wala lang talaga akong maisip na isulat. Ayun, wala akong maisip, at ikinalulungkot ko yon. Hindi lang pala yung mga nagiisip ang nalulungkot pero pati yung mga sinusubukang patakbuhin ang utak kaso sadyang wala talagang mapiga.
Wehehehe padeep kunwari. Kasalanan mo to CRS. Kasalanan mo to. Gusto ko lang naman ng madadali at interesting subjects na tinuturo ng magagaling na prof at pasok sa klase ng GE na kulang ko pa at nasa time slot na convenient para sakin. That's all lang naman e. Grabe, is that too much to ask? Sometimes talaga, feeling ko the universe is making parusa me. OMG, like, putangmother. Putangfather. Putangeverything!

fuck,
UP,
wow ang deep ng thoughts
Monday, October 29, 2012
Minsan, hindi naman ganun kaasim
Ang nais ko lang naman ay tumira sa isang mundo kung saan malaya akong makapagkakamot ng kili kili at amuyin ang kamay pagkatapos nang hindi tinitignan ng masama.
Labels:
feelings,
kadiri,
kili kili,
society,
strong independent woman
Thursday, October 25, 2012
Sabi nila mas attractive ka raw pagka symmetrical ang mukha mo. At dahil apat na taong iginiit ng gobyerno sa kamalayan ko na isa akong scientist, nagdesisyon akong magperform ng isang experiment gamit ng mirror effect sa photo booth. Sigurado ako na kahit si Stephen Hawking approve sa method na to. Ano kinalaman ng physics dito? Ewan, wala akong ibang kilalang scientist e. Well, you know, maliban sakin.
Mag stretching ka muna o jumebs, at ihanda ang sarili para makita ang mga imahe ng perpektong tao.
Sana ginawa ko tong topic sa STR tapos puro ganyan lang ang laman ng tarp namin. Magkalevel lang naman siguro ng pagiging traumatizing sa panunuod ng mga sobrang mahal na mga rabbit na kinakain ang isa't isa. Wow ang gandang image lang nun na maging stuck sa utak e.
Mag stretching ka muna o jumebs, at ihanda ang sarili para makita ang mga imahe ng perpektong tao.
![]() |
| Kung tumitig ka sa super nostril na yan hard enough, makikita mo ang future. |
Sana ginawa ko tong topic sa STR tapos puro ganyan lang ang laman ng tarp namin. Magkalevel lang naman siguro ng pagiging traumatizing sa panunuod ng mga sobrang mahal na mga rabbit na kinakain ang isa't isa. Wow ang gandang image lang nun na maging stuck sa utak e.
Wednesday, October 24, 2012
4:00 AM
Yan ang nakasulat sa upper right na kanto ng laptop ko habang tinatype ko ang unang mga salita na to. Dapat siguro tulog na ako ngayon para naman buhay pa kahit papano yung ilusyon sa utak ko na tatangkad pa ko. Hindi ako sigurado kung bakit nila sinasabi na mas okey pag mas matangkad ang isang tao pero pinipili ko nalang na maniwala. Siguro kung nagkaroon ng batas na isa lang ang pwede kong paniwalaan sa buong buhay ko, eto na yon.
Nung masbata pa ako at may panahon pang pagkaabalahan ang gantong mga bagay, alam ko naman na tumataas ako. Parte lang talaga yun ng biology ng tao. Hindi ko man nararamdaman, pero tiyak na tiyak akong nangyayari. Pagka sandal ko sa pader at pag apak sa bakal na dulo ng measuring tape at nakita na tumangkad ako ng kahit fraction lang ng isang centimeter, pakiramdam ko naging mas katanggap tanggap at buo akong tao. Kahit na hindi naman talaga.

Tuesday, October 23, 2012
Oo. Oo lagi ang sagot.
May binili ako sa SM Department Store nung isang araw tapos sobra ng isang daan yung sukli na binigay sakin ng cashier. Sa dalawang segundo na inaabot at pinapatong sa kamay ko yung pera na hindi naman dapat sakin, parang nagkakaroon ng laban ang good at evil na para bang saakin nakasalalay ang kapalaran ng buong daigdig.
Pero pinili kong maging makasarili dahil gustong gusto talaga ng fries galing sa Potato Corner. Yung malaki. Yung hindi bitin. At habang nakakalat sa mukha at mga daliri ko yung powder mula sa Sour Cream flavored kong french fries, punong puno ako ng saya at okay lang kahit gaano pa kadumi itsura ko kasi sarap na sarap naman ako sa kinakain ko.
Naguilty ako bigla kaya nag-isip na lang ako ng kahit anong rason na pwedeng magjustify sa ginawa ko. Una, sobang yaman na rin naman ni Henry Sy. Di naman niya mapapansin yung nawawalang 100 pesos. Pangalawa, baka good karma yon dahil napakabuti kong kaibigan, anak at Pilipino. At tao, in general. Kadalasan. Pangatlo, baka rin bad karma naman para dun sa cashier na nangnanakaw pala mula sa cash register at lasenggo at binubugbog ang mga anak niya. Pangapat, paraan ko to para bigyan ng leksyon lahat ng hindi marunong mag-isip at gumamit ng logic. Sabi kasi nung resibo, P190 yung binili ko at P300 ang binayad ko. Saang mundo magiging posible yon? Nagkamali ng input yung babae at tinanggap nalang na merong 300 peso bill. Ewan ko sakanya. Umaasa nalang ako na may nangyari nang masama sakanya dahil madalas pala niyang nagagawa yon.
Marami pa akong pwedeng ilistang pagdadahilan, pero pag minalas ako isang araw, malamang ay babalik ako sa pangyayaring to na wala naman talagang kilaman. At pagiisipan kung sapat na kapalit ba ang french fries para sa kung ano mang kasamaang palad.

Saturday, October 20, 2012
Ang tagal ko nang hindi nagpopost dito dahil 11 araw na akong nakatutok sa laptop ko at nanunuod sa youtube ng lahat ng mahahanap ko tungkol sa... One Direction. Hindi ako sigurado kung paano to nagsimula at kung bakit to nangyayari pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Siguro karamihan ng tao ay mahihiya kung nangyari to sakanila pero kailangan ko na ng tulong. Hindi na ito normal. Gusto ko nang matulog at kumain at maligo. Natatakot ako na baka ikamatay ko to. Sinubukan na akong tulungan ng pamilya ko at nung mga pari sa parish namin, pero ayaw na nila akong lapitan muli dahil sa nangyari nung isang araw. Sa lahat ng nasangkot dun, bibisitahin ko nalang kayo sa ospital pag tapos na ang lahat nang to. Pero at least sigurado na ako ngayon na isa akong teenage na babae.
At guy na maraming buhok, iniimbitahan ko ang sperm mo na tumira sa loob ko sapagkat gusto ko ng cute na kulot na baby. Na may british accent.
Labels:
bidyo,
Harry Styles,
music,
one direction,
pag-ibig,
sexy time
Tuesday, October 9, 2012
Buhok nga lang ba ang pwede i-trim
Kaechosang title yan.
Lakad ako nang lakad at palipat lipat ng sakayan kanina kasi wala talagang dumadaan na Katipunan jeep at sobrang nakaka inip lang. Handang handa na kong sumakay ng Pantranco papuntang MRT, lumipat ng LRT tapos sumakay ng jeep dun sa dulo ng Katipunan. Marami pa sigurong mas madali at murang paraan pero mas exciting lang kasi yon. Umabot ako sa sakayan sa may Vinzons pero wala rin talaga. Bumili muna ako ng tubig pero paglingon ko, wala na yung mga taong nakapila kahit na wala namang dumaan na jeep. Napaka Twilight Zone nung feeling. Sabay tugtog nung intro na kanta. Tenenewtenenew.

Tapos may nakasalubong ako na papunta raw ng Ateneo para mag-aral, allegedly. May dumating ding jeep, at pinauna niya akong pasakayin. Yun pala, ako nalang yung kasya. Di makapagdesisyon ang mga paa ko kung anong gagawin pero nanatili akong nakaupo dahil lang mas dramatic yung dating. Parang hawig kasi sa eksena sa pelikula yung dahan dahang magddrift ayaw yung isang tauhan at mamamaalam hangga’t di na niya makita yung pinagpapaalaman niya. Higit pa dun, yung buong pangyayari ay naging metaphor para sa kung ano mang gusto kong irepresenta nito. At natuwa naman ako. Nagkaroon ng gawa gawang depth yung simpleng pagsakay ng jeep.
Pero sumama loob ko kasi matagal siya naghintay at papunta lang naman ako sa salon para magpagupit. Kaya ayoko ng chivalry e. Napaka sexist lang na konsepto. Ayos, nangbintang pa e. Isa pang ayaw ko ay yung may nakatitig sakin gamit ng judgemental nilang mga mata. Wow ang galing ko mag segue.
Habang nagpapagupit kasi ako, kita sa repleksyon sa salamin ang isang poster na may tatlong babaeng parang nakatingin sakin. Di ako mapakali, parang gusto kong lumipat ng upuan. Papel lang naman yon pero para na rin nilang sinasabi sakin na Tignan mo yung magaganda naming buhok, bagay sa magaganda naming mukha. Hindi ka magiging kasing ganda namin pero pwede mong subukan. Tapos babalik sa pose nilang naka pout o tagilid na ngiti na nung sinubukan kong gawin ay tama nga na hindi kasing ganda tignan kaysa nung sila ang gumagawa.
Ang saya ng tanghaling ito. May exam ako nung umaga pero mas marami pang pag-iisip ang naganap pagka labas ko ng classroom.
Labels:
beauty,
jeepney rides are fun,
pag-ibig,
parang eksena sa pelikula,
sharing,
strong independent woman,
UP
Monday, October 8, 2012
Hi
Isang salitang kay dalas nating sabihin ngunit wala naman talagang ibig-sabihin. Isa lamang itong expresyon na ginagamit sa pagbati. Dalawang letra at isang pantig nang di makabuluhang tunog. Ngunit paminsan minsan ay makakasalubong ko.. siya. Siya na nagbibigay kahulugan sa mga dapat ay wala.
Hi
def. Ano sunod mong klase? Ihahatid kita.
Hi
def. Kamusta ka na? Labas naman tayo minsan.
Hi
def. Alam mo, sa totoo lang, miss na talaga kita.
Sabay kakaway at ngingiti ng konti. Pagkababa muli ng kamay at mga gilid ng labi ay hahabulin ng dila ang mga sariling depinisyon ng Hi na nais sabihin. Pero wag nalang. Nakalagpas na siya. Masyado na siyang malayo. O baka ako yung lumalayo. Di bale, malamang para sa kanya ang Hi ay hindi na hihigit pa sa Hi. Wag na lang talaga.

Thursday, October 4, 2012
May pinuntahan akong poetry reading dati, tapos may isang tula na sobrang nagandagan ako. Ang tagal kong napatulala kasi prinocess pa ng utak ko kung paano ba dapat ako magrereact sa narinig ko. Tapos naisip ko, Shit ako rin, gusto kong magsulat. At voila, pinanganak ang blog na ito.
Basahin mo kasi wala lang: http://www.palancaawards.com.ph/2010Guerra%20Cantos-Tula-1st%20prize.php Yung unang tatlong stanza (part bago ng I.) lang binasa nung araw na yon, pero maganda rin naman yung iba.
Kung binuksan mo yung link pero hindi mo binasa dahil bitch ka at medyo mahirap talaga magbasa ng mabulaklak na Tagalog, etong sayo
Labels:
bidyo,
Jenna Marbles,
nakakatawa kaya,
pagsulat,
poetry
Monday, October 1, 2012
Naging lesson namin sa Kas ang tungkol sa mga Monggol na sinakop ang China. Kaya bilang form ng pag-aaral ay pinahiran ko ang muka ko ng puting publos, humarap sa salamin, kinulot ang noo at nagsimulang magdrama drama habang kinakantahan ang sarili ng Reflection. Yung galing sa Mulan na kinanta ni Lea Salongganisa o kung ano man pangalan niya. Basta Pilipino siya kaya automatic na proud na tayo. Kahit naman sino ata na may kahit gaano ka konting dugo na Pinoy, aangkinin natin. Siguro kung buhay si de Legazpi ngayon, lahat na ng Pilipino ay sinubaybayan ang Spanish Idol: Conquistador Version.
Pero sa kalagitnaan ng tagos sa pusong pagkanta ng when will my reflection show, who I am insahiyahahayd, may naalala akong pelikula na nagkakaroon ng buhay ang mga reflection at pinapatay ang "sarili" nila. Tumitig ako sa mga mata ko at gumawa ng evil na smirk. Natakot ako sa sarili kong mukha at tumigil. Siguro kayang kaya ko parin ipagtanggol ang Tsina basta wala akong makakasalubong na makikintab na bagay.

Thursday, September 27, 2012
Galing ako sa party nung isang araw at..
Wednesday, September 26, 2012
Nakakabaliw na kahit anong oras pa ko dumating sa Geog, late parin ako ayon sa attendance ng prof. Laging tapos na tawagin ang pangalan ko o kaya hindi naririnig ang pagsigaw ko ng present. Kanina nga tatlong beses akong natawag sa iba't ibang point nung period. Sumuko nalang ako kasi feeling ko ayaw lang niya talaga sakin. Minsan kaya nakikita naman niya akong papasok sa loob ng classroom. Pero kahit na ma cinco pa ko dahil sa attendance, ang importante naman talaga ay yung knowledge, diba? DIBA? Sige, kunwari nalang.
May ginagawa pang nakakainis at sobrang nakakangilo na tunog yung isang ceiling fan sa loob nung kwarto. Buong isa't kalahating oras ata akong nakatingin ng masama sa fan na yon at umaasa na biglang tumigil dahil sa titig ko. Pwedeng super power yon a, sobrang diluted na form ng telekinesis na gumagana lang pag gusto mong mag off na electric fan. Parang, Shet ang lamig, sinong pwedeng tumulong sakin? Ako, that's fucking who.
Tapos halos apat na linggo na pala akong hindi nagttrain. Tuwing balak ko, macacancel dahil sa ulan. Pag meron, bigla akong magkakasakit. O baka nagkakasakit ako dahil sa kawalan ng physical activity. Tapos lagi nalang akong magkakaroon ng pabalik balik na sakit hanggang.. mamatay ako. Hanggang patayin, pala. Dahil sa sobra sobra nang litrato ng mukha kong kakalat sa cyberspace na ipopost ko dito habang di makaalis ng kama.
Friday, September 21, 2012
Gano karaming patatas ang kailangan para mapuno ang mga butas sa pagkatao mo?
Pumara ako sa harap ng KFC at nung patayo na ko sinabihan ako ng katabi ko na "Ingat ka, Ate." Bigla akong kinilabutan. Pakiramdam ko may nangyari saking masama, hindi ko lang alam. O kaya parating pa lang. Baka rin may third eye pala siya at sinusundan ako ng multo. Ewan ko. Pero satingin ko talaga hindi yun simpleng pagbati lang kundi babala na kailangan kong ingatan ang sarili ko mula sa kung ano man. Pero gutom lang siguro yun at umokey naman na ko nung sinimulan ko nang papakin yung kapiranggot na piraso ng manok na binigay sakin. May napansin akong babaeng nakaupo sa tapat ko. Nakatingin lang siya sa kawalan habang kumakain ng fries na sinasawsaw sa mashed potato. Blanko ang expresyon sa muka. Parang kinuha na lahat sakanya at walang wala na talagang natira. Maliban sa patatas. Meron pang patatas. At iyon na lamang ang kanyang tanging kaibigan.
Tuesday, September 18, 2012
Monday, September 17, 2012
.
Pula
Pula ang kulay ng pag-ibig
Ng umiibig
Ng kapirasong telang bumabalot
Sa mga pilit na linilihim
Ngunit alam nating nariyan
Anong bakas ng hirap at pagod
Pinaghahambing ang mga katotohang
Hindi nababawi
At mas lalong hindi napipili
Mas babae ako kaysa sayo
Sinong kausap mo?
Mas babae ako kaysa sayo
Meron bang nagbibilang?
Mas babae ako kaysa sayo
Palakpakan naman diyan
Ang weird nito. Ewan, kadiri.
Pula ang kulay ng pag-ibig
Ng umiibig
Ng kapirasong telang bumabalot
Sa mga pilit na linilihim
Ngunit alam nating nariyan
Anong bakas ng hirap at pagod
Pinaghahambing ang mga katotohang
Hindi nababawi
At mas lalong hindi napipili
Mas babae ako kaysa sayo
Sinong kausap mo?
Mas babae ako kaysa sayo
Meron bang nagbibilang?
Mas babae ako kaysa sayo
Palakpakan naman diyan
Ang weird nito. Ewan, kadiri.
Totoo ang tsismis
Ano tawagan dun sa pag gustong patayin ng nanay yung bagong panganak niyang baby? Wala lang, gusto ko lang tanungin. Pero kung ikaw kaya, nagluwa ng tao mula sa ari mo, may karapatan ka naman sigurong mabaliw kahit saglit lang. Ngayon na nasa subject narin nun, oo, aaminin ko na, buntis ako. Pitong taon na kong may kargang bata. At ayaw niyang lumabas kasi napaka sakim at makasarili raw ng mga tao dito. Di ko alam kung saan niya napulot yon pero yun ang paulit ulit niyang sinasabi. Sinubukan ko ngang ipaliwanag na hindi na si GMA ang presidente pero wala naman daw talagang pinagkaiba yun. Sabi niya sakin maghintay lang ako, pero wala siyang binanggit kung gaano katagal. Malalaman ko nalang daw kung panahon na. At kung hinayaan kong lumipas ang pagkakataong yon, hindi na raw siya maaaring lumabas. Kaya lagi akong tahimik na nakaupo at hintay lang nang hintay. Sayang naman kung hindi niya makita ang mga kagandahang nakikita ko, at habambuhay nalang na nasa dilim.
Saturday, September 15, 2012
Ang daming pauso ng internet
Nakakainis. Nakakainis talaga.
Nakakainis yung mga nagpapalike at nagpapashare sa facebook. Ililike ko kung gusto ko talaga, hindi para manalo ka sa kung ano mang contest. Tsaka porket hindi ko shinare photo mo, hindi ko na mahal si Jesus o ang nanay ko, o prinopromote ko ang animal cruelty. Pero seryoso, ayoko makakita ng mga picture ng hayop na pinapatay sa news feed ko. Kadiri. Like, you know, eww. Nung isang araw nga may nakita akong elepanteng walang muka. Minsan mapapatigil nalang ako at pagiisipan ang kawalan ng muka ng elepante na yun. Pagkatapos, mapapansin kong alas quatro na pala at wala akong napasukang klase.
Nakakainis yung mga tao na sinasabi nalang lahat ng maliliit na bagay na nangyayari sa buhay nila. Kahit na yun naman ata talaga point ng microblogging. Pero diba siguro naman kaya mong i gauge kung worth reading naman kahit papano yung sinasabi mo. Meron lang talaga kasi minsan na mapapacringe ka nalang sa pagka walang kwenta ng sinasabi nila.
Nakakainis yung sobrang OA na fascination sa mga pusa. Yung iba parang ngayon lang nakakita ng pusa sa buong buhay nila e. Mga baby na bulldog lang talaga ang cute para sakin. Tsaka baby na tao. Tsaka si ano, cute din. Wushu
Nakakainis yung mga nagtatype ng maraming exclamation point pero laging may naiiwang 1. Tsaka ang laki rin ng galit ko sa mga sobrang hilig gumamit ng mga acronym tulad ng omg at lol at kung ano ano pa. Wala lang, ayoko lang nung itsura.
Nakakainis ang salitang friendzoned at lahat ng variation nito. Baka hindi ka lang kasing ka boyfriend material sa inaakala mo. Baka hindi ka lang talaga type. O baka panget ka. Oo, yun siguro yon. Kasi kung gwapo ka naman, madali lang makakuha ng babae kahit na masama pa ugali mo. Kaya sa lahat ng iniisip na friendzoned sila, magpasalamat ka nalang na may muka ka, di tulad nung elepanteng yon. Shit, ayan na naman ang luha.
At higit sa lahat, nakakainis yung mga wala nalang ginawa kundi magrant sa blog. Ang sarap lang sampalin at utusang mag-aral.

Wednesday, September 12, 2012
Saturday, September 8, 2012
Uggh
I hate my fucking life. Well, hindi naman talaga. Lakas maka exaggerate, di lang naka geog camp e. Masarap lang kasi gamitin yung mura na fuck. Parang ang lutong pakinggan tapos ginagawang galit ang kahit anong statement.
I need to brush my fucking teeth. Jose Rizal died for his fucking country. This yogurt contains three fucking grams of protein for every fucking serving. Diba? Pero dapat tama yung pagsingit kundi ang awkward lang. Parang, Make me fucking some waffles. Mali na nga yung pagkabuo ng sentence, pag tinagalog mo pa medyo magiging Gawin mo ako habang nakikipagtalik ka sa mga waffle. Grabe ang classy ng post na to kaya tatapusin ko nalang.

Friday, September 7, 2012
Lumipat kami ng condo at hindi pa nakakabitan ng internet yung bago. Hindi ko maintindihan kung bakit sa UP at Starbucks lang nakakakabit sa wifi laptop ko. Hindi naman ganto to dati. Buhay nga naman. So nasa Starbucks ako ngayon at umiinom ng overpriced na kape at gumagamit ng overpriced na internet. Tapos Pauleen, PAULEEN. Yan ang nakasulat sa gilid nung baso ko. Ang mahal ng binabayad ko dito tapos hindi man lang ma-spell ng tama pangalan ko. Tapos may sakit pa ko at parang gusto kong sumuka nung naglalakad ako papunta dito. Kaso bigla akong napaisip tungkol sa buhay at narealize kong mas importante ang internet kesa sa kalusugan. Sana nga pumasok nalang ako kanina at nagtrain pa at linagnat lalo at sumuka suka sa field kung hindi rin naman pala ako makakapuntang geog camp bukas.
Monday, September 3, 2012
Nakasakay ako sa jeep kanina tapos may couple na naglalandian sa harap ko. Alam naman kasi nating lahat na pwede lang kayo mag PDA kung good looking kayo. Medyo tolerable pa sana yung hand holding at halikan nila kaso biglang may ginawa yung babae na hinding hindi ko mapapatawad. Pinunasan niya yung pawis ng boyfriend niya GAMIT NG KAMAY NIYA. Bakit mo gagamitin ang sarili mong balat para magpunas ng pawis ng may pawis. Pwede ka naman gumamit ng twalya o ng tisyu o hayaan mo siyang gawin yun ng mag-isa. Sana man lang pinunasan ni girl kamay niya pagkatapos. Mas painful pa atang panoorin yon kesa nung may nakita akong nagsesex sa may Sunken. Kadiri. Kadiri lang talaga.
Monday, August 27, 2012
Balang Araw
Kung may pera lang sana ako, naglayas na ko. Magrerent ako ng condo na malapit sa UP. Kahit upuan lang kasya, pwede na. Pero closet na ata tawag dun. Maliban kasi sa pagluto ng kanin, isa sa mga paborito kong gawin ay umupo. Minsan nakasandal, minsan nakadekwarto, minsan nakaipit yung isang paa sa ilalim ng pwet, minsan naka put your hands on you lap. Haay, ang saya umupo.
Tapos ibebenta ko katawan ko para lang makabayad ng tuition fee. Estudyante sa araw, puta sa gabi. Parang pang pelikula lang. O kaya drugs, para mas delikado. Pangarap ko kasing makipag chase scene sa pulis. Tapos mag-aaral ako nang mag-aaral at magiging magna cum laude. Kasi matalino ako. Walang aangal.
Magkakaron din ako ng gwapong asawa. Gwapo at mayaman. Gwapo, mayaman at gwapo. Pero masama siyang tao. Mas gago, mas okey. Tapos babait siya bigla dahil sa sobrang pagmamahal niya sakin. At buong araw kaming magsese.. lebrate.
Tapos magkakaron kami ng mga cute na anak. Pito. Gusto ko pito. Isa para sa bawat araw ng linggo. Gusto ko pangalan nila mga tipong Kidlat Lawin o kaya Liwayway Sinag, walang apelyido. Hindi ko rin sila bibinyagan kasi gusto ko sila mag decide ng sarili nilang relihiyon. Magiging ganun akong klaseng nanay. Hindi ko siguro sila mapapalaki ng tama, pero prublema na nila yon.
Mamamatay rin naman ako ng maaga e. Mga 57 years old. Heart attack. Nasobrahan sa pagmamahal. Pagmamahal at macholesterol na pagkain. Tapos isstuff yung katawan ko at ididisplay. Gusto ko nakabukas yung mga mata ko at nakaupo lang sa sofa sa sala. Tapos may motion sensitive na kung ano man na tuwing may dadaan, magpplay ng recording ng boses ko.

Friday, August 24, 2012
Sagot sa Kahirapan
Naglalakad ako sa Katipunan nung isang araw. Walang kaproble-probema, wala rin naman kinasasabikan. Kuntento na ko sa ganun. Busog pa kasi mula sa pinaka langhap sarap na chicken and spaghetti meal na nakain ko sa buong buhay ko. Nakatingin pa sakin si Aljur Aberenica habang kumakain ako. Nakakaconscious pala kahit na poster lang ang nakatitig sayo. Punas ako nang punas sa bibig ko kasi baka may natira pang minatamis na dugo ng mga sanggol at laman na ginawang hugis hotdog. Ay sorry baka di mo pala alam. May nabasa kasi ako dati na galit sa overpopulation yung may ari ng Jollibee kaya dinudukot niya mga anak ng mahihirap, linalagay sa spaghetti, at pinapakain sa mismong mga magulang ang parehong literal at figurative na flesh and blood. Kaya paminsan minsan, may makikita kang buhok sa pagkain mo pero hindi yun sa staff.
Wednesday, August 22, 2012
Requieme
Ito ang pinakanagustuhan ko sa lahat ng pinanood kong Cinemalaya entry. Although anim lang yun kasi sabi ng wallet ko pwede na ang anim. Kung napanood niyo tapos hindi kayo nagandahan, ikinalulungkot kong sabihin na hindi na tayo pwedeng maging magkaibigan. Halata namang isang napakalaking kawalan yon sa part mo.
Mahirap siguro magsulat ng matalinong comedy na intentional na nakakatawa. Meron kasi yung mga tipong Kris Aquino movies na matatawa ka nalang kasi ang pangit ng acting niya at sobrang walang kwenta yung plot. Kung napanood mo ang Segunda Mano, isang nakakaiyak na example yon.
May babae na gustong gusto mag burol kahit na wala naman sakanila yung katawan. Sobrang nakakatawa lang nung actress na sikat ata dapat pero hindi ko kilala at ang ganda lang talaga nung parteng to sa storya. Tapos may medyo transgender na lalaki na hindi pa masydaong babae. Kaya nagiipon siya para makakuha ng breast implants. Kaso may kapitbahay siyang namatay at siya nagbabayad para sa pagpapalibing. Tapos ang sakit lang talaga sa puso pagnaglalabas siya ng pera. Ewan ko kung pano nangyari yon, pero di tulad ko, may boyfriend siya. Tapos napaka hirap lang panoorin nung mga bed scene kasi pareho silang panlalaki yung katawan pero may wig at make up yung isa. Tawa pa ko ng tawa nang wala sa lugar kasi.. utong.

Saturday, August 18, 2012
Kasi cool si Courtney Love kahit na medyo may sira siya sa ulo. Tsaka kasi wala akong maisip na isulat pero ang tagal na nung huling post.
Favorite part ko yung may daga na parang dinust off lang mula sa lamesa na para bang hindi siya living creature. Pano kung father daga siya at gusto lang naman niya magprovide para sa mga baby daga niyang walang makain. HINDI NIYO BA NAISIP YON?! Ano ba yan puro luha na tuloy yung laptop ko.
Monday, August 13, 2012
Ang Nawawala
May spoilers to kaya wag niyo nalang panoorin.
Siguro kung na encounter ko sa totoong buhay yung ibang characters dito, baka nasapak ko na sila para lang mabawasan ang pagka hipster nila. Ang cool kasi nila masyado para sakin. Di ko maappreciate yung OA na paggamit ng weed at records at sexuality. At english. Sobrang na bother lang talaga ako na may accent yung bidang babae. Tapos makikipag sexy time siya kahit na may gusto parin pala sa ex-boyfriend. Ewan ko ba dun. Basta ang laki lang ng galit ko kay girl. Pero kilig naman yung kung pano naging sila nung bidang lalaki. (Bago nagpaka bitch yung babae.)
So hindi nagsasalita yung lalaki (Gibson) kasi feeling niya siya ang dahilan kung bakit namatay yung kambal niya (Jamie) nung bata pa sila. Medyo siya naman talaga yung may kasalanan. Tapos ang lungkot lang nung Jamie ang tinatawag nung nanay kay Gibson. Tapos paulit ulit na tinatanong kung ano daw nangyari kay Gibson. Hindi umiimik yung bata at iyak lang nang iyak. Tapos tinanong nung nanay kung sino ba talaga kausap niya. Tapos gusto kong lang sigawan si Dawn Zulueta ng "Anong klaseng nanay ka!! Si Gibson yan!!" Pero kumalma rin naman ako nung naalala kong pelikula lang to.
Nagsalita lang siya ulit para sabihin na mahal niya si Enid (yung bitch). Wala naman daw kasi siyang importanteng kailangang sabihin bago nun. Nainis lang ako kasi hindi naman yun yung dahilan kung bakit siya tumigil sa pagsasalita. Feeling ko dapat yung una niyang sinabi sa buong pelikula (maliban sa nung kausap niya yung patay niyang kapatid) ay yung huli niyang sinabi sa nanay niya nung ending. Tumabi kasi si Gibson sa nanay niyang natutulog. Tapos nung nagising, tinanong nung nanay kung sino daw yon. Tapos sabi ni Gibson habang umiiyak, "It's me, Gibson." Mas madrama sana yung dating, diba? DIBA? Leche mag agree ka.
Hindi siguro masydaong halata sa mga sinabi ko pero maganda naman yung pelikula. Maganda yung pagkakabuo nung kwento. Maganda yung mga linya. Maganda yung nanood.

Thursday, August 9, 2012
Miss ko na ang araw, tsaka ikaw :">
Ang saya saya ko lang nung gumising ako nung Tuesday tapos suspended ang classes. Kaso may tumutulo na kadiring liquid mula sa ceiling kahit na meron pa namang ibang floor sa taas namin. Para akong tangang sigaw nang sigaw habang nagmomop ng sahig. Tapos pumapasok din yung ulan mula sa mga bintana kasi manipis na yero lang pala yung nasa ibabaw. Hahanapin ko ang architect ng building na to at isasampal ko sa muka niya ang notes ko mula sa isang taon sa Arki. Kasi naman, sobrang, hay nako.
Kumakain ako ng lunch nung nag online ako. Binabaha na pala sa ibang lugar maliban sa condo ko. Akala ko pa naman special ako.
Tapos may mga nabasa akong dahil daw sa RH Bill kaya pinaparusahan tayo ng Diyos. Naawa naman ako, baka may sakit sila sa utak or something.
![]() |
| "Tangina mooooo" |
Gusto ko sana mag volunteer kaso sobrang lakas ng ulan at baka hindi na ko makabalik nang buhay sa condo. Ipinapadala ko nalang lahat ng pagmamahal ko sa mga nasalanta ng kung ano man tong hindi pala bagyo.
Labels:
beauty,
education,
ingat,
muka ko,
pag-ibig,
photoshop skillzz,
rice cooker
Monday, August 6, 2012
Hey Now Hey Now!!
Isa sa mga paborito kong palabas nung bata ako, at siguro hanggang ngayon, ay Lizzie McGuire. Naaalala ko pa yung opening sequence nila na may mga bumabagsak na pulang bola. Naaalala ko pa si Lizzie McGuire na may cartoon version, si Miranda na Pilipino sa totoong buhay, si Gordo na mahilig mag hackysack, si Kate na bestfriend dati nina Lizzie at Miranda, si Ethan Craft na mukang nanggaling sa boyband. Naaalala ko rin yung episode na gusto bumili ni Lizzie ng bra pero hindi nila alam ni Miranda kung ano ibig sabihin nung mga letra at numbers. Pati na rin yung episode na sumasayaw sila sa hallway sa saliw ng Us Against the World. At sino ba naman ang makakalimot nung nagkatuluyan na sa wakas si Gordo at Lizzie dun sa movie. Pero may tatlong segundo sa buong run ng show na hinding hindi ko maalis sa utak ko at patuloy akong hinau-haunt hanggang sa araw na ito.
Saturday, August 4, 2012
Hoy
Oo, ikaw nga.
Ikaw na nag-aaral dapat ngayon pero sinasayang nalang ang oras sa kakafacebook o twitter o sa pagpunta sa blog na to. Ikaw na walang pera pero pilit na nagtitipid para makabili ng bagay, na kung tutuusin, hindi mo naman talaga kailangan. Ikaw na gumigising nang maaga at pumapasok araw-araw para lang hintaying madismiss. Ikaw na kilig na kilig pagnakikita si alam mo na pero wala namang masabing matino pagmagkatapat na kayo. Ikaw na magkasalungat ang mga dapat sa mga gustong gawin. Ikaw na tuwing nakaharap sa salamin, parang hindi parin kontento sa nakikita. Ikaw na hindi alam kung tama ba ang landas na tinatahak. Ikaw na minsan napupuno ng sobrang inis at lungkot na parang gusto mo na lang sumuko. Ikaw na.. saglit lang, sino ka nga ba?
Hindi man kita kilala, pero nakakasiguro akong hindi ka nag-iisa.
Chos.

Wednesday, August 1, 2012
Hi I'm Fauline Pernandez
And welcome to my crib. I like to cook rice in my spare time.
![]() |
| That lamp must be very happy to see me. |
Tuesday, July 31, 2012
Sampung bagay
na hindi mo naman siguro kailangan malaman. Pero sasabihin ko parin.
Takot akong ipikit ang mga mata ko pag naliligo kasi feeling ko pagdilat ko magkaka multo sa harap ko. Iniiwasan ko ring tumingin sa kisame o sa salamin. O sa likod. O sa reflection sa tubig. O sa bintana. Ede ako nang matatakutin.
Gusto ko maging ballet dancer. Muka kasing masaya mag pink tights at tutu tapos iikot ikot ako nang naka tip toe na parang tanga. Graceful na tanga.
May isang sembreak na masyado akong na adik sa Star Wars at paulit ulit kong pinanood yung anim na pelikula. Habang nanunuod, sumisigaw ako ng "young Padawan" at hindi ko parin alam kung bakit.
Naeenjoy kong amuyin ang paa ko. Mabango, swear. Minsan naiisip ko, oh my siomai, where is that delightful aroma coming from. Tapos ayun, paa ko lang pala. Sabihan niyo lang ako kung gusto niyo ring amuyin.
Nasasarapan akong matulog sa jeep. Kaya minsan, nakakailang ikot ako sa Ikot o kaya pabalik balik na sumasakay ng UP-Katipunan. Umaasa nalang ako na hindi naweweirdohan sakin yung mga driver.
Kung nabigyan ako ng pagkakataon na magwish para sa kahit anong gusto ko, siguro sasabihin ko na sana wala nang nagugutom o naghihirap sa buong mundo. Haha joke lang. Siyempre makikipagpalit ako ng buhay kay Beyonce. Duh.
Naiinis ako sa mga gentleman. Excuse you, I am a strong independent woman. Kaya kong pagbuksan ang sarili ko ng pinto at bumili ng sarili kong pagkain at kargahin ang sarili kong gamit. Pero kung si ano yung nag offer, hihihihi go lang.
Ang dami pala ng sampu. Sampo? Ten. Pwede na yan.

personal,
sharing,
strong independent woman
Thursday, July 26, 2012
Panaginip
Magigising ako at mapapangiti. Magre replay sa utak ko yung mga tauhan, yung setting, yung eksena. Mararamdaman ko parin yung kilig at saya. Babangon ako at sisimulan ang araw, bitbit ang mga imahe at emosyon mula sa alaalang hindi naman talaga nangyari.
Wednesday, July 25, 2012
Pano kung marami? Moonleaves?
May pinanood ako sa Cine Adarna nung isang araw. Sponsor ang Moonleaf kaya nagparaffle sila. Bakit ko sinasabi to? Kasi nanalo yung katabi ko! Joke lang. Ako pala yung nanalo. Nun lang ako nanalo sa isang raffle sa buong buhay ko. Pakiramdam ko tuloy may kung ano mang mutant powers na ko. Inisip ko lang yung ticket number ko tapos yun na yung sunod na sinabi nung host. Bigla akong nagkaroon ng urge na tumalon mula sa building o kaya tumaya sa lotto o murahin lahat ng ayaw kong prof. Feeling ko kasi ako na yung pinakaswerteng tao sa balat ng lupa nung mga panahon na yon at walang masamang pwedeng mangyari sakin. Kinuha ko na yung Milk Tea ko na best seller daw yung flavor at mukang may extra pa na pearls. Bumalik ako sa upuan ko at ganun ganun lang, naglaho rin kagad lahat nung saya. Naalala ko kasing wala nga pala akong kasama, at kahit na gano ko pa kagustong isigaw kung gaano ka sarap yung iniinom ko, wala naman akong mapagkekwentuhan.
KJ nung dulo, nakakainis. Madrama kasi ako kunwari.
Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa nga pala yung pinanood ko. Ang ganda nung mga tula na ginamit nila. Muntik na nga akong sumuko sa pag-aaral kasi hindi ko talaga mahanap hanap kahit saan yung mga tula na yon. Ang galing pa nung titig ng pagnanasa nung isang actor. Mararamdaman mo talaga yung kilig ng mga tao sa theatre. May isa pa ngang sumigaw at napatayo. Akala ko kung anong nangyari sakanya, yun pala kinilig lang. Di naman siya masyadong OA noh.
Panira nga lang yung katabi ko. Lahat nalang kwinento sa katabi niya. Nalaman ko tuloy na may quiz sila nung araw na yon na hindi niya napagaralan, na nadapa siya papasok sa theatre, na kailangan niyang umuwi ng maaga kinabukasan, ulam niya kahapon, ulam niya kanina, ulam niya mamaya, lahat ng pangarap at pagsisisi niya sa buhay. Interesting siguro siya. Kaso kung nanonood ka ng pelikula, tangina, tumahimik ka.

joke,
pag-iisa,
pelikulang pinoy,
poetry,
UP,
UPFI
Thursday, July 19, 2012
Tatlong Taong Walang Diyos
Isang araw, nakasakay ako sa jeep na pa Katipunan. May nadaanan kaming building tapos narinig kong tinatawag ako ng mga espirito ng Videotheque. "Free admission" daw. Napababa tuloy ako sa jeep at nanood ng sine.
Tatlo palang na lumang pelikula ni Christopher de Leon ang napanood ko. At balak ko pang madagdagan yon. Crush ko na talaga ang masbatang, wala pang bigoteng version niya. Gusto kong bumalik sa mga 30 years ago para lang makapagswoon sa tamang panahon. Pag ginawa ko kasi ngayon yun, puro mga kaedad lang siguro ng nanay ko makakarelate.
Rinape ni Christopher de Leon si Nora Aunor, na nun ko lang narealize na ang ganda ganda pala, tapos bigla siyang nag paka Carrie. Akala ko talaga magiging thriller tapos papatayin ni Nora Aunor lahat ng Hapon. Nakakatakot, pramis. Parang tinititigan pa ko nung nunal niya. Pero nagpakasal din sila. Na may sense nga naman kasi okey lang na may mangrape sayo, basta guwapo.
Tapos pinatay nila halos lahat ng bida. Nakakainis. Hindi ba may rule na dapat isa lang na mabait na character ang pwedeng mamatay kasi masyadong nakakadepress na kung mas marami pa dun. Kaya nga nakakainis din ang Harry Potter e. Nung namatay nga si Christopher de Leon, parang gusto ko nang umalis dun sa theatre. Pero eventually, tumigil din ako sa kakasigaw at hagulgol, at panghaharass nung ibang nanunuod.
Ang kakaiba talaga yung pagkamatay ni Nora Aunor. Pinalibutan siya ng mga babaeng may gunting at inikut ikutan siya. Akala ko talaga sasaksakin nila si Nora Aunor kaya sobrang nandiri ako habang pinapanood yung part na yon. Yun pala, dali, hulaan niyo. GINUPITAN SIYA NG BUHOK. Hindi ko maintindihan kung ano yung point nun kasi binaril din siya pagkatapos. Ewan ko kung masyadong artistic o deep yung scene na yon para maintindihan ko, o sadyang bobo lang talaga.
Si Bembol Roco lang natira. Ang hirap pa panoorin kasi may buhok pa siya nun. Pero tama lang siguro na nakalbo siya kung ganyan din naman pala itsura ng buhok niya. Ay, nakikipag giyera pala kasi yung character niya kaya wala na sigurong oras mag mukhang matino.

| Ano ba, Christopher de Leon, wag mo ko tignan ng ganyan. |

deadz,
films,
gwapo ni Christopher de Leon,
pag-ibig,
pelikulang pinoy,
UP,
UPFI
Wednesday, July 4, 2012
Attack of the Holy People
Masaya sumakay ng jeep pag gabi.
Habang nalulunod sa amoy ng barya at paulit ulit na Bayad po, may biglang nagsalita na lalaki. Akala ko talaga hinohold up na kami pero yun pala magsasalita siya tungkol sa religion, na halos magkalevel lang ata na parusa. Kung relihiyoso ka at na offend ka, joke lang yon, ok? Kung hindi naman, good for you.
Pero marami akong natutunan mula sakanya. Physical na lugar daw ang hell na matatagpuan 300,000 whatever miles sa ilalim ng lupa. Mali ang mga nagsasabi na may purgatory. Wala raw. Wala. Hindi ko nakuha kung ano religion niya pero basta mali tinuturo ng lahat ng iba. Kung malibog ka? HELL. Kung nangungurakot ka? HELL. Kung nangchichismis ka? Hulaan mo kung san ka pupunta. Hell ba kamo? Ewan, di niya sinabi e. Haha joke lang, sa HELL.
Actually gawa gawa ko lang yung last part. Natuwa lang ako sa salitang hell. Di naman obvious diba.
Nakinig lang ako kasi simula palang, sinabi na niya na hindi siya hihingi ng pera at gusto lang niya ispread ang Word of God. O parang ganun. Tapos sa lakas pa ng boses niya, akala mo hindi dikit na dikit ang gilid ng pwet ng mga pasahero sa lapit sa isa't isa. Para siguro marinig hanggang heaven. Na nasa ibabaw ng langit. Mesosphere, thermosphere, tapos ayun, heaven na ata.

Thursday, June 28, 2012
Sawi ka ba sa pag-ibig?
Madaling solusyonan yan!
Kailangan mahaba at silky smooth ang buhok mo. Wag kalimutang umikot ikot sa tapat ng electric fan o kaya'y i-flip nang sobrang taas ang buhok para tumama sa mukha ng gustong akitin. Mas okay kung gawin mo to in slow motion. Lalo na kung daughter ka ng beauty queen, nakakapressure talaga e.
Kung isa ka sa mga malas na walang dugong dayuhan, importante ito. Dapat sobrang puti ng balat mo. Ganun kasi ang Kutis Artista, o pwede rin tawaging Kutis Diyosa. Sapagkat sinasamba dapat ang mga nilalang na lumalabas sa TV.
Madulas din dapat ang balat. Maaari itong i test sa pamamagitan ng pag hulog ng piraso ng tela sa legs mo. Dikitan lahat ng taong makakasalubong para maramdaman din nila kung gaano ka lambot at dulas ang balat mo.
Dapat payat at sexy ka. Pero paano nga ba magpapayat? Exercise? Healthy na pagkain? Ano ka ba, di na uso yon noh. Kung ano man ang pinakamabilis at nakakasira ng digestive system, yun na!
Maaari ring may wind effect o may kasamang mga girlfriends na kasing ganda mo at lagi kayong tumatawa pero parang wala namang dahilan.
Di mo na kailangan ng personality. Kalimutan mo na lahat ng pinag aralan mo. Kailangan mo lang sundin ang mga payo na ito at tiyak na pipilahan ka ng dose dosenang mga lalaki.

Tuesday, June 19, 2012
Beauty is on the Outside
Minsan tinanong ko sa sarili ko, ano pa bang ibang paraan para mag-aksaya ng oras? Kaya ayun, gumawa ako ng blog.
Bow.
Subscribe to:
Comments (Atom)