Wednesday, September 26, 2012

Nakakabaliw na kahit anong oras pa ko dumating sa Geog, late parin ako ayon sa attendance ng prof. Laging tapos na tawagin ang pangalan ko o kaya hindi naririnig ang pagsigaw ko ng present. Kanina nga tatlong beses akong natawag sa iba't ibang point nung period. Sumuko nalang ako kasi feeling ko ayaw lang niya talaga sakin. Minsan kaya nakikita naman niya akong papasok sa loob ng classroom. Pero kahit na ma cinco pa ko dahil sa attendance, ang importante naman talaga ay yung knowledge, diba? DIBA? Sige, kunwari nalang. 

May ginagawa pang nakakainis at sobrang nakakangilo na tunog yung isang ceiling fan sa loob nung kwarto. Buong isa't kalahating oras ata akong nakatingin ng masama sa fan na yon at umaasa na biglang tumigil dahil sa titig ko. Pwedeng super power yon a, sobrang diluted na form ng telekinesis na gumagana lang pag gusto mong mag off na electric fan. Parang, Shet ang lamig, sinong pwedeng tumulong sakin? Ako, that's fucking who. 

Tapos halos apat na linggo na pala akong hindi nagttrain. Tuwing balak ko, macacancel dahil sa ulan. Pag meron, bigla akong magkakasakit. O baka nagkakasakit ako dahil sa kawalan ng physical activity. Tapos lagi nalang akong magkakaroon ng pabalik balik na sakit hanggang.. mamatay ako. Hanggang patayin, pala. Dahil sa sobra sobra nang litrato ng mukha kong kakalat sa cyberspace na ipopost ko dito habang di makaalis ng kama. 

No comments:

Post a Comment