Thursday, May 23, 2013
Sunugin lahat ng slacks
Hindi ko pa nababalikan ang CAL dahil takot akong mareject. Di pa ko emotionally stable right now, baka kung anong mangyari sa internal organs ko. Di ko alam kung pwede bang matae sa sobrang lungkot, pero hindi ko na itetest katawan ko. Tapos biglang natanggap pala ko at nakalagpas na sa deadline, ang saya lang. Tapos ang dami pang grumagraduate sa paligid ko. Nakaka- omg. Pwede bang break muna. Konting travelling dito, self discovery diyan, drug abuse paminsan minsan. Ang dami pang pwedeng gawin na hindi ko na siguro magagawa pag may trabaho na ko at ang mga prinoproblema ko na ay sweldo at kuryente at finding a man who'll love me for me o kung ano mang cheesy na katarantaduhan. Omg, ayoko maging cheesy na tarantado. Jusko, tsaka ayokong mag-slacks. Lord, kahit ano gagawin ko basta hindi ko kailanganing mag slacks sa future. Nakakita na ba kayo ng yoyo master na naka slacks? Hindi. Ayokong gumising balang araw at marealize na Putang ina, ang dami kong slacks.
Friday, May 10, 2013
Mamaya malalaman ko na kung pasok ako sa unang level ng screening para sa course na inapplyan ko. Pagkatapos nun, exam at interview naman. Hinahanda ko na ang mga scripted na sagot para sa mga tanong na "Bakit mo gustong magshift sa course na to?" at "Where do you see yourself 5 years from now?" Medyo may schedule conflict pero yolo yolo lang. Future o Boracay? Bahala na pagdating ng araw na kailangan ko na talagang problemahin. Paano kaya kung di ako tanggapin? Medyo hindi well thought out yung planong to. Mag-aasawa na lang ako ng mayaman kung wala na talaga akong mapuntahan. Ngayon pa lang tatambay tambay na ko sa mga med school pag may free time ako. Tapos may mabubunggo ako tapos parang Oh my, I like your... stethoscope. Tapos ayun na: sparks, bastard child, civil marriage, passive aggressiveness, legitimate child, hell on earth, Alzheimer's, death.
Tuesday, May 7, 2013
May napanuod ako kahapon na ininterview ni Winnie Monsod na ang trabaho ay asikasuhin ang vote buying para sa mga kandidato. Bale, may mga pumapayag na bilhin boto nila para lang makakuha ng kaunting pera. Tapos imbis na mapunta ang pera ng bayan sa kanila, nanakawin lang ito ng opisyal na hinalal nila. Tapos sa sunod na eleksyon, ipagpapabili na naman nila ang boto nila dahil mahirap pa rin sila at sila rin mismo ang may kasalanan nun.
Kahit na gaano ko pa kagustong isipin na pagmamahal ang nagpapaikot ng mundo, hindi e, pera talaga. Ehehe sobrang nega lang. Gusto ko sanang tapusin to gamit ng isa sa mga sumusunod na pangungusap:
We must become the change we want to see in the world.
In your hands lies your future.
The youth is the hope of our nation.
O kung ano mang idealistic na kadramahan na sobrang inspirational tapos lahat tayo'y hawak kamay na babaguhin ang mundo <3
Kaso trabaho na ng ibang tao yan. Ehehe hater, sorry :))) Kung nagets mo, high five! Dapat gawin na lang na universal currency ang Spam para masaya tayong lahat. Maliban sa mga baboy. Poor delicious baboys.
Kahit na gaano ko pa kagustong isipin na pagmamahal ang nagpapaikot ng mundo, hindi e, pera talaga. Ehehe sobrang nega lang. Gusto ko sanang tapusin to gamit ng isa sa mga sumusunod na pangungusap:
We must become the change we want to see in the world.
In your hands lies your future.
The youth is the hope of our nation.
O kung ano mang idealistic na kadramahan na sobrang inspirational tapos lahat tayo'y hawak kamay na babaguhin ang mundo <3
Kaso trabaho na ng ibang tao yan. Ehehe hater, sorry :))) Kung nagets mo, high five! Dapat gawin na lang na universal currency ang Spam para masaya tayong lahat. Maliban sa mga baboy. Poor delicious baboys.
Wednesday, May 1, 2013
Dahil wala akong maisip ipost
Narinig ko yung kantang to habang namimili ng damit sa mall gamit ng pera na pinaghirapan ng ibang tao. At alam naman nating lahat na iyon ang klase ng pera na pinakamasarap gastusin. So naglalakad lakad ako, tapos parang Wow ang mahal naman nito. Kaso biglang pinatugtog yung kanta at nawalan ako ng pake sa presyo dahil napalitan ang thoughts ko ng That's my jam, yo.
Balang araw matututo akong gumawa ng beats at magiging DJ/producer na lang ako at gagawa ng mga kanta. Tapos magiging si Beyonce ako at sasakay sa unicorn at mawawalan ng mahihirap ang mundo at matutung bumoto nang tama ang mga Pilipino.
Subscribe to:
Comments (Atom)