Friday, May 10, 2013
Mamaya malalaman ko na kung pasok ako sa unang level ng screening para sa course na inapplyan ko. Pagkatapos nun, exam at interview naman. Hinahanda ko na ang mga scripted na sagot para sa mga tanong na "Bakit mo gustong magshift sa course na to?" at "Where do you see yourself 5 years from now?" Medyo may schedule conflict pero yolo yolo lang. Future o Boracay? Bahala na pagdating ng araw na kailangan ko na talagang problemahin. Paano kaya kung di ako tanggapin? Medyo hindi well thought out yung planong to. Mag-aasawa na lang ako ng mayaman kung wala na talaga akong mapuntahan. Ngayon pa lang tatambay tambay na ko sa mga med school pag may free time ako. Tapos may mabubunggo ako tapos parang Oh my, I like your... stethoscope. Tapos ayun na: sparks, bastard child, civil marriage, passive aggressiveness, legitimate child, hell on earth, Alzheimer's, death.
Labels:
bidyo,
Dylan Moran,
future
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment