May pinanood ako sa Cine Adarna nung isang araw. Sponsor ang Moonleaf kaya nagparaffle sila. Bakit ko sinasabi to? Kasi nanalo yung katabi ko! Joke lang. Ako pala yung nanalo. Nun lang ako nanalo sa isang raffle sa buong buhay ko. Pakiramdam ko tuloy may kung ano mang mutant powers na ko. Inisip ko lang yung ticket number ko tapos yun na yung sunod na sinabi nung host. Bigla akong nagkaroon ng urge na tumalon mula sa building o kaya tumaya sa lotto o murahin lahat ng ayaw kong prof. Feeling ko kasi ako na yung pinakaswerteng tao sa balat ng lupa nung mga panahon na yon at walang masamang pwedeng mangyari sakin. Kinuha ko na yung Milk Tea ko na best seller daw yung flavor at mukang may extra pa na pearls. Bumalik ako sa upuan ko at ganun ganun lang, naglaho rin kagad lahat nung saya. Naalala ko kasing wala nga pala akong kasama, at kahit na gano ko pa kagustong isigaw kung gaano ka sarap yung iniinom ko, wala naman akong mapagkekwentuhan.
KJ nung dulo, nakakainis. Madrama kasi ako kunwari.
Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa nga pala yung pinanood ko. Ang ganda nung mga tula na ginamit nila. Muntik na nga akong sumuko sa pag-aaral kasi hindi ko talaga mahanap hanap kahit saan yung mga tula na yon. Ang galing pa nung titig ng pagnanasa nung isang actor. Mararamdaman mo talaga yung kilig ng mga tao sa theatre. May isa pa ngang sumigaw at napatayo. Akala ko kung anong nangyari sakanya, yun pala kinilig lang. Di naman siya masyadong OA noh.
Panira nga lang yung katabi ko. Lahat nalang kwinento sa katabi niya. Nalaman ko tuloy na may quiz sila nung araw na yon na hindi niya napagaralan, na nadapa siya papasok sa theatre, na kailangan niyang umuwi ng maaga kinabukasan, ulam niya kahapon, ulam niya kanina, ulam niya mamaya, lahat ng pangarap at pagsisisi niya sa buhay. Interesting siguro siya. Kaso kung nanonood ka ng pelikula, tangina, tumahimik ka.
No comments:
Post a Comment