Wednesday, July 4, 2012

Attack of the Holy People

Masaya sumakay ng jeep pag gabi.

Habang nalulunod sa amoy ng barya at paulit ulit na Bayad po, may biglang nagsalita na lalaki. Akala ko talaga hinohold up na kami pero yun pala magsasalita siya tungkol sa religion, na halos magkalevel lang ata na parusa. Kung relihiyoso ka at na offend ka, joke lang yon, ok? Kung hindi naman, good for you.

Pero marami akong natutunan mula sakanya. Physical na lugar daw ang hell na matatagpuan 300,000 whatever miles sa ilalim ng lupa. Mali ang mga nagsasabi na may purgatory. Wala raw. Wala. Hindi ko nakuha kung ano religion niya pero basta mali tinuturo ng lahat ng iba. Kung malibog ka? HELL. Kung nangungurakot ka? HELL. Kung nangchichismis ka?  Hulaan mo kung san ka pupunta. Hell ba kamo? Ewan, di niya sinabi e. Haha joke lang, sa HELL. 

Actually gawa gawa ko lang yung last part. Natuwa lang ako sa salitang hell. Di naman obvious diba. 

Nakinig lang ako kasi simula palang, sinabi na niya na hindi siya hihingi ng pera at gusto lang niya ispread ang Word of God. O parang ganun. Tapos sa lakas pa ng boses niya, akala mo hindi dikit na dikit ang gilid ng pwet ng mga pasahero sa lapit sa isa't isa. Para siguro marinig hanggang heaven. Na nasa ibabaw ng langit. Mesosphere, thermosphere, tapos ayun, heaven na ata.


3 comments:

  1. Anoba kaya ka nadadapa palagi pinagtatawanan mo yung teachings ng messengers ni god eh.

    ReplyDelete
  2. ang disrespectful mo sa religion. mag bible study ka nga, tsk.

    ReplyDelete
  3. Ano ba yan. Puro pink naman tong comment section. Patatawarin naman ako ni God e. Diba yun naman yung gimik niya - love and forgiveness.

    ReplyDelete