Monday, December 3, 2012

Puno nalang yinakap ko

Tumakbo ako kanina ng tatlong acad oval. Alam kong hindi yun deserving ng pagmamayabang pero kumpara sa previous record ko na 0.731821076 rounds, masaya na ko. Gusto kong ilagay in writing kasi baka hindi ko na maigalaw katawan ko paggising ko bukas ng umaga. Tapos nagkunwari nalang ako ko na pagnakumpleto ko yun nang hindi tumitigil bago maubusan ng Katipunan jeep, makikipag break si ano sa girlie niya at tumatakbo talaga ako papunta sa mahigpit na kapit ng kanyang mga bisig. Fahahahafuhuhuhuck :| Pagkalipas siguro ng mga benteng taon at naabot ko na ang level ni super idol buddy, babalik ako sa post na to at sasabihin sa sarili ko na "Naaaalala mo pa ba yung mga panahon na sobrang arte mo at halos sumpain mo na nanay at tatay mo, hindi ka pa nga nakakalagpas ng AS? Onga e, ako rin hindi."


No comments:

Post a Comment