Wednesday, December 5, 2012

L'uomo universale

Isa sa mga paborito kong naging discussion sa buong buhay-estudyante ko ay ang konsepto ng pagiging buo/kumpleto/mas okey na tao. Naka-ukit na sa utak ng nakararami ang "tamang" paraan ng pagiging babae, kaibigan, higit-sa-kaibigan, anak, o kung ano pa man,  ngunit wala naman talagang absolute na pinaghuhugutan- mga gawa-gawang katotohanan lamang.

Ang tagal kong nakatitig lang sa tubig sa shower kanina. Pero sa wakas, nagawa ko ring humakbang patungo sa kaparinggot na espasyo na labis kong kinatatakutan. Sa sandaling yon, na hindi pa tatagal ng isang segundo, ramdam na ramdam ko ang bawat pagkukulang at kadakilaan sa pagkatao ko. At masasabi kong ayos lang ang lahat.

Naligo lang, ang drama na kagad.

No comments:

Post a Comment