Wednesday, November 21, 2012

At dahil dito, lagi na akong magw-warm up

Ede kakapasok ko palang sa field at nung napunta sakin yung bola at tumakbo lang ako ng konti, nawalan kagad ako ng balanse at nadulas pagka touch sakin. Buti nalang talaga nandun yung kanang tuhod ko para saluhin yung matigas at tuyong lupa ng sunken garden. Katabi na ngayon ng bago kong sugat yung peklat mula sa pagkadapa ko last year sa PE na nung fresh pa  ay inilarawan ng ilang tao bilang "mukang ketchup."

Pagkatapos ng training, pumunta ako sa clinic kung saan matatagpuan ang isa sa pinaka walang kwentang nurse sa balat ng lupa. Ang tagal kong naka-upo lang don kasi kailangan ko pa raw hintayin yung doctor. Hindi man lang niya tinignan o kung ano. Naka upo lang siya at nagtetext. Pano kung life or death pala ang nakasalalay. Malay ba niya.

Tapos lininis na nung doctor yung sugat at muntikan ko na siyang sipain. Kumaha siya ng cotton buds at linublob sa kung ano mang panglinis tapos sobrang intensely na kiniskis dun sa sugat. Alam kong linilinis mo lang, pero hindi mo ata naintindihan na sugat siya at masakit yung ginagawa mo. Di naman ako makacomplain kasi tinutulungan na nga niya ko kaya gumawa nalang ako ng kung ano anong facial expression na mukang tanga para mailabas ko sa muka ko yung sakit.

Hindi na ata ako babalik sa UP clinic kahit kelan.

No comments:

Post a Comment