May spoilers to kaya wag niyo nalang panoorin.
Siguro kung na encounter ko sa totoong buhay yung ibang characters dito, baka nasapak ko na sila para lang mabawasan ang pagka hipster nila. Ang cool kasi nila masyado para sakin. Di ko maappreciate yung OA na paggamit ng weed at records at sexuality. At english. Sobrang na bother lang talaga ako na may accent yung bidang babae. Tapos makikipag sexy time siya kahit na may gusto parin pala sa ex-boyfriend. Ewan ko ba dun. Basta ang laki lang ng galit ko kay girl. Pero kilig naman yung kung pano naging sila nung bidang lalaki. (Bago nagpaka bitch yung babae.)
So hindi nagsasalita yung lalaki (Gibson) kasi feeling niya siya ang dahilan kung bakit namatay yung kambal niya (Jamie) nung bata pa sila. Medyo siya naman talaga yung may kasalanan. Tapos ang lungkot lang nung Jamie ang tinatawag nung nanay kay Gibson. Tapos paulit ulit na tinatanong kung ano daw nangyari kay Gibson. Hindi umiimik yung bata at iyak lang nang iyak. Tapos tinanong nung nanay kung sino ba talaga kausap niya. Tapos gusto kong lang sigawan si Dawn Zulueta ng "Anong klaseng nanay ka!! Si Gibson yan!!" Pero kumalma rin naman ako nung naalala kong pelikula lang to.
Nagsalita lang siya ulit para sabihin na mahal niya si Enid (yung bitch). Wala naman daw kasi siyang importanteng kailangang sabihin bago nun. Nainis lang ako kasi hindi naman yun yung dahilan kung bakit siya tumigil sa pagsasalita. Feeling ko dapat yung una niyang sinabi sa buong pelikula (maliban sa nung kausap niya yung patay niyang kapatid) ay yung huli niyang sinabi sa nanay niya nung ending. Tumabi kasi si Gibson sa nanay niyang natutulog. Tapos nung nagising, tinanong nung nanay kung sino daw yon. Tapos sabi ni Gibson habang umiiyak, "It's me, Gibson." Mas madrama sana yung dating, diba? DIBA? Leche mag agree ka.
Hindi siguro masydaong halata sa mga sinabi ko pero maganda naman yung pelikula. Maganda yung pagkakabuo nung kwento. Maganda yung mga linya. Maganda yung nanood.
No comments:
Post a Comment