May nakasalubong ako kanina. Itago na lang natin siya sa pangalan na tanginabakitanggwapomo. Palagay ko kasi, ang relationship namin ay umabot na sa estado kung saan pwede akong mag-hi sa kanya pero hindi makipag-usap. At sapat na para sakin yon. Nung nagpasya ang tadhana na parehong sa AS ang klase namin noong Huwebes, 10:00 am, naramdaman ko yung connection. Dahil ano ba kasi yung chance na meron ding may klase sa AS nang 10:00 am sa isang Huwebes. Pinag-isipan ko kung anong klaseng ngiti ang gagawin ko na dapat may tamang timpla ng lubhang pagkagustong pansinin niya ang pagiging tao ko, at ang lubhang pagka ayaw na mahalata niya na hirap na hirap akong magmaintain ng composure. Pero imbis na gawin yon, tinitigan ko na lang yung bananaque na kinakain ko na para bang iyong bananaque na yon ang pinaka masarap, hinog, at inosenteng bananaque na buong paninindigan kong pinasok sa bibig ko. At kung bakit bigla akong nagshift mula sa confident sexual being that I am, at naging "normal" na ako na sa katunayan ay isang front lang para matakpan ang overwhelming enthusiasm at charisma ko, hindi ko alam.
Pero kung may alam man ako, masasabi kong ako'y isang babae lamang, na may mga pambabaeng parte, mga pambabaeng hinaing, mga pambabaeng pangangailangan. At ang kailangan ko'y ikaw. Haha chos. Biro lang, wala talaga akong pake sa pagkatao mo, kahit mukha mo lang pala, oks na. Isa ka lang bagay para sakin, at hindi na hihigit pa don. Ang puso ko'y pagmamayari na ng iba. At bago sumikat ang araw, kami'y magtatanan na, lalakbay at maghahanap ng kahit anong makakapitan at matatawag na amin, at marahil ay mamumuhay nang kailan ma'y hindi magugutom, ngunit hindi rin mabubusog.
Ok anyare sa dulo. Na feel ko masyado yung imaginary relationship.
No comments:
Post a Comment