"Tatakbo ka pa rin pagkatapos niyan? Di ka na nadala. Mag ibang sport ka na lang." E tangina mo. Joke. Lola ko nagsabi niyan. Tangina niyo po. Gustong gusto ko na siya babaan ng telepono kanina. Tawa na lang sinagot ko sa lahat ng sunod niyang sinabi. Di nga ata ako nakapag bye. Ang bait kong apo. At tao, in general.
Anyway, kakatapos lang ng Part 2 ng Bring-Your-Saklay-to-School Day. Jusko pagod na pagod na pagod na pagod na ko - parehong physically at emotionally. Hala ang drama. Magiging sobrang macho na ng arms ko pagkatapos nito. 20 minutes late pa ko sa isang klase dahil bumaba ako mula 4th floor ng AS, tumawid papuntang CAL, tapos umakyat naman sa 4th floor nun. Normally, wala pa sigurong limang minuto yon. Pero tatagal ka nga naman talaga pagka isang paa lang ang kaya mong gamitin. Bukod sa late ka na nga, dadating ka sa classroom mo nang basang basa ng pawis at hingal tapos tititigan ka pa ng prof mo't mga kaklaseng magtatanong kung 'Anong nangyari sa'yo?' hindi dahil may pake sila pero dahil mga tsismoso lang at may pahabol na tanong na 'Okey ka lang ba?' na may katumbas na reply na 'Okey lang ako' na kung totoo sana'y ede walang nakabalot na kung ano sa tuhod mo at hindi ka pa ika ika. At susubukan mong humabol sa diskusyon pero masyado kang pagod para magkaron ng interes sa grammar rules ng Ilokano. Tapos maalala mong Martes nga pala ngayon at napakagaan ng bag mo ngayon kumpara sa lahat ng ibang Martes na nagdaan at na may hindi ka magagawa sa parkitular na Martes na 'to, at malamang sa mga susunod pa. Tapos papatak ang alas kwarto. Ano na ngayon? At titignan mo ang sapatos mo, tapos ang pinagtagping mga piraso ng bakal at foam na nasa magkabilang gilid ng katawan mo, tapos ang hagdan sa harap mo. Eto na naman. Tapos tapos tapos. Sex
please remove the first paragraph. your lola will be sad sige ka. how is the feet? sa susunod na may injury ka dapat may prince charming ka na. hihihi. get well ma'am.
ReplyDeleteJoke lang yan, wala na talaga akong lola
Delete