Namimili ako ng mga school supplies na dinonate ko sa isang public school. Compute ako nang compute habang namimili dahil lagpas lang ng konti sa 600 pesos ang puwede kong gastusin kung ayaw kong maglakad pauwi. Wala akong binili ni isang Monggol o Faber Castel o Cattleya. Aanhin naman kasi ng public school student ang mga mamahaling lapis- ito ang iniisip ko habang hinahanap ang pinakamurang brand ng bawat klase ng school supply. Kaunti lang kasi talaga ang dala kong pera. Damang dama ang pagiging mabuti kong tao, napatigil ako dahil sa nakitang presyo sa resibo. Napansin ko na mas mahal pa pala yung suot kong blouse kaysa sa mga pinamili ko. Manipis na puting sando lang naman yun na madaling mabibili kahit saan at kahit gaano pa ka overpriced, binili ko siya sa pagdadahilan na "kailangan ko to." Parang bigla akong nabigatan sa mga bitbit kong bag ng National Bookstore nang napagtanto kong hindi ko pala ata talaga alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'kailangan.'
No comments:
Post a Comment