Kailangan ko na lang siguro tanggapin na lagi't laging magiging eksena ito sa buhay ko (at pati na rin variants niyan) http://paulinefernandez.blogspot.com/2012/09/galing-ako-sa-party-nung-isang-araw-at.html
Kamakailan lang, muling isinampal sakin ng mundo ang pagiging hindi "normal" ko. Imaginine mo: pinapalibutan ka ng mga lumalagok ng tequila, mga nagyoyosing di mo inakalang nagyoyosi, mga sumasayaw gamit ng what may be too much hip thrusting at kili-kili raising, mga nanay na doble pa ng edad mong mas sexy pa sa yo. Tapos magpapan yung camera sa 'yo. Ikaw na hindi umiinom o nagyoyosi o sumasayaw. O sexy na nanay. Pero pinipilit ka pa rin na uminom at magyosi at sumayaw. At maging nanay. May nagtanong pa kung bakit ka malungkot kahit na hindi ka naman malungkot, boring ka lang talaga.
Tapos bigla kong naalala si Gramsci. Oo, habang pumaparty. Well, ako pala hindi pumaparty nun. Parang yung mga non-loser people yung naghaharing-uri na sinusubukang ipaniwala sa iba pang classes ng society na yung mga ideology nila ang tama at na sila ang norm. Buti na lang alam ko kung paano baliktarin yung hegemonic na relationship na yan.
In theory. Kaya umuwi na lang ako nang maaga. Ganyan tayo e.
No comments:
Post a Comment