Ilang minuto na lang at matatapas na yung torrent ko ng huling episode ng The Walking Dead para sa season na to. At.. at.. at.. omg sabi ko kanina di ako iiyak habang sinusulat ko to pero... Nakaka- ewan ko ba. Parang may bumubukang void sa pagkatao ko na mapupuno lang siguro ng drugs at sex at violence at pagsuporta kay Tito Sotto. Buti na lang talaga kakasimula lang ulit ng Doctor Who kundi di ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko.
Siguro nangyari na rin to sa 'yo, maliban na lang kung ikaw yung tipong tao na sobrang weird at may social life o kaya mahilig gawing productive ang araw nila. Pssh, dorks. Pero tuwing nakakatapos ako ng isang series o kaya kahit isang season man lang, parang ang dami kong nararamdamang emosyon na ayaw kumalma. Pinag-invest nila ko ng oras at hard drive space at feelings tapos bigla na lang matatapos? I just... I just can't. Y'know?
Di ko mabitawan yung mga pinagdaanan nung mga tauhan, na para bang nandun talaga ako kasama nila. Minsan iniisip ko, ano na kaya ginagawa nila ngayon, na para bang totoo silang tao. Nagkatuluyan kaya yung bidang babae at lalaki na naghalikan sa huling episode? Nanatili kayang tahimik at mapaya ang buong daigdig? (Well, daigdig nila.) Nalaman na kaya ng best friend nung bida na hindi talaga siya nagpakamatay? (Ehehe Sherlock :((( )
Weh, OA ko. Kailangan ko atang lumabas ng bahay nang mas madalas.
No comments:
Post a Comment