Dahil February ngayon, tungkol sa pag-ibig at mga emosyon na parang pag-ibig ang nais kong pag-usapan.
Narinig kong iperform 'to: http://allanjosephbatac.com/blog/2006/04/ang-gusto-kong-love-d.html dati sa UP at mej magiging inspirasyon para sa mga susunod na stuff. Gusto ko lang iexplain kung san nanggaling para lang hindi ako mukang kadiring romantic na emo na ewan. Art to, ok, ART. Pero hindi siya patula kasi ang effort naman nun masyado.
Ang gusto kong love ay yung...
may mukha. Labo. Anyway.
sasamahan akong mag-rock out na para bang wala nang bukas. Lalo na kung kanta ng hommie kong si Kanye ang pinapatugtog. Break it down, yo.
sasamahan akong manuod ng mga pelikula sa FI, hindi lang dahil dapat nating suportahan ang pelikulang pinoy (or something like that) kundi dahil din wala sa budget ang lumabas pa ng UP. Maging mahirap tayo at kumain sa CASAA together <3
hindi ako lalandiin, kundi kakausapin. Kikilalanin ang bawat aspeto ng pagkatao ko, at hindi ang hugis ng aking balat.
papatawanin ako. At papatawanin ko rin siya. At tatawa kami nang tatawa nang tatawa. At ayos na kahit yun lang ang gawin namin. (parang baliw lang e. Pero whatevs)
Shet ang hirap mag-isip. Kaya ko to.
hindi nagbibigay ng bulaklak o tsokolate, o nagbubukas ng pinto, o pinipilit na manlibre, o nagsasabi ng kung ano mang cliche na mga bagay. Chivalry my ass. 'Di na uso 'yon. I'm a strong independent woman :)) Ang ma-emasculate, panget.
Pwede na nga yan. Peace out.
Sobrang nahiya at natamaan naman ako sa post na 'to
ReplyDelete