Friday, September 8, 2017

MGA PAGMUMUNI MULA SA NAGDAANG WEEKEND

...at sa mga linggo leading up to it. Bago tuluyungan mamatay ang hype. At para na rin lowkey  magparinig charot .

1. Training lang ang sagot. Dahil talo ng banong may structure ang magaling na nagbabara-bara lang. Mas okey ang magaling na may structure tho pero si jesus na lang ang makapagdadala satin don.

2. Kaso kahit na araw at gabi pa kayo magsanay, di nakukuha sa dalawang buwang training ang maturity at experience. Ako nga naka-apat nang laro sa labas ng bansa, olats pa rin. Ganon talaga buhay.

3. Hindi pwede magcoach-coachan at maglaro nang sabay. Magkaibang wika ang ginagamit. Maglalabas ka lang ng frustration sa maling mga lugar kung utak-player ang laging nananaig. Referee na lang sa sunod, mas simple, walang attachment. Chos

4. I-dive lahat ng score attempts pota mukha kang tangang laging nasa lapag pero makakaiskor ka rin. Mga 90% ng score ko hindi magiging score kung di ko dinive. The lupa is your friend. Embrace it.

5. Sabi ko have fun lang kaso parang mas fun manalo hahahahhahasel

6. Ang beautiful maki-team work sa ibang team. Lalo na yung pag talunan na kayong lahat. Go Philippines lamang na naman mga dayuhan satin pero okey lang yan darating din ang atin. Malamang sa tulong pa rin ng mga dayuhan pero lunok lunok na lang ng pride

7. Hindi porket kaya mong gawin, gagawin mo na dahil feel mo lang. Team kasi to, hindi showchase ng shet mo. Kapogian is earned, hindi dinadaan sa unnecessary papogi moves. Gawa ka sarili mong team tas parepareho kayong huwag magpasahan badtrip

8. Skwating sa laro is skwating in real life. Walang makapagsasabi sakin ng iba. Mas mahalaga pa rin honor at integrity (awuw big words) mo bilang tao kaysa sa mga marka sa score board. Kung kaya mo magtake advantage ng kapwa mong super obvious na walang kakayahang depensahan ang sarili, para lang makausad ka, ewan ko na. Kahit pa technically allowed yan. Kahit pa "parte lang ng laro" o "trabaho lang." Ikaw na dapat magkusa e. Lahat ng ginagawa mo sa lahat ng parte ng buhay mo ay manipestasyon ng pagkatao mo. Period no erase.

May malalim tong hugot sa pangkabuoan kong life reflections kaya f na f ko. *Lapatan ng mga konsepto ng oppressed at marginalized, naghaharing uri, privilege, agency, batas at structure.* Wala, pinacomplicate ko lang bye

9. Alam kong politically incorrect yung salitang "skwating" pasensya na

10. Pero kahit pano mo pa pagbali-baliktarin, kung mahal mo, mahal mo talaga. Charot tama na ayoko na




No comments:

Post a Comment