Alam naman nilang walang magagawa sa budget na ganun kaliit. Mas alam nila lalo na hindi naman iyon papasa.Ibang usapan na ang pagiging tama o mali ng kinalabasan ng botahan, kung ginagawa ba talaga ng CHR ang mandato nila o hindi.
Ang pagtalaga ng Php 1000 na budget ay simpleng pagpapakita ng kapangyarihan. Ang pera ay pera lang, hindi ito dadaloy nang walang tulong. Pero ang pagtanim ng kultura ng pananakot at pag-abuso ng lakas, ‘yun yung mas delikado dahil ‘yun ang nanunuot - yung unti-unti na lang nagiging parte ng kamalayan nating dapat katakutan ang mga nasa itaas, na normal lang na ginagago tayo ng estado.
Maya maya, inuuntog na pala ang sarili sa mga rehas ng hawlang pinasok natin nang di namamalayan.
Naloka c aqoehx
No comments:
Post a Comment