1. Dabest yung SandwichxBP collab sa Coke Studio chuchu. Also, def les para kay Ourselves the Elves girl di ko mai-put to words
2. Kakapanuod ko lang kanina ng Whiplash at mas dark siya than I expected piru ang gunduh. Nabagabag feelings ko sa character development jusq. Pero in a good way
3. Guilty pleasure kong manuod ng mga reality show. As in yung mga mababaw na puro sigawan lang tungkol sa wala. I tell myself na pinapanuod ko sila ironically pero naeenjoy ko talaga. Tapos papasok tatay ko sa kwarto ko at makikita ko siyang nadidisappoint sa pagkatao ko pero kasi kailangan ko talagang malaman ano nangyari sa diamond earring ni Kim Kardashian ok
4. Wala pang dalawang linggo na zero exercise at nabobobo na yung sira kong tuhod. Gusto ko lang magpahinga pls lorde y wont u let me. Life tip: huwag mainjure kasi forever mong kailangang i-maintain at sobrang gastos po mag-enroll sa gym
5. Sabi ko sa sarili ko na bilang part ng self improvement ko ay babalikan ko mga luma kong hobby. So tinry ko tumugtog ng piyesa kanina kaso wala sa tono yung piano kaya pumunta na lang ako sa kusina at kumain ng cake. Sinubukan ko talaga
6. Every year, i make it a point na maging underwhelming birthday ko. Kaso kung sinasadya kong wag bigyang meaning, hindi ba yon isang act ng pagbibigay meaning in itself? Ewan dami kong arte sa buhay
7. Nanuod din ako nung isang araw ng Love You to the Stars and Back. Husay umarte nung Joshua Garcia. Sobrang John Lloyd nung dating. 11/10 would recommend para lang maappreciate ng iba acting chops nung batang to. At not to my surprise, umiyak ako. Di ako iyakin irl pero todo hagulgol lagi sa mga pelikula idek pano yon nangyayari
8. Kung pwede lang, magkokorean bbq ako araw-araw. Nasasatisfy ako sa pagbalot ng meat sa dahon. Yung marahan mong kukunin yung nag-iinit na karne at ilalatag sa madulas at mamasa-masang dahon. Tapos babalutin mo nang mahigpit at dahan-dahang isusubo sa naglalaway mong bibig. Sarap.
Well that took a weird turn. Abrupt ending
No comments:
Post a Comment