Masalimuot ang relasyon ng espasyo't temporalidad. Kung ang isang bagay ay mayroong distansiyang linakbay, nangangahulugang mayroong panahong lumipas. Ngunit ang kabaliktaran ay walang katiyakan - na ang paglipas ng panahon ay nangangahulugang may paglakbay na distansiya.
Maaaring matapos ng hindi-na-mabilang na pagpitik ng mga kamay ng orasan, magugulat ka na lang sa pagtuklas na nananatili ka pa rin sa puntong pinagsimulan.
Mapanlinlang ang panahon, tulad ng panlilinlang ng mga pangalang matagal nang nalimutan - dinaan ka lang sa palamuti't matatamis na salita.
Disclaimer: Charot lang
No comments:
Post a Comment