Di ko na maalala kailan ko unang pinanuod pero nananatili pa rin to bilang paborito kong pelikula. Mapapatawa ka at mapapaiyak nang sabay na mas lalong magiging strange na feeling pagkarealize mo na isang dance sequence ang eksenang pinapanuod. Sobrang cute talaga nakakainis. Pero wala pa rin talagang tatalo sa iniyak ko sa TFIOS. Like a bitch.
At nasa bahay ako ng lola ko nung isang araw at meron din silang mga give away sa binyag na mga naka picture frame na litrato ng kung sino mang sanggol. Magsisimula ako ng movement na ipinagbabawal ang paglikha ng mga to base sa simpleng kadahilanan na sobrang tanga ng mga piraso ng basura na yan at sayang lang sa pera. Ganyan dapat ang ipinaglalaban natin e, yung mga seryoso't mabibigat na isyu.
Kung maputulan ka ng ACL, halo ka ng malas at bobo. Kung maputulan ka ULIT, may kasama nang galit mula sa mga diyos yon. Nais lang nilang sabihin na sino bang hindi gustong madagdagan ng bakal sa katawan. Kadalasan tuwing may bagong dumarating sa Moro, nalulungkot ako para sa kanila. Pero kung kilala ko na sila, pagkatapos ng mga limang segundong kalungkutan, nakakatawa na lang e. Nakakatuwa makakakita ng mga kaibigang pilay at nahihirapan. Napapangiti ang puso ko. At kung hingan ka ng isa sa mga pilay na kaibigang yon ng cover, bibigyan mo siya ng cover. Kasi c'mon, pilay na nga e. Sana hindi mo magustuhan para extra miserable buhay mo.
No comments:
Post a Comment