Sinabihan ako ng lola ko na buti raw at mahaba na buhok ko. Ngayon, lagi na raw akong maganda. Tuwang tuwa siyang hinahawakan ang buhok ko at pinagpipilitan ang pagiging maganda kong akala niya ata'y kailangan kong marinig nang paulit-ulit. Na para bang ang bumubuo sa'kin ay kagandahan. At kagandahan lamang.
Sa tingin ng iba na sapat na ang pagsabi sa isang babae na maganda siya o sexy o blooming. Masarap nga namang marinig pero hindi kasing sarap pakinggan tuwing masasabihang nakakatawa o matalino o hindi pussy. Mga katangiang mananatili kahit pa wala na ang make-up at, para sa lola ko, buhok.
Stress. Sarap magpagupit para lang mang-asar ng mag-ootsenta anyos na byuda. Dahil ganun akong klaseng tao.
No comments:
Post a Comment