Monday, June 16, 2014

Sino ka ba

Angelica Santos-Aquino at bakit may naka-frame na litrato mo sa pamamahay namin? Sanggol ka pa lang kaya wala kang magagawa na naisipan ng magulang mong gawing give away sa binyag mo ang mukha mong napapalibutan ng mga pink na anghel at pink na ribbon at pink na bulaklak. Kung meron pang hindi makakakuha kung ano kasarian mo, kailangan na ata tong tatakan na rin ng mga pink na puke. Dose-dosena siguro nito ang nakakalat sa Metro Manila at nasa mga tahanan ng mga taong tulad kong sa totoo lang ay walang pakealam sayo at walang intensyong magdisplay ng picture ng anak ng ibang tao. Sorry a. Pero baby ka lang naman, anong pake mo sa mga taong walang pake sayo. Kakabinyag mo lang nga pala. Parang dapat ata i-congratulate kita pero linublob ka lang naman sa tubig. Holy raw yung tubig pero kaechosan lang yan, papeles lang talaga ang kailangan. At ngayon, nang wala kang kamalay malay, inukit na ng mga magulang mo ang mga 'Dapat' sa buhay mo. Ang mga dapat paniwalaan, dapat gawin, dapat isipin, dapat sabihin, dapat maging. Nako, utang na loob, huwag na huwag kang kakagat.


No comments:

Post a Comment