Para bang nakasakay ako sa isang bangkang pinapasukan ng tubig ngunit hindi mahanap ang butas. At kahit pa subukang tapalan lahat, patuloy pa ring lumulubog.
Sa nakaraang dalawang buwan pa lang, naka halos sampu na siguro akong bisita sa kung sinu-sinong doktor. Buti na lang at may Mang Inasal malapit sa St. Lukes. Nagegets lang talaga ako ni Mang Inasal e. Alam naming lahat na may problema, kitang-kita naman, hindi nga lang malaman ang dahilan. Lahat ng eksamen bumalik nang malinis. Tatlong tableta araw-araw para sa pitong linggo ngunit hindi rumesponde. Mga propesyonal na may unanimous na opinyon na ang kasong ito ay 'hindi karaniwan.' Hindi karaniwan - isang napakabait na termino para sa
Tangina hindi ko alam ano yan. At wala na sigurong mas nakababaliw pa sa hindi pag-alam. Dumating na yung punto na maluha-luha na kong lumabas sa opisina nung isang doktor dahil normal yung mga blood test, walang nakitang mali. Pero kasi, hindi normal e, merong mali. Pati yung PM1.5 Spicy Paa, sigurado don.
At patuloy pa rin ang paglubog.
Char, pupunta lang sa doktor sa isang araw naginarte na. Pero wala pa ring mas nakakalungkot pa sa pagkawala ng Mang Inasal sa Katipunan. Naaalala ko pa rin ang sabay na paghila ko sa pinto at ang pagpansin na tinakpan ng manila paper ang mga salamin. Sobrang sakit. Para akong nawalan ng kaibigan. Na gusto kong ihawin. At kainin. Yung ganung klaseng kaibigan. Ewan ko ba.
No comments:
Post a Comment